Simula › Mga Surah › Surah Al-Mursalaat
Surah Al-Mursalaat المرسلات
50 talata · Makkah · pagkakasunod ng pagpapahayag 33
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ وَٱلْمُرْسَلَٰتِ عُرْفًا
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Sumpa man sa mga [hanging] isinusugo nang sunud-sunod,
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
فَٱلْعَٰصِفَٰتِ عَصْفًا
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center saka sa mga [hanging] umuunos sa isang pag-unos;
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
وَٱلنَّٰشِرَٰتِ نَشْرًا
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center sumpa man sa mga [hanging] nagkakalat [ng ulan] sa isang pagkakalat,
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
فَٱلْفَٰرِقَٰتِ فَرْقًا
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center saka sa mga [anghel na] nagbubukod sa isang pagbubukod,
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
فَٱلْمُلْقِيَٰتِ ذِكْرًا
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center saka sa mga [anghel na] naghahatid ng isang paalaala
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
عُذْرًا أَوْ نُذْرًا
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center bilang pagdadahilan [sa tao] o bilang pagbabala [sa tao];
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
إِنَّمَا تُوعَدُونَ لَوَٰقِعٌ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center tunay na ang ipinangangako sa inyo ay talagang magaganap.
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
فَإِذَا ٱلنُّجُومُ طُمِسَتْ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Kaya kapag ang mga bituin ay pinawi,
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
وَإِذَا ٱلسَّمَآءُ فُرِجَتْ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center kapag ang langit ay biniyak,
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
وَإِذَا ٱلْجِبَالُ نُسِفَتْ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center kapag ang mga bundok ay pinalis,
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
وَإِذَا ٱلرُّسُلُ أُقِّتَتْ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center at kapag ang mga sugo ay tinaningan,
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
لِأَىِّ يَوْمٍ أُجِّلَتْ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center para sa aling araw inantala sila?
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
لِيَوْمِ ٱلْفَصْلِ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Para sa Araw ng Pagpapasya.
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
وَمَآ أَدْرَىٰكَ مَا يَوْمُ ٱلْفَصْلِ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Pagpapasya?
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa inihatid ng mga sugo]!
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
أَلَمْ نُهْلِكِ ٱلْأَوَّلِينَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Hindi ba Kami nagpahamak sa mga sinauna?
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
ثُمَّ نُتْبِعُهُمُ ٱلْـَٔاخِرِينَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Pagkatapos nagpasunod Kami sa kanila ng mga huli.
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
كَذَٰلِكَ نَفْعَلُ بِٱلْمُجْرِمِينَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Gayon ang ginagawa Namin sa mga salarin.
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa banta ni Allāh]!
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
أَلَمْ نَخْلُقكُّم مِّن مَّآءٍ مَّهِينٍ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Hindi ba Kami lumikha sa inyo mula sa likidong aba,
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
فَجَعَلْنَٰهُ فِى قَرَارٍ مَّكِينٍ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center saka naglagay Kami niyon sa isang pamamalagiang matibay [na sinapupunan]
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
إِلَىٰ قَدَرٍ مَّعْلُومٍ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center hanggang sa isang panahong nalalaman?
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
فَقَدَرْنَا فَنِعْمَ ٱلْقَٰدِرُونَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Saka nagtakda Kami, saka kay inam ang Tagapagtakda![1]
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa kakayahan ni Allāh]!
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
أَلَمْ نَجْعَلِ ٱلْأَرْضَ كِفَاتًا
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Hindi ba Kami gumawa sa lupa bilang ipunan
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
أَحْيَآءً وَأَمْوَٰتًا
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center ng mga buhay at ng mga patay?
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
وَجَعَلْنَا فِيهَا رَوَٰسِىَ شَٰمِخَٰتٍ وَأَسْقَيْنَٰكُم مَّآءً فُرَاتًا
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Naglagay Kami rito ng mga matatag na bundok na matatayog at nagpainom Kami sa inyo ng isang tubig tabang.
