caseriqPaghahanap ayon sa kahulugan sa Qur'an

Surah An-Najm النجم

62 talata · Makkah · pagkakasunod ng pagpapahayag 23

بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ وَٱلنَّجْمِ إِذَا هَوَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSumpa man sa bituin kapag lumubog ito,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

مَا ضَلَّ صَاحِبُكُمْ وَمَا غَوَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi naligaw ang kasamahan ninyo [na si Propeta Muḥammad] at hindi siya nalisya.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَمَا يَنطِقُ عَنِ ٱلْهَوَىٰٓ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi siya bumibigkas ayon sa [sariling] pithaya.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنْ هُوَ إِلَّا وَحْىٌ يُوحَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterWalang iba ito kundi isang kasi na ikinakasi sa kanya.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

عَلَّمَهُۥ شَدِيدُ ٱلْقُوَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagturo sa kanya ang [anghel na] matindi ang lakas,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ذُو مِرَّةٍ فَٱسْتَوَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[si Anghel Gabriel] na may kapangyarihan saka tumindig [ayon sa anyo ng pagkakalikha],

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَهُوَ بِٱلْأُفُقِ ٱلْأَعْلَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerhabang ito ay nasa [bahagi ng] abot-tanaw na pinakamataas.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ثُمَّ دَنَا فَتَدَلَّىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterPagkatapos lumapit ito saka pumanaog ito.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَكَانَ قَابَ قَوْسَيْنِ أَوْ أَدْنَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya ito ay naging nasa layo ng dalawang pana o higit na malapit.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَأَوْحَىٰٓ إِلَىٰ عَبْدِهِۦ مَآ أَوْحَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya nagkasi Siya sa lingkod Niya ng ikinasi Niya.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

مَا كَذَبَ ٱلْفُؤَادُ مَا رَأَىٰٓ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi nagsinungaling ang puso [ng Propeta] sa nakita niya.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَفَتُمَٰرُونَهُۥ عَلَىٰ مَا يَرَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya makikipagtaltalan ba kayo sa kanya sa nakikita niya?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَقَدْ رَءَاهُ نَزْلَةً أُخْرَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTalaga ngang nakita niya [si Gabriel na] ito sa iba pang pagkababa,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

عِندَ سِدْرَةِ ٱلْمُنتَهَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centersa tabi ng [punong] Sidrah ng Pinagwawakasan,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

عِندَهَا جَنَّةُ ٱلْمَأْوَىٰٓ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centersa tabi nito ang Hardin ng Kanlungan,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِذْ يَغْشَى ٱلسِّدْرَةَ مَا يَغْشَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centernoong bumabalot sa [punong] Sidrah ang bumabalot.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

مَا زَاغَ ٱلْبَصَرُ وَمَا طَغَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi lumiko ang paningin [ni Propeta Muḥammad] at hindi ito lumampas.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

لَقَدْ رَأَىٰ مِنْ ءَايَٰتِ رَبِّهِ ٱلْكُبْرَىٰٓ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTalaga ngang may nakita siya mula sa pinakamalaking mga tanda ng Panginoon Niya.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَفَرَءَيْتُمُ ٱللَّٰتَ وَٱلْعُزَّىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya nakaisip ba kayo [O mga tagapagtambal] kina Allāt at Al`uzzā,[1]

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَمَنَوٰةَ ٱلثَّالِثَةَ ٱلْأُخْرَىٰٓ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerat kay Manāh, ang ikatlong iba pa?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَلَكُمُ ٱلذَّكَرُ وَلَهُ ٱلْأُنثَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterUkol ba sa inyo ang lalaki at ukol sa Kanya ang babae?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

