caseriqPaghahanap ayon sa kahulugan sa Qur'an

Surah Qaaf ق

45 talata · Makkah · pagkakasunod ng pagpapahayag 34

بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ قٓ وَٱلْقُرْءَانِ ٱلْمَجِيدِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterQāf.[1] Sumpa man sa Qur’ān na maringal: [si Muḥammad ay talagang Sugo ni Allāh].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

بَلْ عَجِبُوٓا۟ أَن جَآءَهُم مُّنذِرٌ مِّنْهُمْ فَقَالَ ٱلْكَٰفِرُونَ هَٰذَا شَىْءٌ عَجِيبٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterBagkus nagtaka sila na dumating sa kanila ang isang tagapagbabala [na si Propeta Muḥammad] kabilang sa kanila, kaya nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya: “Ito ay isang bagay na kataka-taka.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَءِذَا مِتْنَا وَكُنَّا تُرَابًا ذَٰلِكَ رَجْعٌۢ بَعِيدٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKapag ba kami ay namatay at naging alabok, [bubuhayin ba kami]? Iyon ay isang pagpapabalik na malayo [nang mangyari].”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قَدْ عَلِمْنَا مَا تَنقُصُ ٱلْأَرْضُ مِنْهُمْ وَعِندَنَا كِتَٰبٌ حَفِيظٌۢ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNakaalam nga Kami sa anumang ibinabawas ng lupa mula sa kanila. Sa piling Namin ay may isang talaang mapag-ingat.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

بَلْ كَذَّبُوا۟ بِٱلْحَقِّ لَمَّا جَآءَهُمْ فَهُمْ فِىٓ أَمْرٍ مَّرِيجٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterBagkus nagpasinungaling sila sa katotohanan[2] noong dumating ito sa kanila, kaya sila ay nasa kalagayang natutuliro.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَفَلَمْ يَنظُرُوٓا۟ إِلَى ٱلسَّمَآءِ فَوْقَهُمْ كَيْفَ بَنَيْنَٰهَا وَزَيَّنَّٰهَا وَمَا لَهَا مِن فُرُوجٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya hindi ba sila tumingin sa langit sa ibabaw nila kung papaanong nagpatayo Kami nito at gumayak Kami nito [ng mga bituin], at wala itong anumang mga bitak?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَٱلْأَرْضَ مَدَدْنَٰهَا وَأَلْقَيْنَا فِيهَا رَوَٰسِىَ وَأَنۢبَتْنَا فِيهَا مِن كُلِّ زَوْجٍۭ بَهِيجٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng lupa, bumanat Kami nito, naglapat Kami rito ng mga matatag na bundok, at nagpatubo Kami rito ng bawat uring marilag,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

تَبْصِرَةً وَذِكْرَىٰ لِكُلِّ عَبْدٍ مُّنِيبٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerbilang pagpapakita at bilang paalaala para sa bawat lingkod na nagsisising nagbabalik [kay Allāh sa pagtalima at pagsisisi].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَنَزَّلْنَا مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءً مُّبَٰرَكًا فَأَنۢبَتْنَا بِهِۦ جَنَّٰتٍ وَحَبَّ ٱلْحَصِيدِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagbaba Kami mula sa langit ng isang tubig na biniyayaan saka nagpatubo Kami sa pamamagitan niyon ng mga hardin at mga butil na inaani,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَٱلنَّخْلَ بَاسِقَٰتٍ لَّهَا طَلْعٌ نَّضِيدٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerat mga puno ng datiles, habang mga pumapaitaas na may bunga na patung-patong,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

رِّزْقًا لِّلْعِبَادِ وَأَحْيَيْنَا بِهِۦ بَلْدَةً مَّيْتًا كَذَٰلِكَ ٱلْخُرُوجُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerbilang panustos para sa mga lingkod [ni Allāh]. Nagbigay-buhay Kami sa pamamagitan nito ng isang lupaing patay. Gayon ang paglabas [ng buhay].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

