caseriqPaghahanap ayon sa kahulugan sa Qur'an

Surah Al-Qamar القمر

55 talata · Makkah · pagkakasunod ng pagpapahayag 37

بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ ٱقْتَرَبَتِ ٱلسَّاعَةُ وَٱنشَقَّ ٱلْقَمَرُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNapalapit ang Huling Sandali at nabiyak[1] ang buwan [sa dalawa].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَإِن يَرَوْا۟ ءَايَةً يُعْرِضُوا۟ وَيَقُولُوا۟ سِحْرٌ مُّسْتَمِرٌّ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKung makakikita sila [na mga tagatangging sumampalataya] ng isang himala ay aayaw sila at magsasabi sila: “Isang panggagaway na nagpapatuloy.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَكَذَّبُوا۟ وَٱتَّبَعُوٓا۟ أَهْوَآءَهُمْ وَكُلُّ أَمْرٍ مُّسْتَقِرٌّ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagpasinungaling sila [sa Qur’ān] at sumunod sila sa mga pithaya nila. Bawat bagay ay mananahan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَقَدْ جَآءَهُم مِّنَ ٱلْأَنۢبَآءِ مَا فِيهِ مُزْدَجَرٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTalaga ngang dumating sa kanila mula sa mga balita [ng mga kalipunan] ang may pantaboy [sa kawalang-pananampalataya].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

حِكْمَةٌۢ بَٰلِغَةٌ فَمَا تُغْنِ ٱلنُّذُرُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Ang Qur’ān ay] isang masidhing karunungan, ngunit hindi nagpapakinabang [sa kanila] ang mga babala.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَتَوَلَّ عَنْهُمْ يَوْمَ يَدْعُ ٱلدَّاعِ إِلَىٰ شَىْءٍ نُّكُرٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya tumalikod ka sa kanila [hanggang] sa araw na mananawagan ang [anghel na] tagapanawagan tungo sa isang bagay na kakila-kilabot.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

خُشَّعًا أَبْصَٰرُهُمْ يَخْرُجُونَ مِنَ ٱلْأَجْدَاثِ كَأَنَّهُمْ جَرَادٌ مُّنتَشِرٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHabang mga nagtataimtim ang mga paningin nila, lalabas sila mula sa mga pinaglibingan na para bang sila ay mga balang na kumakalat,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

مُّهْطِعِينَ إِلَى ٱلدَّاعِ يَقُولُ ٱلْكَٰفِرُونَ هَٰذَا يَوْمٌ عَسِرٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerna mga kumakaripas patungo sa tagatawag. Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya na ito ay isang araw na mahirap.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

كَذَّبَتْ قَبْلَهُمْ قَوْمُ نُوحٍ فَكَذَّبُوا۟ عَبْدَنَا وَقَالُوا۟ مَجْنُونٌ وَٱزْدُجِرَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagpasinungaling bago nila ang mga kababayan ni Noe sapagkat nagpasinungaling sila sa lingkod Namin [na si Noe] at nagsabi silang baliw [siya] at ipinagtabuyan siya.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَدَعَا رَبَّهُۥٓ أَنِّى مَغْلُوبٌ فَٱنتَصِرْ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya dumalangin siya sa Panginoon niya: “Tunay na ako ay nadaig kaya mag-adya Ka.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَفَتَحْنَآ أَبْوَٰبَ ٱلسَّمَآءِ بِمَآءٍ مُّنْهَمِرٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya nagbukas Kami ng mga pinto ng langit na may tubig na bumubuhos.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَفَجَّرْنَا ٱلْأَرْضَ عُيُونًا فَٱلْتَقَى ٱلْمَآءُ عَلَىٰٓ أَمْرٍ قَدْ قُدِرَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagpabulwak Kami sa lupa ng mga bukal, saka nagtagpo ang tubig [ng langit at lupa] ayon sa isang utos na itinakda.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَحَمَلْنَٰهُ عَلَىٰ ذَاتِ أَلْوَٰحٍ وَدُسُرٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagdala Kami sa kanya sa [daong na] may mga tabla at mga pako.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

تَجْرِى بِأَعْيُنِنَا جَزَآءً لِّمَن كَانَ كُفِرَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNaglalayag ito sa [pagsusubaybay ng] mga mata Namin bilang ganti para sa dating tinanggihang sampalatayanan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَقَد تَّرَكْنَٰهَآ ءَايَةً فَهَلْ مِن مُّدَّكِرٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTalaga ngang nag-iwan Kami nito bilang tanda, kaya may tagapag-alaala kaya?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَكَيْفَ كَانَ عَذَابِى وَنُذُرِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya papaano naging [matindi] ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَقَدْ يَسَّرْنَا ٱلْقُرْءَانَ لِلذِّكْرِ فَهَلْ مِن مُّدَّكِرٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTalaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pag-aalaala, kaya may tagapag-alaala kaya?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

