Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na Kami ay nagsugo kay Noe sa mga kababayan niya, na [nagsasabi]: “Magbabala ka sa mga kababayan mo bago pa may pumunta sa kanila na isang pagdurusang masakit.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centermagpapatawad Siya sa inyo ng ilan sa mga pagkakasala ninyo at mag-aantala Siya sa inyo hanggang sa isang taning na tinukoy. Tunay na ang taning ni Allāh, kapag dumating, ay hindi inaantala, kung sakaling kayo ay nakaaalam.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi siya: “Panginoon ko, tunay na ako ay nag-anyaya sa mga kababayan ko sa gabi at maghapon,
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na sa tuwing nag-anyaya ako sa kanila upang magpatawad Ka sa kanila ay naglalagay sila ng mga daliri nila sa mga tainga nila, nagtatalukbong sila ng mga damit nila, nagpupumilit sila, at nagmamalaki sila nang isang pagmamalaki.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya nagsabi ako [sa kanila]: ‘Humingi kayo ng tawad sa Panginoon ninyo – tunay na Siya ay laging Palapatawad –
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centermag-aayuda Siya sa inyo ng mga yaman at mga anak, gagawa Siya para sa inyo ng mga hardin, at gagawa Siya para sa inyo ng mga ilog.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi ba ninyo napag-alaman kung papaanong lumikha si Allāh ng pitong langit na nagkakatakluban?
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterPagkatapos magpapanumbalik Siya sa inyo rito at magpapalabas Siya sa inyo sa isang [panibagong] pagpapalabas.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi si Noe: “Panginoon ko, tunay na sila ay sumuway sa akin at sumunod sa [taong] walang naidagdag sa kanya ang yaman niya at ang anak niya kundi isang pagkalugi.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi sila: ‘Huwag nga kayong mag-iwan sa mga diyos ninyo at huwag nga kayong mag-iwan kay Wadd, ni kay Suwā`, ni kay Yaghūth, ni kay Ya`ūq, ni kay Nasr.’[1]
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagligaw nga sila [na mga pinuno] ng marami at huwag Kang magdagdag sa mga tagalabag sa katarungan kundi ng isang pagkaligaw.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterDahil sa mga kamalian nila, pinalunod sila saka pinapasok sila sa isang Apoy, saka hindi sila nakatagpo para sa kanila bukod pa kay Allāh ng mga tagaadya.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi si Noe: “Panginoon ko, huwag Kang mag-iwan sa lupa mula sa mga tagatangging sumampalataya ng isang palagala.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na kung mag-iiwan Ka sa kanila, magliligaw sila sa mga lingkod Mo at hindi sila magkakaanak kundi ng masamang-loob na palatangging sumampalataya.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterPanginoon ko, magpatawad Ka sa akin, sa mga magulang ko, sa sinumang pumasok sa bahay ko bilang mananampalataya, sa mga lalaking mananampalataya, at sa mga babaing mananampalataya. Huwag Kang magdagdag sa mga tagalabag sa katarungan kundi ng isang pagkapahamak.”