Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSabihin mo [O Propeta Muḥammad]: “Ikinasi sa akin na may nakinig [sa Qur’am] na isang pangkat ng jinn at nagsabi sila: ‘Tunay na kami ay nakarinig ng isang pagbigkas na kahanga-hanga.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagpapatnubay ito sa pagkagabay kaya sumampalataya kami rito at hindi kami magtatambal sa Panginoon namin ng isa man.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNa Siya – napakataas ang kabunyian ng Panginoon namin – ay hindi gumawa ng isang asawa ni isang anak.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNa noon ay nagsasabi ang hunghang namin laban kay Allāh ng isang pagkalayu-layo [sa katotohanan].[1]
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNa kami ay nagpalagay na hindi magsasabi ang tao at ang jinn laban kay Allāh ng isang kasinungalingan.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNa noon ay may mga [hamak na] lalaki ng tao na nagpapakupkop sa mga lalaki ng jinn [na demonyo], kaya dumagdag ang mga ito sa kanila ng isang kabigatan.[2]
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNa kami ay nagtangkang umabot sa langit ngunit natagpuan namin na iyon ay pinuno ng mga tanod na matindi at mga bulalakaw.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNa kami dati ay umuupo mula roon sa mga mauupuan para sa pakikinig ngunit ang sinumang makikinig ngayon ay makakatagpo para sa kanya ng isang bulalakaw na nakatambang.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNa kami ay hindi nakababatid kung may isang kasamaan ba na ninais sa mga nasa lupa o nagnais sa kanila ang Panginoon nila ng isang pagkagabay.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNa kami, kabilang sa amin [na mga jinn] ang mga maayos at kabilang sa amin ang mababa pa roon; kami dati ay mga pangkating magkakaiba.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNa kami ay nakatiyak na hindi kami makapagpapawalang-kakayahan kay Allāh sa lupa at hindi kami makapagpapawalang-kakayahan sa Kanya sa isang pagtakas.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNa kami, noong nakarinig kami sa patnubay [ng Qur’ān], ay sumampalataya rito; saka ang sinumang sumasampalataya sa Panginoon niya ay hindi mangangamba sa isang pagpapakulang ni isang kabigatan.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNa kami, kabilang sa amin ang mga Muslim [na nagpasakop kay Allāh] at kabilang sa amin ang mga tagalihis; saka ang sinumang nagpasakop, ang mga iyon ay sumadya sa isang paggabay.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNa kung sakaling nagpakatuwid[3] sila sa daan [ng Islām] ay talaga sanang nagpatubig Kami sa kanila ng isang tubig na masagana [na panustos]
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerupang sumubok Kami sa kanila dito. Ang sinumang aayaw sa paalaala ng Panginoon nito ay magsisingit Siya rito sa isang pagdurusang paakyat.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNa ang mga masjid ay ukol kay Allāh, kaya huwag kayong manalangin kasama kay Allāh sa isa man.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNa noong tumindig ang lingkod ni Allāh[4] na dumadalangin sa Kanya, halos sila [na mga jinn] sa [pagligid sa] kanya ay nagiging patung-patong.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSabihin mo: “Dumadalangin ako sa Panginoon ko lamang at hindi ako nagtatambal sa Kanya ng isa man.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSabihin mo: “Tunay na ako ay hindi nakapagdudulot sa inyo ng isang pinsala ni isang paggabay.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSabihin mo: “Tunay na ako ay hindi kakalingain laban kay Allāh ng isa man [kung susuway ako sa Kanya] at hindi makatatagpo bukod pa sa Kanya ng isang madadaupan,
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerngunit [makapagdudulot ako] ng isang pagpapaabot [ng katotohanan] mula kay Allāh at mga pasugo Niya.” Ang mga sumusuway kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] ay tunay na ukol sa kanila ang Apoy ng Impiyerno bilang mga mananatili roon magpakailanman;
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerhanggang sa nang nakita nila [na mga tagatangging sumampalataya] ang ipinangako sa kanila ay makaaalam sila kung sino ang higit na mahina sa tagapag-adya at higit na kaunti sa bilang.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSabihin mo: “Hindi ako nakababatid kung malapit ba ang ipinangako sa inyo o maglalagay para rito ang Panginoon ko ng isang [mahabang] yugto.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Si Allāh] ang Tagaalam sa nakalingid, saka hindi Siya naghahayag sa [kaalaman Niya sa] inilingid Niya sa isa man,
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centermaliban sa sinumang kinalugdan Niya na isang sugo sapagkat tunay na Siya ay nagpapatahak mula sa harapan nito at mula sa likuran nito ng [mga anghel na nakatambang
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerupang makaalam [ang Sugong] ito na nagpaabot nga sila ng mga pasugo ng Panginoon nila. Pumaligid Siya sa anumang taglay nila at nag-isa-isa Siya sa bawat bagay sa bilang.