caseriqPaghahanap ayon sa kahulugan sa Qur'an

Surah Al-Mulk الملك

30 talata · Makkah · pagkakasunod ng pagpapahayag 77

بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ تَبَٰرَكَ ٱلَّذِى بِيَدِهِ ٱلْمُلْكُ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍ قَدِيرٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNapakamapagpala ang nasa kamay Niya ang paghahari, at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ٱلَّذِى خَلَقَ ٱلْمَوْتَ وَٱلْحَيَوٰةَ لِيَبْلُوَكُمْ أَيُّكُمْ أَحْسَنُ عَمَلًا وَهُوَ ٱلْعَزِيزُ ٱلْغَفُورُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerna lumikha ng kamatayan at buhay upang sumubok Siya sa inyo kung alin sa inyo ang pinakamaganda sa gawa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Mapagpatawad,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ٱلَّذِى خَلَقَ سَبْعَ سَمَٰوَٰتٍ طِبَاقًا مَّا تَرَىٰ فِى خَلْقِ ٱلرَّحْمَٰنِ مِن تَفَٰوُتٍ فَٱرْجِعِ ٱلْبَصَرَ هَلْ تَرَىٰ مِن فُطُورٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerna lumikha ng pitong langit na nagkakatakluban. Hindi ka nakakikita sa pagkakalikha ng Napakamaawain ng anumang pagtataliwasan. Kaya magpapabalik ka ng pagtingin [sa langit], nakakikita ka kaya ng anumang mga bitak?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ثُمَّ ٱرْجِعِ ٱلْبَصَرَ كَرَّتَيْنِ يَنقَلِبْ إِلَيْكَ ٱلْبَصَرُ خَاسِئًا وَهُوَ حَسِيرٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterPagkatapos magpapabalik ka ng paningin nang pault-ulit, babalik sa iyo ang paningin mo na hamak samantalang ito ay pagal.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَقَدْ زَيَّنَّا ٱلسَّمَآءَ ٱلدُّنْيَا بِمَصَٰبِيحَ وَجَعَلْنَٰهَا رُجُومًا لِّلشَّيَٰطِينِ وَأَعْتَدْنَا لَهُمْ عَذَابَ ٱلسَّعِيرِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTalaga ngang gumayak Kami sa langit na pinakamababa[1] ng mga lampara at gumawa Kami sa mga iyon na mga pambato sa mga demonyo. Naglaan Kami para sa kanila ng pagdurusa sa Liyab.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلِلَّذِينَ كَفَرُوا۟ بِرَبِّهِمْ عَذَابُ جَهَنَّمَ وَبِئْسَ ٱلْمَصِيرُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterUkol sa mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila ang pagdurusa sa Impiyerno. Kay saklap ang kahahantungan!

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِذَآ أُلْقُوا۟ فِيهَا سَمِعُوا۟ لَهَا شَهِيقًا وَهِىَ تَفُورُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKapag itinapon sila roon ay makaririnig sila ng isang singhal habang iyon ay kumukulo.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

تَكَادُ تَمَيَّزُ مِنَ ٱلْغَيْظِ كُلَّمَآ أُلْقِىَ فِيهَا فَوْجٌ سَأَلَهُمْ خَزَنَتُهَآ أَلَمْ يَأْتِكُمْ نَذِيرٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHalos nagkakapira-piraso iyon sa ngitngit. Tuwing nakapagtapon doon ng isang pulutong ay magtatanong sa kanila ang mga tagatanod niyon: “Wala bang pumunta sa inyo na isang mapagbabala [na isang sugo mula kay Allāh]?”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قَالُوا۟ بَلَىٰ قَدْ جَآءَنَا نَذِيرٌ فَكَذَّبْنَا وَقُلْنَا مَا نَزَّلَ ٱللَّهُ مِن شَىْءٍ إِنْ أَنتُمْ إِلَّا فِى ضَلَٰلٍ كَبِيرٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMagsasabi sila: “Oo, may pumunta nga sa amin na isang mapagbabala ngunit nagpasinungaling kami at nagsabi kami: Hindi nagbaba si Allāh ng anuman [mula sa Kapahayagan]; walang iba kayo kundi nasa isang pagkaligaw na malaki.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَقَالُوا۟ لَوْ كُنَّا نَسْمَعُ أَوْ نَعْقِلُ مَا كُنَّا فِىٓ أَصْحَٰبِ ٱلسَّعِيرِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMagsasabi sila: “Kung sakaling kami dati ay dumidinig[2] o nakapag-uunawa, hindi sana kami naging mga maninirahan sa Liyab!”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَٱعْتَرَفُوا۟ بِذَنۢبِهِمْ فَسُحْقًا لِّأَصْحَٰبِ ٱلسَّعِيرِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya aamin sila ng pagkakasala nila, kaya pagkalayu-layo [sa kabutihan] ay ukol sa mga maninirahan sa Liyab!