تِلْكَ إِذًا قِسْمَةٌ ضِيزَىٰٓ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterIyon, sa makatuwid, ay isang paghahating liku-liko.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنْ هِىَ إِلَّآ أَسْمَآءٌ سَمَّيْتُمُوهَآ أَنتُمْ وَءَابَآؤُكُم مَّآ أَنزَلَ ٱللَّهُ بِهَا مِن سُلْطَٰنٍ إِن يَتَّبِعُونَ إِلَّا ٱلظَّنَّ وَمَا تَهْوَى ٱلْأَنفُسُ وَلَقَدْ جَآءَهُم مِّن رَّبِّهِمُ ٱلْهُدَىٰٓ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterWalang iba ang mga [diyus-diyusang] ito kundi mga pangalang ipinangalan ninyo mismo at ng mga ninuno ninyo. Hindi nagpababa si Allāh kaugnay sa mga ito ng anumang katunayan. Hindi sila sumusunod maliban sa pagpapalagay at pinipithaya ng mga sarili. Talaga ngang dumating sa kanila mula sa Panginoon nila ang patnubay.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَمْ لِلْإِنسَٰنِ مَا تَمَنَّىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO ukol ba sa [bawat] tao ang anumang [tagapamagitang] minithi niya?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَلِلَّهِ ٱلْـَٔاخِرَةُ وَٱلْأُولَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNgunit sa kay Allāh ang huling buhay at ang unang buhay.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَكَم مِّن مَّلَكٍ فِى ٱلسَّمَٰوَٰتِ لَا تُغْنِى شَفَٰعَتُهُمْ شَيْـًٔا إِلَّا مِنۢ بَعْدِ أَن يَأْذَنَ ٱللَّهُ لِمَن يَشَآءُ وَيَرْضَىٰٓ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKay rami ng anghel sa mga langit na hindi nakapagdudulot ang pamamagitan nila ng anuman maliban nang matapos na magpahintulot si Allāh sa sinumang niloloob Niya at kinalulugdan Niya.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّ ٱلَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِٱلْـَٔاخِرَةِ لَيُسَمُّونَ ٱلْمَلَٰٓئِكَةَ تَسْمِيَةَ ٱلْأُنثَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ay talagang nagpapangalan sa mga anghel ng pagpapangalan sa babae.[2]

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَمَا لَهُم بِهِۦ مِنْ عِلْمٍ إِن يَتَّبِعُونَ إِلَّا ٱلظَّنَّ وَإِنَّ ٱلظَّنَّ لَا يُغْنِى مِنَ ٱلْحَقِّ شَيْـًٔا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterWalang ukol sa kanila rito na anumang kaalaman. Wala silang sinusunod kundi ang pagpapalagay. Tunay na ang pagpapalagay ay hindi nakapagdudulot kapalit ng katotohanan ng anuman.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَأَعْرِضْ عَن مَّن تَوَلَّىٰ عَن ذِكْرِنَا وَلَمْ يُرِدْ إِلَّا ٱلْحَيَوٰةَ ٱلدُّنْيَا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya umayaw ka sa sinumang tumalikod sa [Qur’ān na] paalaala Namin [mula sa Qur’ān] at hindi nagnais kundi ng buhay na pangmundo.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ذَٰلِكَ مَبْلَغُهُم مِّنَ ٱلْعِلْمِ إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعْلَمُ بِمَن ضَلَّ عَن سَبِيلِهِۦ وَهُوَ أَعْلَمُ بِمَنِ ٱهْتَدَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterIyon ay ang inaabot nila mula sa kaalaman. Tunay na ang Panginoon mo ay higit na maalam sa sinumang naligaw palayo sa landas Niya at higit na maalam sa sinumang napatnubayan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلِلَّهِ مَا فِى ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِى ٱلْأَرْضِ لِيَجْزِىَ ٱلَّذِينَ أَسَٰٓـُٔوا۟ بِمَا عَمِلُوا۟ وَيَجْزِىَ ٱلَّذِينَ أَحْسَنُوا۟ بِٱلْحُسْنَى

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa upang gumanti Siya sa mga gumawa ng masagwa ayon sa anumang ginawa nila at gumanti Siya sa mga gumawa ng maganda ayon sa pinakamaganda.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ٱلَّذِينَ يَجْتَنِبُونَ كَبَٰٓئِرَ ٱلْإِثْمِ وَٱلْفَوَٰحِشَ إِلَّا ٱللَّمَمَ إِنَّ رَبَّكَ وَٰسِعُ ٱلْمَغْفِرَةِ هُوَ أَعْلَمُ بِكُمْ إِذْ أَنشَأَكُم مِّنَ ٱلْأَرْضِ وَإِذْ أَنتُمْ أَجِنَّةٌ فِى بُطُونِ أُمَّهَٰتِكُمْ فَلَا تُزَكُّوٓا۟ أَنفُسَكُمْ هُوَ أَعْلَمُ بِمَنِ ٱتَّقَىٰٓ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng mga umiiwas sa mga malaki sa kasalanan at mga mahalay maliban sa mga kasalanang maliit, tunay na ang Panginoon mo ay malawak ang kapatawaran. Siya ay higit na maalam sa inyo noong nagpaluwal Siya sa inyo mula sa lupa at noong kayo ay mga bilig sa mga tiyan ng mga ina ninyo. Kaya huwag kayong magbusilak ng mga sarili ninyo; Siya ay higit na maalam sa sinumang nangilag magkasala.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَفَرَءَيْتَ ٱلَّذِى تَوَلَّىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya nakita mo ba ang tumalikod [sa Islām],

