caseriqPaghahanap ayon sa kahulugan sa Qur'an

Surah At-Tur الطور

49 talata · Makkah · pagkakasunod ng pagpapahayag 76

بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ وَٱلطُّورِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSumpa man sa Bundok,[1]

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَكِتَٰبٍ مَّسْطُورٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centersumpa man sa isang Aklat[2] na natitikan

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فِى رَقٍّ مَّنشُورٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centersa isang pergaminong nakaladlad,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَٱلْبَيْتِ ٱلْمَعْمُورِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centersumpa man sa Bahay na Dinadalaw-dalaw,[3]

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَٱلسَّقْفِ ٱلْمَرْفُوعِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centersumpa man sa bubong [na langit] na iniangat,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَٱلْبَحْرِ ٱلْمَسْجُورِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centersumpa man sa dagat na pinupuno [ng tubig],

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّ عَذَابَ رَبِّكَ لَوَٰقِعٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centertunay na ang pagdurusang dulot ng Panginoon mo ay talagang magaganap.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

مَّا لَهُۥ مِن دَافِعٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterWalang ukol dito na anumang tagatulak,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

يَوْمَ تَمُورُ ٱلسَّمَآءُ مَوْرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centersa araw na mayayanig ang langit sa isang pagyanig,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَتَسِيرُ ٱلْجِبَالُ سَيْرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerat uusad ang mga bundok sa isang pag-usad.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَوَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya kapighatian sa araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ٱلَّذِينَ هُمْ فِى خَوْضٍ يَلْعَبُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerna sila sa isang pagsuong [sa kabulaanan] ay naglalaro.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

يَوْمَ يُدَعُّونَ إِلَىٰ نَارِ جَهَنَّمَ دَعًّا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSa araw na ipagtutulakan sila patungo sa apoy ng Impiyerno sa isang pagtutulakan [at sasabihan:]

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

هَٰذِهِ ٱلنَّارُ ٱلَّتِى كُنتُم بِهَا تُكَذِّبُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center“Ito ay ang Apoy [ng Impiyerno] na kayo dati hinggil dito ay nagpapasinungaling.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَفَسِحْرٌ هَٰذَآ أَمْ أَنتُمْ لَا تُبْصِرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya panggagaway ba [ang pagdurusang] ito o kayo ay hindi nakakikita?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ٱصْلَوْهَا فَٱصْبِرُوٓا۟ أَوْ لَا تَصْبِرُوا۟ سَوَآءٌ عَلَيْكُمْ إِنَّمَا تُجْزَوْنَ مَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMasunog kayo rito [sa apoy] at magtiis kayo o huwag kayong magtiis: magkapantay sa inyo; gagantihan lamang kayo ng dati ninyong ginagawa [na kasamaan].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّ ٱلْمُتَّقِينَ فِى جَنَّٰتٍ وَنَعِيمٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at kaginhawahan,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَٰكِهِينَ بِمَآ ءَاتَىٰهُمْ رَبُّهُمْ وَوَقَىٰهُمْ رَبُّهُمْ عَذَابَ ٱلْجَحِيمِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerna mga nagpapasarap sa ibinigay sa kanila ng Panginoon nila at [dahil] nagsanggalang sa kanila ang Panginoon nila sa pagdurusa sa Impiyerno.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

كُلُوا۟ وَٱشْرَبُوا۟ هَنِيٓـًٔۢا بِمَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Sasabihan sila:] “Kumain kayo at uminom kayo nang kaiga-igaya dahil sa dati ninyong ginagawa,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

مُتَّكِـِٔينَ عَلَىٰ سُرُرٍ مَّصْفُوفَةٍ وَزَوَّجْنَٰهُم بِحُورٍ عِينٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerhabang mga nakasandal sa mga kama na inihanay.” Magkakasal Kami sa kanila sa mga dilag na may maninining na mata.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَٱتَّبَعَتْهُمْ ذُرِّيَّتُهُم بِإِيمَٰنٍ أَلْحَقْنَا بِهِمْ ذُرِّيَّتَهُمْ وَمَآ أَلَتْنَٰهُم مِّنْ عَمَلِهِم مِّن شَىْءٍ كُلُّ ٱمْرِئٍۭ بِمَا كَسَبَ رَهِينٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng mga sumampalataya at sumunod sa kanila sa pananampalataya ang mga supling nila ay mag-uugnay Kami sa kanila sa mga supling nila at hindi Kami babawas sa kanila mula sa [magandang] gawa nila ng anuman. Ang bawat tao, sa nakamit niya, ay mananagot.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَأَمْدَدْنَٰهُم بِفَٰكِهَةٍ وَلَحْمٍ مِّمَّا يَشْتَهُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMagkakaloob Kami sa kanila ng prutas at karne kabilang sa ninanasa nila.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