كَذَّبَتْ عَادٌ فَكَيْفَ كَانَ عَذَابِى وَنُذُرِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagpasinungaling ang [liping] `Ād [sa propeta nilang si Hūd], kaya papaano naging [matindi] ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّآ أَرْسَلْنَا عَلَيْهِمْ رِيحًا صَرْصَرًا فِى يَوْمِ نَحْسٍ مُّسْتَمِرٍّ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na Kami ay nagsugo sa kanila ng isang hanging pagkalamig-lamig sa isang araw ng isang kasawiang-palad na nagpatuloy.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

تَنزِعُ ٱلنَّاسَ كَأَنَّهُمْ أَعْجَازُ نَخْلٍ مُّنقَعِرٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHumuhugot ito sa mga tao na para bang sila ay mga tuod ng mga punong datiles na nasungkal.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَكَيْفَ كَانَ عَذَابِى وَنُذُرِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya papaano naging ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَقَدْ يَسَّرْنَا ٱلْقُرْءَانَ لِلذِّكْرِ فَهَلْ مِن مُّدَّكِرٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTalaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pag-aalaala [at pag-unawa], kaya may tagapag-alaala kaya?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

كَذَّبَتْ ثَمُودُ بِٱلنُّذُرِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagpasinungaling ang [liping] Thamūd sa mga babala.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَقَالُوٓا۟ أَبَشَرًا مِّنَّا وَٰحِدًا نَّتَّبِعُهُۥٓ إِنَّآ إِذًا لَّفِى ضَلَٰلٍ وَسُعُرٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya nagsabi sila: “[Kay Ṣaliḥ na] taong nag-iisa kabilang sa amin ba susunod kami? Tunay na kami, samakatuwid, ay talagang nasa isang pagkaligaw at isang pagkaulol.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَءُلْقِىَ ٱلذِّكْرُ عَلَيْهِ مِنۢ بَيْنِنَا بَلْ هُوَ كَذَّابٌ أَشِرٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterIniukol ba ang paalaala sa kanya sa gitna namin? Bagkus siya ay isang palasinungaling na walang-galang.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

سَيَعْلَمُونَ غَدًا مَّنِ ٱلْكَذَّابُ ٱلْأَشِرُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMakaaalam sila bukas kung sino ang palasinungaling na hambog.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّا مُرْسِلُوا۟ ٱلنَّاقَةِ فِتْنَةً لَّهُمْ فَٱرْتَقِبْهُمْ وَٱصْطَبِرْ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na Kami ay magsusugo ng dumalagang kamelyo bilang tukso para sa kanila, kaya mag-antabay ka sa kanila at magtiyaga ka.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَنَبِّئْهُمْ أَنَّ ٱلْمَآءَ قِسْمَةٌۢ بَيْنَهُمْ كُلُّ شِرْبٍ مُّحْتَضَرٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMagbalita ka sa kanila na ang tubig ay binabahagi sa pagitan nila; bawat pag-inom ay halinhinan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَنَادَوْا۟ صَاحِبَهُمْ فَتَعَاطَىٰ فَعَقَرَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNgunit nanawagan sila sa kasamahan nila, kaya kinuha nito [ang tabak] at kinatay nito.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَكَيْفَ كَانَ عَذَابِى وَنُذُرِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya papaano naging [matindi] ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّآ أَرْسَلْنَا عَلَيْهِمْ صَيْحَةً وَٰحِدَةً فَكَانُوا۟ كَهَشِيمِ ٱلْمُحْتَظِرِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na Kami ay nagsugo sa kanila ng hiyaw na nag-iisa kaya sila ay naging gaya ng mga tuyot na sanga [na tinanggihan ng] ng nagkukural.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَقَدْ يَسَّرْنَا ٱلْقُرْءَانَ لِلذِّكْرِ فَهَلْ مِن مُّدَّكِرٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTalaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pag-aalaala [at pag-unawa], kaya may tagapag-alaala kaya?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

كَذَّبَتْ قَوْمُ لُوطٍۭ بِٱلنُّذُرِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagpasinungaling ang mga kababayan ni Lot sa mga babala.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّآ أَرْسَلْنَا عَلَيْهِمْ حَاصِبًا إِلَّآ ءَالَ لُوطٍ نَّجَّيْنَٰهُم بِسَحَرٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na Kami ay nagsugo sa kanila ng mga bato [na sumalanta sa kanila] maliban sa mag-anak ni Lot; nagligtas Kami sa kanila sa huling bahagi ng gabi