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّ ٱلَّذِينَ يَخْشَوْنَ رَبَّهُم بِٱلْغَيْبِ لَهُم مَّغْفِرَةٌ وَأَجْرٌ كَبِيرٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na ang mga natatakot sa Panginoon nila nang nakalingid, ukol sa kanila ay isang kapatawaran at isang pabuyang malaki.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَأَسِرُّوا۟ قَوْلَكُمْ أَوِ ٱجْهَرُوا۟ بِهِۦٓ إِنَّهُۥ عَلِيمٌۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMaglihim kayo ng sinabi ninyo o maghayag kayo nito, tunay na Siya ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَلَا يَعْلَمُ مَنْ خَلَقَ وَهُوَ ٱللَّطِيفُ ٱلْخَبِيرُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi ba nakaaalam ang lumikha [ng lahat] samantalang Siya ay ang Mapagtalos,[3] ang Mapagbatid?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

هُوَ ٱلَّذِى جَعَلَ لَكُمُ ٱلْأَرْضَ ذَلُولًا فَٱمْشُوا۟ فِى مَنَاكِبِهَا وَكُلُوا۟ مِن رِّزْقِهِۦ وَإِلَيْهِ ٱلنُّشُورُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSiya ay ang gumawa para sa inyo ng lupa na [maging] maamo, kaya maglakad kayo sa mga dako nito at kumain kayo mula sa panustos Niya. Tungo sa Kanya ang pagkabuhay.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ءَأَمِنتُم مَّن فِى ٱلسَّمَآءِ أَن يَخْسِفَ بِكُمُ ٱلْأَرْضَ فَإِذَا هِىَ تَمُورُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNatiwasay ba kayo sa Kanya na nasa langit na magpalamon Siya sa inyo sa lupa saka biglang ito ay nayayanig?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَمْ أَمِنتُم مَّن فِى ٱلسَّمَآءِ أَن يُرْسِلَ عَلَيْكُمْ حَاصِبًا فَسَتَعْلَمُونَ كَيْفَ نَذِيرِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO natiwasay kayo sa Kanya na nasa langit na magsugo Siya sa inyo ng isang unos ng mga bato, kaya makaaalam kayo kung papaano [katindi] ang babala Ko?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَقَدْ كَذَّبَ ٱلَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ فَكَيْفَ كَانَ نَكِيرِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTalaga ngang nagpasinungaling ang mga bago pa nila, kaya papaano naging [kakila-kilabot] ang pagtutol Ko?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَوَلَمْ يَرَوْا۟ إِلَى ٱلطَّيْرِ فَوْقَهُمْ صَٰٓفَّٰتٍ وَيَقْبِضْنَ مَا يُمْسِكُهُنَّ إِلَّا ٱلرَّحْمَٰنُ إِنَّهُۥ بِكُلِّ شَىْءٍۭ بَصِيرٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi ba sila nakakita sa mga ibon sa ibabaw nila habang mga nakabuka [ang mga pakpak] at nagtitiklop [ng mga pakpak]? Walang pumipigil sa mga iyon kundi [si Allāh,] ang Napakamaawain. Tunay na Siya sa bawat bagay ay Nakakikita.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَمَّنْ هَٰذَا ٱلَّذِى هُوَ جُندٌ لَّكُمْ يَنصُرُكُم مِّن دُونِ ٱلرَّحْمَٰنِ إِنِ ٱلْكَٰفِرُونَ إِلَّا فِى غُرُورٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO sino itong isang hukbo para sa inyo na mag-aadya sa inyo bukod pa sa Napakamaawain [na si Allāh]? Walang iba ang mga tagatangging sumampalataya kundi nasa isang pagkalinlang.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَمَّنْ هَٰذَا ٱلَّذِى يَرْزُقُكُمْ إِنْ أَمْسَكَ رِزْقَهُۥ بَل لَّجُّوا۟ فِى عُتُوٍّ وَنُفُورٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO sino itong magtutustos sa inyo kung pumigil Siya sa panustos Niya? Bagkus nagmatigas sila [na mga tagatangging sumampalataya] sa isang pagpapakasutil [nila] at isang pagkaayaw [sa katotohanan].