Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na ang pagbangon [sa pagdarasal] sa gabi ay higit na matindi sa pagtalab at higit na matuwid sa pagsasabi.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterUmalala ka sa ngalan ng Panginoon mo at mag-ukol ka [ng sarili sa pagsamba] sa Kanya sa isang [tapat na] pag-uukol.[3]
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng Panginoon ng silangan at kanluran, walang Diyos kundi Siya; kaya gumawa ka sa Kanya bilang Pinagkakatiwalaan.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHayaan mo Ako at ang mga tagapagpasinungaling na may biyaya at mag-anta-antabay ka sa kanila nang kaunti.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centersa Araw na yayanig ang lupa at ang mga bundok, at ang mga bundok ay magiging [gaya] bunton ng buhanging gumuguho.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na Kami ay nagsugo sa inyo ng isang Sugo [na si Propeta Muḥammad] na tagasaksi sa inyo kung paanong nagsugo Kami kay Paraon ng isang sugo [na si Moises].
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya papaano kayong magsasanggalang [ng mga sarili] kung tumanggi kayong sumampalataya sa isang araw na gagawa sa mga bata na ubanin?
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na ito ay isang pagpapaalaala, kaya ang sinumang lumuob ay gumawa siya tungo sa Panginoon niya ng isang landas.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na ang Panginoon mo ay nakaaalam na ikaw [O Propeta Muḥammad] ay tumatayo [sa pagdarasal] sa pinakamalapit sa dalawang-katlo ng gabi o [minsan] kalahati nito o isang katlo nito, at [gayon din] ang isang pangkatin kabilang sa mga kasama sa iyo. Si Allāh ay nagtatakda sa [sukat ng] gabi at maghapon. Nakaalam Siya na hindi kayo makakakaya niyon saka tumanggap Siya sa inyo ng pagbabalik-loob kaya bumigkas kayo ng anumang naging madali [para sa inyo] mula sa Qur’ān. Nakaalam Siya na kabilang sa inyo ay magiging mga may-sakit, may mga iba na maglalakbay sa lupain habang naghahanap ng kabutihang-loob ni Allāh, at may mga iba pa na makikipaglaban sa landas ni Allāh. Kaya bumigkas kayo ng anumang naging madali mula rito. Magpanatili kayo ng pagdarasal,[4] magbigay kayo ng zakāh, at magpautang kayo kay Allāh ng isang pautang na maganda.[5] Ang anumang ipanauuna ninyo para sa mga sarili ninyo na kabutihan ay makatatagpo kayo rito, sa ganang kay Allāh, ng isang higit na mabuti at isang higit na mabigat sa pabuya. Humingi kayo ng tawad kay Allāh; tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.