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

نِّعْمَةً مِّنْ عِندِنَا كَذَٰلِكَ نَجْزِى مَن شَكَرَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerbilang pagpapala mula sa ganang Amin. Gayon Kami gumaganti sa sinumang nagpasalamat.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَقَدْ أَنذَرَهُم بَطْشَتَنَا فَتَمَارَوْا۟ بِٱلنُّذُرِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTalaga ngang nagbabala siya sa kanila ng pagsunggab Namin ngunit nagtaltalan sila hinggil sa mga babala.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَقَدْ رَٰوَدُوهُ عَن ضَيْفِهِۦ فَطَمَسْنَآ أَعْيُنَهُمْ فَذُوقُوا۟ عَذَابِى وَنُذُرِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTalaga ngang humiling sila sa kanya [na manghalay] sa panauhin niya kaya pumawi Kami sa mga mata nila, [na nagsasabi:] “Kaya lumasap kayo ng pagdurusang dulot Ko at mga babala Ko.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَقَدْ صَبَّحَهُم بُكْرَةً عَذَابٌ مُّسْتَقِرٌّ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTalaga ngang may sumapit sa kanila sa umaga na isang pagdurusang nananahan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَذُوقُوا۟ عَذَابِى وَنُذُرِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya lumasap kayo ng pagdurusang dulot Ko at mga babala Ko.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَقَدْ يَسَّرْنَا ٱلْقُرْءَانَ لِلذِّكْرِ فَهَلْ مِن مُّدَّكِرٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTalaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pag-aalaala, kaya may tagapag-alaala kaya?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَقَدْ جَآءَ ءَالَ فِرْعَوْنَ ٱلنُّذُرُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTalaga ngang dumating sa mga alagad ni Paraon ang mga babala.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

كَذَّبُوا۟ بِـَٔايَٰتِنَا كُلِّهَا فَأَخَذْنَٰهُمْ أَخْذَ عَزِيزٍ مُّقْتَدِرٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagpasinungaling sila sa mga tanda Namin sa kabuuan ng mga ito kaya dumaklot Kami sa kanila ng pagdaklot ng isang Makapangyarihan, isang Tagakaya.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَكُفَّارُكُمْ خَيْرٌ مِّنْ أُو۟لَٰٓئِكُمْ أَمْ لَكُم بَرَآءَةٌ فِى ٱلزُّبُرِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng mga tagatangging sumampalataya ninyo ba ay higit na mabuti kaysa sa mga [nalipol na kalipunang] iyon o mayroon kayong kawalang-kaugnayan sa [pagdurusang nasaad sa] mga kasulatan?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَمْ يَقُولُونَ نَحْنُ جَمِيعٌ مُّنتَصِرٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO nagsasabi sila: “Kami ay katipunang nananaig?”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

سَيُهْزَمُ ٱلْجَمْعُ وَيُوَلُّونَ ٱلدُّبُرَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMatatalo ang pagkakabuklod at magbabaling sila ng mga likod [nila].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

بَلِ ٱلسَّاعَةُ مَوْعِدُهُمْ وَٱلسَّاعَةُ أَدْهَىٰ وَأَمَرُّ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterBagkus ang Huling Sandali ay ang tipanan nila at ang Huling Sandali ay higit na masaklap at higit na mapait.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّ ٱلْمُجْرِمِينَ فِى ضَلَٰلٍ وَسُعُرٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na ang mga salarin ay nasa isang pagkaligaw [sa Mundo] at isang pagdurusa [sa Kabilang-buhay].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

يَوْمَ يُسْحَبُونَ فِى ٱلنَّارِ عَلَىٰ وُجُوهِهِمْ ذُوقُوا۟ مَسَّ سَقَرَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSa araw na kakaladkarin sila sa Apoy sa [pagkasubsob ng] mga mukha nila, [sasabihin sa kanila]: “Lumasap kayo ng saling ng [impiyernong] Init!”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّا كُلَّ شَىْءٍ خَلَقْنَٰهُ بِقَدَرٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na Kami sa bawat bagay ay lumikha ayon sa isang takda.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَمَآ أَمْرُنَآ إِلَّا وَٰحِدَةٌ كَلَمْحٍۭ بِٱلْبَصَرِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterWalang iba ang utos Namin kundi nag-iisa gaya ng kisap ng paningin.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَقَدْ أَهْلَكْنَآ أَشْيَاعَكُمْ فَهَلْ مِن مُّدَّكِرٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTalaga ngang nagpahamak Kami ng mga kakampi ninyo, kaya may tagapag-alaala kaya?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَكُلُّ شَىْءٍ فَعَلُوهُ فِى ٱلزُّبُرِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterBawat bagay na ginawa nila ay nasa mga kasulatan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَكُلُّ صَغِيرٍ وَكَبِيرٍ مُّسْتَطَرٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterBawat maliit at malaki ay nakatitik.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّ ٱلْمُتَّقِينَ فِى جَنَّٰتٍ وَنَهَرٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at mga ilog,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فِى مَقْعَدِ صِدْقٍ عِندَ مَلِيكٍ مُّقْتَدِرٍۭ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centersa upuan ng katapatan sa piling [ni Allāh ang] Haring Tagakaya.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

Naghahanap ng paksa? Subukan ang paghahanap ayon sa kahulugan — hinahanap ang tanong sa lahat ng 6,236 talata.
Wika — 70