يَتَنَٰزَعُونَ فِيهَا كَأْسًا لَّا لَغْوٌ فِيهَا وَلَا تَأْثِيمٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMagpapasahan sila roon ng tasa [ng alak] na walang satsatan dito at walang pagpapakasalanan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَيَطُوفُ عَلَيْهِمْ غِلْمَانٌ لَّهُمْ كَأَنَّهُمْ لُؤْلُؤٌ مَّكْنُونٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMay iikot sa kanila na mga batang lalaki [na pinagsilbi] para sa kanila, na para bang ang mga iyon ay mga perlas na itinatago.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَأَقْبَلَ بَعْضُهُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ يَتَسَآءَلُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterLalapit ang iba sa kanila sa iba pa habang nagtatanungan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قَالُوٓا۟ إِنَّا كُنَّا قَبْلُ فِىٓ أَهْلِنَا مُشْفِقِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMagsasabi sila: “Tunay na kami dati bago pa niyan sa mga mag-anak namin ay mga nababagabag [pagdurusa sa Kabilang-buhay].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَمَنَّ ٱللَّهُ عَلَيْنَا وَوَقَىٰنَا عَذَابَ ٱلسَّمُومِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNgunit nagmagandang-loob si Allāh sa amin at nagsanggalang Siya sa amin sa pagdurusa sa nakapapasong hangin.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّا كُنَّا مِن قَبْلُ نَدْعُوهُ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلْبَرُّ ٱلرَّحِيمُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na kami dati bago pa niyan ay dumadalangin sa Kanya; tunay na Siya ay ang Mabuting-loob, ang Maawain.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَذَكِّرْ فَمَآ أَنتَ بِنِعْمَتِ رَبِّكَ بِكَاهِنٍ وَلَا مَجْنُونٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya magpaalaala ka [sa kanila nang tuluy-tuloy] sapagkat hindi ka, dahil sa biyaya ng Panginoon mo, isang manghuhula, ni isang baliw.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَمْ يَقُولُونَ شَاعِرٌ نَّتَرَبَّصُ بِهِۦ رَيْبَ ٱلْمَنُونِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO nagsasabi sila: “Isang makata [siya], na nag-aabang kami sa kanya ng sakuna ng panahon.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قُلْ تَرَبَّصُوا۟ فَإِنِّى مَعَكُم مِّنَ ٱلْمُتَرَبِّصِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSabihin mo: “Mag-abang kayo [sa kamatayan ko] sapagkat tunay na ako ay kasama sa inyo kabilang sa mga tagapag-abang [sa pagdurusa ninyo].”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَمْ تَأْمُرُهُمْ أَحْلَٰمُهُم بِهَٰذَآ أَمْ هُمْ قَوْمٌ طَاغُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO nag-uutos ba sa kanila ang mga isipan nila [ng paratang] na ito o sila ay mga taong tagapagmalabis?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَمْ يَقُولُونَ تَقَوَّلَهُۥ بَل لَّا يُؤْمِنُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO nagsasabi ba silang nagsabi-sabi siya [ng Qur’ān na] ito? Bagkus hindi sila sumasampalataya.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَلْيَأْتُوا۟ بِحَدِيثٍ مِّثْلِهِۦٓ إِن كَانُوا۟ صَٰدِقِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya maglahad sila ng isang salaysay tulad [ng Qur’ān] kung sila ay mga tapat.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَمْ خُلِقُوا۟ مِنْ غَيْرِ شَىْءٍ أَمْ هُمُ ٱلْخَٰلِقُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO nilikha sila ng hindi isang anuman o sila ay ang mga tagalikha?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَمْ خَلَقُوا۟ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضَ بَل لَّا يُوقِنُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO lumikha sila ng mga langit at lupa? Bagkus hindi sila nakatitiyak.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَمْ عِندَهُمْ خَزَآئِنُ رَبِّكَ أَمْ هُمُ ٱلْمُصَۣيْطِرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO taglay ba nila ang mga imbakan ng Panginoon mo, o sila ay ang mga tagapangibabaw?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَمْ لَهُمْ سُلَّمٌ يَسْتَمِعُونَ فِيهِ فَلْيَأْتِ مُسْتَمِعُهُم بِسُلْطَٰنٍ مُّبِينٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO mayroon ba silang isang hagdan [paakyat sa langit] na nakakapakinig sila roon? Kaya [kung gayon] ay maglahad ang tagapakinig nila ng isang katunayang malinaw.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَمْ لَهُ ٱلْبَنَٰتُ وَلَكُمُ ٱلْبَنُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO ukol sa Kanya ay ang mga anak na babae at ukol naman sa inyo ay ang mga anak na lalaki?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَمْ تَسْـَٔلُهُمْ أَجْرًا فَهُم مِّن مَّغْرَمٍ مُّثْقَلُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO nanghihingi ka ba [O Propeta Muḥammad] sa kanila ng isang pabuya[4] kaya sila dahil sa isang pagkakamulta ay mga napabibigatan?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَمْ عِندَهُمُ ٱلْغَيْبُ فَهُمْ يَكْتُبُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO taglay ba nila ang [kaalaman sa] nakalingid kaya sila ay nagsusulat [nito]?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَمْ يُرِيدُونَ كَيْدًا فَٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ هُمُ ٱلْمَكِيدُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO nagnanais ba sila ng isang panlalansi [laban sa iyo O Propeta] ngunit ang mga tumangging sumampalataya ay ang mga nilalansi?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَمْ لَهُمْ إِلَٰهٌ غَيْرُ ٱللَّهِ سُبْحَٰنَ ٱللَّهِ عَمَّا يُشْرِكُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO mayroon ba silang diyos na iba pa kay Allāh? Kaluwalhatian kay Allāh higit sa anumang itinatambal nila!