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَفَمَن يَمْشِى مُكِبًّا عَلَىٰ وَجْهِهِۦٓ أَهْدَىٰٓ أَمَّن يَمْشِى سَوِيًّا عَلَىٰ صِرَٰطٍ مُّسْتَقِيمٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya ang naglalakad ba habang nakasubsob sa mukha niya ay higit na napatnubayan o ang naglalakad habang nakatindig sa isang landasing tuwid?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قُلْ هُوَ ٱلَّذِىٓ أَنشَأَكُمْ وَجَعَلَ لَكُمُ ٱلسَّمْعَ وَٱلْأَبْصَٰرَ وَٱلْأَفْـِٔدَةَ قَلِيلًا مَّا تَشْكُرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSabihin mo: “Siya ay ang nagpaluwal sa inyo at gumawa para sa inyo ng pandinig, mga paningin, at mga puso. Kaunti ang pinasasalamatan ninyo!”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قُلْ هُوَ ٱلَّذِى ذَرَأَكُمْ فِى ٱلْأَرْضِ وَإِلَيْهِ تُحْشَرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSabihin mo: “Siya ay ang lumalang sa inyo[4] sa lupa at tungo sa Kanya kakalapin kayo [para sa pagtutuos].”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا ٱلْوَعْدُ إِن كُنتُمْ صَٰدِقِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMagsasabi sila: “Kailan ang pangakong ito [ng pagkabuhay] kung kayo ay mga tapat?”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قُلْ إِنَّمَا ٱلْعِلْمُ عِندَ ٱللَّهِ وَإِنَّمَآ أَنَا۠ نَذِيرٌ مُّبِينٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSabihin mo: “Ang kaalaman ay nasa ganang kay Allāh lamang at ako ay isang mapagbabalang malinaw lamang.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَلَمَّا رَأَوْهُ زُلْفَةً سِيٓـَٔتْ وُجُوهُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ وَقِيلَ هَٰذَا ٱلَّذِى كُنتُم بِهِۦ تَدَّعُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNgunit kapag nakakita sila nito sa kalapitan ay sasagwa ang mga mukha ng mga tumangging sumampalataya at sasabihin: “Ito ang dati ninyong pinananawagan.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قُلْ أَرَءَيْتُمْ إِنْ أَهْلَكَنِىَ ٱللَّهُ وَمَن مَّعِىَ أَوْ رَحِمَنَا فَمَن يُجِيرُ ٱلْكَٰفِرِينَ مِنْ عَذَابٍ أَلِيمٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSabihin mo: “Nagsaalang-alang ba kayo kung nagpahamak sa akin si Allāh at sa sinumang kasama sa akin o naawa Siya sa amin, sino ang kakalinga sa mga tagatangging sumampalataya laban sa isang pagdurusang masakit?”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قُلْ هُوَ ٱلرَّحْمَٰنُ ءَامَنَّا بِهِۦ وَعَلَيْهِ تَوَكَّلْنَا فَسَتَعْلَمُونَ مَنْ هُوَ فِى ضَلَٰلٍ مُّبِينٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSabihin mo: “Siya ay ang Napakamaawain; sumampalataya kami sa Kanya at sa Kanya kami nanalig. Kaya makaaalam kayo kung sino ang nasa isang pagkaligaw na malinaw.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قُلْ أَرَءَيْتُمْ إِنْ أَصْبَحَ مَآؤُكُمْ غَوْرًا فَمَن يَأْتِيكُم بِمَآءٍ مَّعِينٍۭ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSabihin mo: “Nagsaalang-alang ba kayo kung ang tubig ninyo ay naging lubog, sino [bukod kay Allāh] ang magdadala sa inyo ng isang tubig na umaagos?”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

Naghahanap ng paksa? Subukan ang paghahanap ayon sa kahulugan — hinahanap ang tanong sa lahat ng 6,236 talata.
Wika — 70