caseriqPaghahanap ayon sa kahulugan sa Qur'an

Surah At-Tahrim التحريم

12 talata · Madinah · pagkakasunod ng pagpapahayag 107

بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِىُّ لِمَ تُحَرِّمُ مَآ أَحَلَّ ٱللَّهُ لَكَ تَبْتَغِى مَرْضَاتَ أَزْوَٰجِكَ وَٱللَّهُ غَفُورٌ رَّحِيمٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO Propeta, bakit ka nagbabawal [sa sarili mo] ng ipinahintulot ni Allāh para sa iyo, na naghahangad ng kaluguran ng mga maybahay mo? Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قَدْ فَرَضَ ٱللَّهُ لَكُمْ تَحِلَّةَ أَيْمَٰنِكُمْ وَٱللَّهُ مَوْلَىٰكُمْ وَهُوَ ٱلْعَلِيمُ ٱلْحَكِيمُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsatungkulin nga si Allāh para sa inyo ng pagkalas sa mga panunumpa ninyo. Si Allāh ay ang Pinagpapatangkilikan ninyo at Siya ay ang Maalam, ang Marunong.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَإِذْ أَسَرَّ ٱلنَّبِىُّ إِلَىٰ بَعْضِ أَزْوَٰجِهِۦ حَدِيثًا فَلَمَّا نَبَّأَتْ بِهِۦ وَأَظْهَرَهُ ٱللَّهُ عَلَيْهِ عَرَّفَ بَعْضَهُۥ وَأَعْرَضَ عَنۢ بَعْضٍ فَلَمَّا نَبَّأَهَا بِهِۦ قَالَتْ مَنْ أَنۢبَأَكَ هَٰذَا قَالَ نَبَّأَنِىَ ٱلْعَلِيمُ ٱلْخَبِيرُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Banggitin] noong nagtapat ang Propeta sa isa sa mga maybahay niya [na si Ḥafṣah] ng isang napag-usapan, saka noong nagsabalita ito hinggil doon [kay`Ā’ishah] at naglantad naman niyon si Allāh sa kanya, nagbigay-alam siya ng isang bahagi nito at nagwalang-bahala siya sa ibang bahagi. Kaya noong nagsabalita siya rito hinggil doon ay nagsabi ito: “Sino ang nagbalita sa iyo nito?” Nagsabi siya: “Nagsabalita sa akin [si Allāh,] ang Maalam, ang Mapagbatid.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِن تَتُوبَآ إِلَى ٱللَّهِ فَقَدْ صَغَتْ قُلُوبُكُمَا وَإِن تَظَٰهَرَا عَلَيْهِ فَإِنَّ ٱللَّهَ هُوَ مَوْلَىٰهُ وَجِبْرِيلُ وَصَٰلِحُ ٱلْمُؤْمِنِينَ وَٱلْمَلَٰٓئِكَةُ بَعْدَ ذَٰلِكَ ظَهِيرٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Tatanggapin] kung magbabalik-loob kayong dalawa[1] kay Allāh sapagkat kumiling nga ang mga puso ninyong dalawa.[2] Kung magtataguyuran kayong dalawa laban sa kanya,[3] tunay na si Allāh ay Mapagtangkilik sa kanya at si Gabriel at ang maayos sa mga mananampalataya. Ang mga anghel, matapos niyon, ay mapagtaguyod [sa Kanya].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

