caseriqPaghahanap ayon sa kahulugan sa Qur'an

Surah Al-Insaan الانسان

31 talata · Madinah · pagkakasunod ng pagpapahayag 98

بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ هَلْ أَتَىٰ عَلَى ٱلْإِنسَٰنِ حِينٌ مِّنَ ٱلدَّهْرِ لَمْ يَكُن شَيْـًٔا مَّذْكُورًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMay dumating kaya sa tao na isang yugto mula sa panahon na hindi siya naging isang bagay na nababanggit?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّا خَلَقْنَا ٱلْإِنسَٰنَ مِن نُّطْفَةٍ أَمْشَاجٍ نَّبْتَلِيهِ فَجَعَلْنَٰهُ سَمِيعًۢا بَصِيرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na Kami ay lumikha sa tao mula sa isang patak na mga pinaghalo[1] upang sumubok Kami sa kanya, saka gumawa Kami sa kanya na isang madinigin, na nakakikita.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّا هَدَيْنَٰهُ ٱلسَّبِيلَ إِمَّا شَاكِرًا وَإِمَّا كَفُورًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na Kami ay nagpatnubay sa kanya sa landas, na maaaring maging isang tagapagpasalamat at maaaring maging isang mapagtangging magpasalamat.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّآ أَعْتَدْنَا لِلْكَٰفِرِينَ سَلَٰسِلَا۟ وَأَغْلَٰلًا وَسَعِيرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na Kami ay naglaan para sa mga tagatangging sumampalataya ng mga tanikala, mga kulyar, at isang liyab.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّ ٱلْأَبْرَارَ يَشْرَبُونَ مِن كَأْسٍ كَانَ مِزَاجُهَا كَافُورًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na ang mga mabuting-loob [sa Kabilang-buhay] ay iinom mula sa kopa [ng alak] na ang halo nito ay Kāfūr,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

عَيْنًا يَشْرَبُ بِهَا عِبَادُ ٱللَّهِ يُفَجِّرُونَهَا تَفْجِيرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerna isang bukal na iinom doon ang mga lingkod ni Allāh, habang nagpapabulwak sila roon nang isang pagpapabulwak.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

يُوفُونَ بِٱلنَّذْرِ وَيَخَافُونَ يَوْمًا كَانَ شَرُّهُۥ مُسْتَطِيرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagpapatupad sila sa mga panata at nangangamba sila sa isang araw na ang kasamaan niyon ay magiging maglilipana.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَيُطْعِمُونَ ٱلطَّعَامَ عَلَىٰ حُبِّهِۦ مِسْكِينًا وَيَتِيمًا وَأَسِيرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagpapakain sila ng pagkain, sa kabila ng pagkaibig dito, sa dukha, ulila, at bihag.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّمَا نُطْعِمُكُمْ لِوَجْهِ ٱللَّهِ لَا نُرِيدُ مِنكُمْ جَزَآءً وَلَا شُكُورًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Sinasabi nila sa mga sarili]: “Nagpapakain lamang kami sa inyo para sa [ikalulugod ng] mukha ni Allāh; hindi kami nagnanais mula sa inyo ng isang ganti ni isang pasasalamat.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّا نَخَافُ مِن رَّبِّنَا يَوْمًا عَبُوسًا قَمْطَرِيرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na kami ay nangangamba sa Panginoon Namin sa isang araw na nakasimangot, na nakaismid.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَوَقَىٰهُمُ ٱللَّهُ شَرَّ ذَٰلِكَ ٱلْيَوْمِ وَلَقَّىٰهُمْ نَضْرَةً وَسُرُورًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya magsasanggalang sa kanila si Allāh sa kasamaan ng Araw na iyon at maggagawad Siya sa kanila ng ningning at galak.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَجَزَىٰهُم بِمَا صَبَرُوا۟ جَنَّةً وَحَرِيرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterGaganti Siya sa kanila, dahil nagtiis sila, ng hardin at [kasuutang] sutla.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

مُّتَّكِـِٔينَ فِيهَا عَلَى ٱلْأَرَآئِكِ لَا يَرَوْنَ فِيهَا شَمْسًا وَلَا زَمْهَرِيرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMga nakasandal doon [sa Paraiso] sa mga supa, hindi sila makakikita roon ng araw [na nakapipinsala] ni ng pagkalamig-lamig.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَدَانِيَةً عَلَيْهِمْ ظِلَٰلُهَا وَذُلِّلَتْ قُطُوفُهَا تَذْلِيلًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNakalapit sa ibabaw nila ang mga lilim nito, padadaliin ang mga napipitas doon sa isang pagpapadali.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَيُطَافُ عَلَيْهِم بِـَٔانِيَةٍ مِّن فِضَّةٍ وَأَكْوَابٍ كَانَتْ قَوَارِيرَا۠