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa mga biyaya ni Allāh]!
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
ٱنطَلِقُوٓا۟ إِلَىٰ مَا كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center [Sasabihin]: “Humayo kayo tungo sa [pagdurusang] dati ninyong pinasisinungalingan.
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
ٱنطَلِقُوٓا۟ إِلَىٰ ظِلٍّ ذِى ثَلَٰثِ شُعَبٍ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Humayo kayo tungo sa anino [ng usok] na may tatlong sangay,
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
لَّا ظَلِيلٍ وَلَا يُغْنِى مِنَ ٱللَّهَبِ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center na hindi panlilim ni makapagpapakinabang laban sa liyab.”
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
إِنَّهَا تَرْمِى بِشَرَرٍ كَٱلْقَصْرِ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Tunay na ito ay nagtatapon ng mga alipato na gaya ng palasyo.
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
كَأَنَّهُۥ جِمَٰلَتٌ صُفْرٌ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Para bang ang mga ito ay mga itim na kamelyong naninilaw.
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa pagdurusang dulot ni Allāh]!
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
هَٰذَا يَوْمُ لَا يَنطِقُونَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Ito ay Araw na hindi sila bibigkas,
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
وَلَا يُؤْذَنُ لَهُمْ فَيَعْتَذِرُونَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center at hindi magpapahintulot sa kanila para magdahi-dahilan sila.
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa mga ulat hinggil sa Araw na iyan]!
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
هَٰذَا يَوْمُ ٱلْفَصْلِ جَمَعْنَٰكُمْ وَٱلْأَوَّلِينَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Ito ay Araw ng Pagpapasya; magtitipon Kami sa inyo at sa mga sinauna.
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
فَإِن كَانَ لَكُمْ كَيْدٌ فَكِيدُونِ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Kaya kung nagkaroon kayo ng isang panlalansi ay manlansi kayo sa Akin.
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa Araw ng Pagpapasya]!
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
إِنَّ ٱلْمُتَّقِينَ فِى ظِلَٰلٍ وَعُيُونٍ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga lilim at mga bukal [sa Paraiso],
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
وَفَوَٰكِهَ مِمَّا يَشْتَهُونَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center at mga prutas mula sa anumang ninanasa nila.
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
كُلُوا۟ وَٱشْرَبُوا۟ هَنِيٓـًٔۢا بِمَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center [Sasabihin]: “Kumain kayo at uminom kayo nang kaiga-igaya dahil sa dati ninyo ginagawa [na maayos].”
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجْزِى ٱلْمُحْسِنِينَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Tunay na Kami ay gayon gaganti sa mga tagagawa ng mabuti.
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa inihanda ni Allāh]!
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
كُلُوا۟ وَتَمَتَّعُوا۟ قَلِيلًا إِنَّكُم مُّجْرِمُونَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center [Sasabihin]: “Kumain kayo at magpakatamasa kayo nang kaunti; tunay na kayo ay mga salarin.”
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa pagganti sa kanila]!
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱرْكَعُوا۟ لَا يَرْكَعُونَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Kapag sinabi sa kanila: “Yumukod kayo,” hindi sila yumuyukod.
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa inihatid ng mga sugo]!
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
فَبِأَىِّ حَدِيثٍۭ بَعْدَهُۥ يُؤْمِنُونَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center Kaya sa aling pag-uusap matapos [ng Qur’ān na] ito sasampalataya sila?
Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →
← Surah Al-Insaan
Surah An-Naba →
Naghahanap ng paksa? Subukan ang paghahanap ayon sa kahulugan — hinahanap ang tanong sa lahat ng 6,236 talata.
→
Tekstong Arabe at mga salin sa pamamagitan ng Tanzil at QuranEnc — literal, hindi binago · Ang mga salin ay pag-aari ng kanilang tagasalin at hindi ang Qur'an mismo
Ito ay pantulong sa pananaliksik, hindi pinagmumulan ng hatol na panrelihiyon.