كَذَّبَتْ قَبْلَهُمْ قَوْمُ نُوحٍ وَأَصْحَٰبُ ٱلرَّسِّ وَثَمُودُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagpasinungaling bago nila ang mga kababayan ni Noe, ang mga naninirahan sa Rass, ang [liping] Thamūd,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَعَادٌ وَفِرْعَوْنُ وَإِخْوَٰنُ لُوطٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerang [mga kalipi ng] `Ād, si Paraon, at ang mga kapatid ni Lot,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَأَصْحَٰبُ ٱلْأَيْكَةِ وَقَوْمُ تُبَّعٍ كُلٌّ كَذَّبَ ٱلرُّسُلَ فَحَقَّ وَعِيدِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerang mga naninirahan sa kasukalan [ng Midyan], at ang mga kalipi ni Tubba`. Bawat [isa] ay nagpasinungaling sa mga sugo [Ko] kaya nagindapat ang banta Ko.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَفَعَيِينَا بِٱلْخَلْقِ ٱلْأَوَّلِ بَلْ هُمْ فِى لَبْسٍ مِّنْ خَلْقٍ جَدِيدٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya nangalupaypay ba Kami sa unang paglikha? Bagkus sila ay nasa isang pagkalito sa paglikhang bago [sa Kabilang-buhay].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَقَدْ خَلَقْنَا ٱلْإِنسَٰنَ وَنَعْلَمُ مَا تُوَسْوِسُ بِهِۦ نَفْسُهُۥ وَنَحْنُ أَقْرَبُ إِلَيْهِ مِنْ حَبْلِ ٱلْوَرِيدِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTalaga ngang lumikha Kami sa tao, habang nakaaalam Kami sa anumang isinusulsol sa kanya ng sarili niya at Kami ay higit na malapit sa kanya kaysa sa ugat ng leeg.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِذْ يَتَلَقَّى ٱلْمُتَلَقِّيَانِ عَنِ ٱلْيَمِينِ وَعَنِ ٱلشِّمَالِ قَعِيدٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Banggitin] kapag tumatanggap ang dalawang [tagatalang anghel na] tagatanggap sa gawing kanan at sa gawing kaliwa habang nakaupo [na nagtatala].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

مَّا يَلْفِظُ مِن قَوْلٍ إِلَّا لَدَيْهِ رَقِيبٌ عَتِيدٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterWala siyang binibigkas na anumang pagkakasabi malibang sa tabi niya ay may isang [anghel] mapagmasid na nakalaan [na magtala].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَجَآءَتْ سَكْرَةُ ٱلْمَوْتِ بِٱلْحَقِّ ذَٰلِكَ مَا كُنتَ مِنْهُ تَحِيدُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMaghahatid ang hapdi ng kamatayan ng katotohanan; iyon ay ang dati mong tinatakasan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَنُفِخَ فِى ٱلصُّورِ ذَٰلِكَ يَوْمُ ٱلْوَعِيدِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterIihip sa tambuli, iyon ay ang Araw ng [Pagtupad sa] Pagbabanta.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَجَآءَتْ كُلُّ نَفْسٍ مَّعَهَا سَآئِقٌ وَشَهِيدٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterDarating ang bawat kaluluwa na may kasama itong isang [anghel na] tagaakay at isang [anghel na] saksi [sa mga salita niya at mga gawa niya].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

لَّقَدْ كُنتَ فِى غَفْلَةٍ مِّنْ هَٰذَا فَكَشَفْنَا عَنكَ غِطَآءَكَ فَبَصَرُكَ ٱلْيَوْمَ حَدِيدٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Sasabihin]: “Talaga ngang ikaw dati ay nasa isang pagkalingat rito, kaya humawi Kami sa iyo ng takip mo kaya ang paningin mo ngayong araw ay matalas.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَقَالَ قَرِينُهُۥ هَٰذَا مَا لَدَىَّ عَتِيدٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMagsasabi ang [anghel na] kaugnay niya: “Itong taglay ko [na talaan ng mga gawa niya] ay nakalaan.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَلْقِيَا فِى جَهَنَّمَ كُلَّ كَفَّارٍ عَنِيدٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Magsasabi si Allāh]: “Magtapon kayong dalawa sa Impiyerno ng bawat palatanggi na mapagmatigas,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

مَّنَّاعٍ لِّلْخَيْرِ مُعْتَدٍ مُّرِيبٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerpalakait ng kabutihan, tagalabag na tagapagpaalinlangan,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ٱلَّذِى جَعَلَ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَ فَأَلْقِيَاهُ فِى ٱلْعَذَابِ ٱلشَّدِيدِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerna gumawa kasama kay Allāh ng isang diyos na iba pa. Kaya itapon ninyong dalawa siya sa pagdurusang matindi.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قَالَ قَرِينُهُۥ رَبَّنَا مَآ أَطْغَيْتُهُۥ وَلَٰكِن كَانَ فِى ضَلَٰلٍۭ بَعِيدٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMagsasabi ang [demonyong] kaugnay niya: “Panginoon namin, hindi ako nagpalabis sa kanya, subalit siya dati ay nasa isang pagkaligaw na malayo.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قَالَ لَا تَخْتَصِمُوا۟ لَدَىَّ وَقَدْ قَدَّمْتُ إِلَيْكُم بِٱلْوَعِيدِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMagsasabi Siya: “Huwag kayong magkaalitan sa piling Ko at nagpauna na Ako para sa inyo ng banta.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

مَا يُبَدَّلُ ٱلْقَوْلُ لَدَىَّ وَمَآ أَنَا۠ بِظَلَّٰمٍ لِّلْعَبِيدِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi pinapalitan ang nasabi sa ganang Akin at Ako ay hindi palalabag sa katarungan sa mga lingkod.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