عَسَىٰ رَبُّهُۥٓ إِن طَلَّقَكُنَّ أَن يُبْدِلَهُۥٓ أَزْوَٰجًا خَيْرًا مِّنكُنَّ مُسْلِمَٰتٍ مُّؤْمِنَٰتٍ قَٰنِتَٰتٍ تَٰٓئِبَٰتٍ عَٰبِدَٰتٍ سَٰٓئِحَٰتٍ ثَيِّبَٰتٍ وَأَبْكَارًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMarahil ang Panginoon niya, kung nagdiborsiyo siya sa inyo, ay magpapalit sa kanya ng mga maybahay na higit na mabuti kaysa sa inyo – mga babaing tagapagpasakop, mga babaing mananampalataya, mga babaing masunurin, mga babaing tagapagbalik-loob, mga babaing mananamba, mga babaing tagaayuno, na mga dating nakapag-asawa at mga birhen.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ قُوٓا۟ أَنفُسَكُمْ وَأَهْلِيكُمْ نَارًا وَقُودُهَا ٱلنَّاسُ وَٱلْحِجَارَةُ عَلَيْهَا مَلَٰٓئِكَةٌ غِلَاظٌ شِدَادٌ لَّا يَعْصُونَ ٱللَّهَ مَآ أَمَرَهُمْ وَيَفْعَلُونَ مَا يُؤْمَرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO mga sumampalataya, magsanggalang kayo sa mga sarili ninyo at mga mag-anak ninyo sa isang apoy na ang panggatong nito ay ang mga tao at ang mga bato, na sa ibabaw nito ay may mga anghel na mababagsik na matitindi na hindi sumusuway kay Allāh sa anumang ipinag-utos Niya sa kanila at gumagawa sa anumang inuutos sa kanila.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ لَا تَعْتَذِرُوا۟ ٱلْيَوْمَ إِنَّمَا تُجْزَوْنَ مَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO mga tumangging sumampalataya, huwag kayong magdahi-dahilan sa Araw [na ito]; gagantihan lamang kayo sa dati ninyong ginagawa [na kasamaan].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ تُوبُوٓا۟ إِلَى ٱللَّهِ تَوْبَةً نَّصُوحًا عَسَىٰ رَبُّكُمْ أَن يُكَفِّرَ عَنكُمْ سَيِّـَٔاتِكُمْ وَيُدْخِلَكُمْ جَنَّٰتٍ تَجْرِى مِن تَحْتِهَا ٱلْأَنْهَٰرُ يَوْمَ لَا يُخْزِى ٱللَّهُ ٱلنَّبِىَّ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ مَعَهُۥ نُورُهُمْ يَسْعَىٰ بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَبِأَيْمَٰنِهِمْ يَقُولُونَ رَبَّنَآ أَتْمِمْ لَنَا نُورَنَا وَٱغْفِرْ لَنَآ إِنَّكَ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍ قَدِيرٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO mga sumampalataya, magbalik-loob kayo kay Allāh sa isang pagbabalik-loob na tunay. Marahil ang Panginoon ninyo ay magtatakip para sa inyo sa mga masagwang gawa ninyo at magpapasok sa inyo sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog, sa Araw na hindi magpapahiya si Allāh sa Propeta at mga sumampalataya kasama sa kanya. Ang liwanag nila ay sisinag sa harapan nila at sa mga kanang kamay nila, habang nagsasabi: “Panginoon namin, lumubos Ka para sa amin ng liwanag[4] namin at magpatawad Ka sa amin; tunay na Ikaw sa bawat bagay ay May-kakayahan.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِىُّ جَٰهِدِ ٱلْكُفَّارَ وَٱلْمُنَٰفِقِينَ وَٱغْلُظْ عَلَيْهِمْ وَمَأْوَىٰهُمْ جَهَنَّمُ وَبِئْسَ ٱلْمَصِيرُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO Propeta [Muḥammad], makibaka ka sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw[5] at magpakabagsik ka sa kanila [sa digmaan]. Ang kanlungan nila ay ang Impiyerno. Kay saklap ang kahahantungan!

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلًا لِّلَّذِينَ كَفَرُوا۟ ٱمْرَأَتَ نُوحٍ وَٱمْرَأَتَ لُوطٍ كَانَتَا تَحْتَ عَبْدَيْنِ مِنْ عِبَادِنَا صَٰلِحَيْنِ فَخَانَتَاهُمَا فَلَمْ يُغْنِيَا عَنْهُمَا مِنَ ٱللَّهِ شَيْـًٔا وَقِيلَ ٱدْخُلَا ٱلنَّارَ مَعَ ٱلدَّٰخِلِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNaglahad si Allāh ng isang paghahalintulad, para sa mga tumangging sumampalataya, sa maybahay ni Noe at maybahay ni Lot. Silang dalawa noon ay nasa ilalim ng dalawang lingkod kabilang sa mga lingkod Naming maaayos ngunit nagtaksil[6] silang dalawa sa dalawang ito kaya hindi nakapagdulot ang dalawang ito para sa kanilang dalawa mula kay Allāh ng anuman. Sasabihin: “Pumasok kayong dalawa sa Apoy kasama ng mga papasok.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلًا لِّلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ ٱمْرَأَتَ فِرْعَوْنَ إِذْ قَالَتْ رَبِّ ٱبْنِ لِى عِندَكَ بَيْتًا فِى ٱلْجَنَّةِ وَنَجِّنِى مِن فِرْعَوْنَ وَعَمَلِهِۦ وَنَجِّنِى مِنَ ٱلْقَوْمِ ٱلظَّٰلِمِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNaglahad si Allāh ng isang paghahalintulad, para sa mga sumampalataya, sa maybahay[7] ni Paraon noong nagsabi siya: “Panginoon ko, magpatayo Ka para sa akin sa piling Mo ng isang bahay sa Paraiso, magligtas Ka sa akin laban kay Paraon at sa [karumal-dumal na] gawain niya, at magligtas Ka sa akin laban sa mga taong tagalabag sa katarungan.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَمَرْيَمَ ٱبْنَتَ عِمْرَٰنَ ٱلَّتِىٓ أَحْصَنَتْ فَرْجَهَا فَنَفَخْنَا فِيهِ مِن رُّوحِنَا وَصَدَّقَتْ بِكَلِمَٰتِ رَبِّهَا وَكُتُبِهِۦ وَكَانَتْ مِنَ ٱلْقَٰنِتِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Naglahad ng isang paghahalimbawa] kay Maria na anak ni `Imrān,[8] na nangalaga sa puri niya, kaya umihip Kami doon [sa bulsa ng baro] sa pamamagitan ng Espiritu Namin [na si Anghel Gabriel]. Nagpatotoo siya sa mga salita ng Panginoon niya at mga kasulatan Nito at siya noon ay kabilang sa mga masunurin [sa Panginoon].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

Naghahanap ng paksa? Subukan ang paghahanap ayon sa kahulugan — hinahanap ang tanong sa lahat ng 6,236 talata.
Wika — 70