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMagpapalibot sa kanila ng mga pinggang yari sa pilak at mga basong naging mga kristal,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قَوَارِيرَا۟ مِن فِضَّةٍ قَدَّرُوهَا تَقْدِيرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centermga kristal na yari sa pilak, na sumukat sila ng mga ito sa isang pagsukat.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَيُسْقَوْنَ فِيهَا كَأْسًا كَانَ مِزَاجُهَا زَنجَبِيلًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterPaiinumin sila roon ng isang kopa [ng alak] na ang panghalo nito ay luya

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

عَيْنًا فِيهَا تُسَمَّىٰ سَلْسَبِيلًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[mula sa] isang bukal doon na pinangangalanang Salsabīl.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَيَطُوفُ عَلَيْهِمْ وِلْدَٰنٌ مُّخَلَّدُونَ إِذَا رَأَيْتَهُمْ حَسِبْتَهُمْ لُؤْلُؤًا مَّنثُورًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMay lilibot sa kanila na mga [na naglilingkod na] batang lalaki na mga pinamalaging [bata]. Kapag nakita mo sila ay mag-aakala kang sila ay mga perlas na ikinalat.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَإِذَا رَأَيْتَ ثَمَّ رَأَيْتَ نَعِيمًا وَمُلْكًا كَبِيرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKapag nakakita ka roon ay makakikita ka ng isang kaginhawahan at isang paghaharing malaki.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

عَٰلِيَهُمْ ثِيَابُ سُندُسٍ خُضْرٌ وَإِسْتَبْرَقٌ وَحُلُّوٓا۟ أَسَاوِرَ مِن فِضَّةٍ وَسَقَىٰهُمْ رَبُّهُمْ شَرَابًا طَهُورًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMay nakasuot sa kanila na mga kasuutan na manipis na sutlang luntian at makapal na sutla, hihiyasan sila ng mga pulseras na yari sa pilak, at magpapainom sa kanila ang Panginoon nila ng inuming kadali-dalisay.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّ هَٰذَا كَانَ لَكُمْ جَزَآءً وَكَانَ سَعْيُكُم مَّشْكُورًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Sasabihin]: “Tunay na ito ay naging para sa inyo bilang ganti at ang pagpupunyagi ninyo ay naging isang kinikilala.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّا نَحْنُ نَزَّلْنَا عَلَيْكَ ٱلْقُرْءَانَ تَنزِيلًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na Kami ay nagbaba sa iyo [O Propeta Muḥammad] ng Qur’ān sa isang [unti-unting] pagbababa.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَٱصْبِرْ لِحُكْمِ رَبِّكَ وَلَا تُطِعْ مِنْهُمْ ءَاثِمًا أَوْ كَفُورًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya magtiis ka sa kahatulan ng Panginoon mo at huwag kang tumalima kabilang sa kanila sa isang nagkakasala o isang mapagtangging magpasalamat.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَٱذْكُرِ ٱسْمَ رَبِّكَ بُكْرَةً وَأَصِيلًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAlalahanin mo ang ngalan ng Panginoon mo sa umaga at sa hapon.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَمِنَ ٱلَّيْلِ فَٱسْجُدْ لَهُۥ وَسَبِّحْهُ لَيْلًا طَوِيلًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSa bahagi ng gabi[2] ay magpatirapa ka sa Kanya at magluwalhati ka sa Kanya sa [bahagi ng] gabi nang matagal.[3]

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ يُحِبُّونَ ٱلْعَاجِلَةَ وَيَذَرُونَ وَرَآءَهُمْ يَوْمًا ثَقِيلًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na ang mga ito ay umiibig sa Panandaliang-buhay at nag-iiwan sa likuran nila ng [paggawa para sa] isang araw na mabigat.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

نَّحْنُ خَلَقْنَٰهُمْ وَشَدَدْنَآ أَسْرَهُمْ وَإِذَا شِئْنَا بَدَّلْنَآ أَمْثَٰلَهُمْ تَبْدِيلًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKami ay lumikha sa kanila at nagpapatatag sa pagkalalang sa kanila. Kapag niloob Namin ay magpapalit Kami [sa kanila] ng mga tulad nila sa isang pagpapalit.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّ هَٰذِهِۦ تَذْكِرَةٌ فَمَن شَآءَ ٱتَّخَذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ سَبِيلًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na ito ay isang pagpapaalaala, kaya ang sinumang lumuob ay gumawa siya tungo sa Panginoon niya ng isang landas.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَمَا تَشَآءُونَ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi ninyo loloobin maliban na loobin ni Allāh. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Marunong.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

يُدْخِلُ مَن يَشَآءُ فِى رَحْمَتِهِۦ وَٱلظَّٰلِمِينَ أَعَدَّ لَهُمْ عَذَابًا أَلِيمًۢا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMagpapapasok Siya ng sinumang niloloob Niya sa awa niya samantalang sa mga tagalabag sa katarungan[4] ay naghanda Siya para sa kanila ng isang pagdurusang masakit.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

Naghahanap ng paksa? Subukan ang paghahanap ayon sa kahulugan — hinahanap ang tanong sa lahat ng 6,236 talata.
Wika — 70