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَأَعْطَىٰ قَلِيلًا وَأَكْدَىٰٓ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerat nagbibigay ng kaunti at nagmaramot?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَعِندَهُۥ عِلْمُ ٱلْغَيْبِ فَهُوَ يَرَىٰٓ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTaglay ba niya ang kaalaman sa nakalingid kaya siya ay nakakikita?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَمْ لَمْ يُنَبَّأْ بِمَا فِى صُحُفِ مُوسَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO hindi siya binalitaan hinggil sa nasa mga kalatas ni Moises

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَإِبْرَٰهِيمَ ٱلَّذِى وَفَّىٰٓ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerat [mga kalatas] ni Abraham na tumupad:

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَلَّا تَزِرُ وَازِرَةٌ وِزْرَ أُخْرَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerna hindi magpapasan ang isang tagapasan ng pasanin ng iba,[3]

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَأَن لَّيْسَ لِلْإِنسَٰنِ إِلَّا مَا سَعَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerna walang ukol sa tao kundi ang pinagpunyagian niya,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَأَنَّ سَعْيَهُۥ سَوْفَ يُرَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerat na ang pagpupunyagi niya ay makikita.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ثُمَّ يُجْزَىٰهُ ٱلْجَزَآءَ ٱلْأَوْفَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterPagkatapos gagantihan siya ng ganting pinakasapat.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَأَنَّ إِلَىٰ رَبِّكَ ٱلْمُنتَهَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNa tungo sa Panginoon mo ang pinagwawakasan [matapos ng kamatayan].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَأَنَّهُۥ هُوَ أَضْحَكَ وَأَبْكَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNa Siya ay nagpatawa at nagpaiyak.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَأَنَّهُۥ هُوَ أَمَاتَ وَأَحْيَا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNa Siya ay nagbigay-kamatayan at nagbibigay-buhay.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَأَنَّهُۥ خَلَقَ ٱلزَّوْجَيْنِ ٱلذَّكَرَ وَٱلْأُنثَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNa Siya ay lumikha sa magkaparis, ang lalaki at ang babae,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

مِن نُّطْفَةٍ إِذَا تُمْنَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centermula sa patak kapag ibinuhos ito.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَأَنَّ عَلَيْهِ ٱلنَّشْأَةَ ٱلْأُخْرَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNa nasa Kanya ang pagpapaluwal na iba pa.[4]

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَأَنَّهُۥ هُوَ أَغْنَىٰ وَأَقْنَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNa Siya ay nagpayaman at nagbigay-kasiyahan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَأَنَّهُۥ هُوَ رَبُّ ٱلشِّعْرَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNa Siya ay ang Panginoon ng [bituing] Sirius.[5]

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَأَنَّهُۥٓ أَهْلَكَ عَادًا ٱلْأُولَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNa Siya ay nagpahamak sa [liping] `Ād na sinauna

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَثَمُودَا۟ فَمَآ أَبْقَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerat [liping] Thamūd, kaya hindi Siya nagtira.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَقَوْمَ نُوحٍ مِّن قَبْلُ إِنَّهُمْ كَانُوا۟ هُمْ أَظْلَمَ وَأَطْغَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Nagpahamak Siya] sa mga kababayan ni Noe bago pa niyan; tunay na sila dati ay higit na tagalabag sa katarungan at higit na tagapagmalabis.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَٱلْمُؤْتَفِكَةَ أَهْوَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng itinaob ay pinalagpak Niya,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَغَشَّىٰهَا مَا غَشَّىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centersaka bumalot Siya sa mga ito ng ibinalot Niya.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَبِأَىِّ ءَالَآءِ رَبِّكَ تَتَمَارَىٰ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya hinggil sa alin sa mga grasya ng Panginoon mo nagtataltalan ka?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

هَٰذَا نَذِيرٌ مِّنَ ٱلنُّذُرِ ٱلْأُولَىٰٓ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Ang Sugong] ito ay isang mapagbabala kabilang sa mga mapagbabalang sinauna.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَزِفَتِ ٱلْـَٔازِفَةُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNalapit ang Papalapit.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

لَيْسَ لَهَا مِن دُونِ ٱللَّهِ كَاشِفَةٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterWalang ukol dito bukod pa kay Allāh na isang tagahawi.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَفَمِنْ هَٰذَا ٱلْحَدِيثِ تَعْجَبُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya ba sa salaysay na ito nagtataka kayo?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَتَضْحَكُونَ وَلَا تَبْكُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTumatawa kayo at hindi kayo umiiyak,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَأَنتُمْ سَٰمِدُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerhabang kayo ay mga nagsasaya.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَٱسْجُدُوا۟ لِلَّهِ وَٱعْبُدُوا۟

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya magpatirapa kayo kay Allāh at sumamba kayo.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

Naghahanap ng paksa? Subukan ang paghahanap ayon sa kahulugan — hinahanap ang tanong sa lahat ng 6,236 talata.
Wika — 70