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَإِن يَرَوْا۟ كِسْفًا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ سَاقِطًا يَقُولُوا۟ سَحَابٌ مَّرْكُومٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKung may makikita sila na isang tipak mula sa langit na bumabagsak ay magsasabi sila: “Mga ulap na ibinunton.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَذَرْهُمْ حَتَّىٰ يُلَٰقُوا۟ يَوْمَهُمُ ٱلَّذِى فِيهِ يُصْعَقُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya pabayaan mo sila hanggang sa makipagtagpo sila sa araw nila na doon ay malilintikan sila,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

يَوْمَ لَا يُغْنِى عَنْهُمْ كَيْدُهُمْ شَيْـًٔا وَلَا هُمْ يُنصَرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centersa Araw na hindi makapagdudulot para sa kanila ang panlalansi nila ng anuman ni sila ay iaadya.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَإِنَّ لِلَّذِينَ ظَلَمُوا۟ عَذَابًا دُونَ ذَٰلِكَ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na ukol sa mga lumabag sa katarungan[5] ay isang pagdurusang iba pa rito [sa Mundo] subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَٱصْبِرْ لِحُكْمِ رَبِّكَ فَإِنَّكَ بِأَعْيُنِنَا وَسَبِّحْ بِحَمْدِ رَبِّكَ حِينَ تَقُومُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMagtiis ka sa hatol ng Panginoon mo sapagkat tunay na ikaw ay nasa mga mata Namin[6] at magluwalhati ka kasabay ng pagpupuri sa Panginoon mo kapag bumangon ka.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَمِنَ ٱلَّيْلِ فَسَبِّحْهُ وَإِدْبَٰرَ ٱلنُّجُومِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSa bahagi ng gabi ay magluwalhati ka sa Kanya at sa paglubog ng mga bituin [sa madaling-araw].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

Naghahanap ng paksa? Subukan ang paghahanap ayon sa kahulugan — hinahanap ang tanong sa lahat ng 6,236 talata.
Wika — 70