يَوْمَ نَقُولُ لِجَهَنَّمَ هَلِ ٱمْتَلَأْتِ وَتَقُولُ هَلْ مِن مَّزِيدٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSa Araw na magsasabi Kami sa Impiyerno: “Napuno ka kaya?” at magsasabi ito: “May dagdag pa kaya?”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَأُزْلِفَتِ ٱلْجَنَّةُ لِلْمُتَّقِينَ غَيْرَ بَعِيدٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterPalalapitin ang Paraiso para sa mga tagapangilag magkasala nang hindi malayo.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

هَٰذَا مَا تُوعَدُونَ لِكُلِّ أَوَّابٍ حَفِيظٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Sasabihin]: “Ito ay ang ipinangangako sa inyo – para sa bawat palabalik, mapag-ingat,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

مَّنْ خَشِىَ ٱلرَّحْمَٰنَ بِٱلْغَيْبِ وَجَآءَ بِقَلْبٍ مُّنِيبٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerna sinumang natakot sa Napakamaawain nang nakalingid at naghatid ng isang pusong nagsisising bumabalik [sa Kanya].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ٱدْخُلُوهَا بِسَلَٰمٍ ذَٰلِكَ يَوْمُ ٱلْخُلُودِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterPumasok kayo rito [sa Paraiso] sa kapayapaan; iyon ay ang Araw ng Pamamalagi.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

لَهُم مَّا يَشَآءُونَ فِيهَا وَلَدَيْنَا مَزِيدٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterUkol sa kanila ang anumang niloloob nila rito at mayroon Kaming isang dagdag.[3]

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَكَمْ أَهْلَكْنَا قَبْلَهُم مِّن قَرْنٍ هُمْ أَشَدُّ مِنْهُم بَطْشًا فَنَقَّبُوا۟ فِى ٱلْبِلَٰدِ هَلْ مِن مَّحِيصٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKay rami ng ipinahamak Namin bago nila na [makasalanang] salinlahi na higit na matindi kaysa sa kanila sa bagsik, saka gumalugad sila sa bayan; may mapupuslitan kaya?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَذِكْرَىٰ لِمَن كَانَ لَهُۥ قَلْبٌ أَوْ أَلْقَى ٱلسَّمْعَ وَهُوَ شَهِيدٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na sa gayon ay talagang may paalaala para sa sinumang may puso o nag-ukol ng pakikinig habang siya ay saksi.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَقَدْ خَلَقْنَا ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا فِى سِتَّةِ أَيَّامٍ وَمَا مَسَّنَا مِن لُّغُوبٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTalaga ngang lumikha Kami ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw at walang sumaling sa Amin na anumang pagkapata.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَٱصْبِرْ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَسَبِّحْ بِحَمْدِ رَبِّكَ قَبْلَ طُلُوعِ ٱلشَّمْسِ وَقَبْلَ ٱلْغُرُوبِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya magtiis ka sa sinasabi nila at magluwalhati ka kasabay ng pagpupuri sa Panginoon mo bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog [nito].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَمِنَ ٱلَّيْلِ فَسَبِّحْهُ وَأَدْبَٰرَ ٱلسُّجُودِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSa bahagi ng gabi ay magluwalhati ka sa Kanya at sa mga katapusan ng pagpapatirapa.[4]

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَٱسْتَمِعْ يَوْمَ يُنَادِ ٱلْمُنَادِ مِن مَّكَانٍ قَرِيبٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMakinig ka sa Araw na mananawagan [para sa Pagkabuhay] ang [anghel na] tagapanawagan mula sa isang pook na malapit,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

يَوْمَ يَسْمَعُونَ ٱلصَّيْحَةَ بِٱلْحَقِّ ذَٰلِكَ يَوْمُ ٱلْخُرُوجِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centersa Araw na maririnig nila ang Sigaw [ng tambuli] kalakip ng katotohanan. Iyon ay ang Araw ng Paglabas [mula sa mga libingan].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّا نَحْنُ نُحْىِۦ وَنُمِيتُ وَإِلَيْنَا ٱلْمَصِيرُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na Kami mismo ay nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan at tungo sa Amin ang kahahantungan,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

يَوْمَ تَشَقَّقُ ٱلْأَرْضُ عَنْهُمْ سِرَاعًا ذَٰلِكَ حَشْرٌ عَلَيْنَا يَسِيرٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centersa araw na magkakabiyak-biyak ang lupa palayo sa kanila habang nasa pagmamadali. Iyon ay isang pagkakalap, na sa Amin ay madali.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

نَّحْنُ أَعْلَمُ بِمَا يَقُولُونَ وَمَآ أَنتَ عَلَيْهِم بِجَبَّارٍ فَذَكِّرْ بِٱلْقُرْءَانِ مَن يَخَافُ وَعِيدِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKami ay higit na maalam sa anumang sinasabi nila. Ikaw sa kanila ay hindi isang palasupil, kaya magpaalaala ka sa pamamagitan ng Qur’ān sa sinumang nangangamba sa banta Ko.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

Naghahanap ng paksa? Subukan ang paghahanap ayon sa kahulugan — hinahanap ang tanong sa lahat ng 6,236 talata.
Wika — 70