Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi siya: “Panginoon ko, tunay na ako ay napanghinaan ng mga buto mula sa akin, nagliyab ang ulo sa uban, at hindi naging malumbay sa pagdalangin sa Iyo, Panginoon ko.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na ako ay nangamba sa mga malapit na kaanak kabilang sa maiiwan ko. Ang maybahay ko naman ay baog. Kaya magkaloob ka sa akin mula sa nasa Iyo ng isang kalapit,
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerna magmamana sa akin [ng pagkapropeta] at magmamana [nito] mula sa angkan ni Jacob. Gawin Mo siya, Panginoon ko, na isang lugod.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Sinabi sa kanya ng anghel:] “O Zacarias, tunay na Kami ay nagbabalita ng nakagagalak sa iyo hinggil sa isang batang lalaking ang pangalan niya ay Juan. Hindi Kami gumawa para sa kanya bago pa niyan ng isang kapangalan.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi [si Zacarias]: “Panginoon ko, paanong magkakaroon ako ng isang batang lalaki samantalang ang maybahay ko ay baog at umabot na ako sa katandaan bilang hukluban?”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi [ang anghel]: “Gayon nagsabi ang Panginoon mo: Iyon sa Akin ay madali at lumikha nga Ako sa iyo bago pa niyan habang hindi ka pa naging isang bagay.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi [si Zacarias]: “Panginoon ko, gumawa ka para sa akin ng isang tanda.” Nagsabi siya: “Ang tanda mo ay na hindi ka magsalita sa mga tao nang tatlong gabi, gayong malusog.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya lumabas siya sa mga kalipi niya mula sa dasalan saka nagpahiwatig sa kanila na magluwalhati sila sa umaga at hapon.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Nagsabi si Allāh:] “O Juan, kunin mo ang kasulatan nang may lakas.” Nagbigay Kami sa kanya ng paghahatol habang isang paslit pa,
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerng pagkamadamayin mula sa nasa Amin, at ng kadalisayan. Siya noon ay isang mapangilag magkasala,
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKapayapaan ay sumakanya sa araw na ipinanganak siya, sa araw na mamamatay siya, at sa araw na bubuhayin siyang isang buhay.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterBanggitin mo sa Aklat[3] si Maria noong nagpakalayu-layo siya mula sa mag-anak niya sa isang pook na silanganin.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSaka gumawa siya, sa pagbukod sa kanila, ng isang lambong, saka nagsugo Kami sa kanya ng Espiritu[4] Namin, saka nag-anyo ito sa kanya bilang taong lubos.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi [si Maria]: “Tunay na ako ay nagpapakupkop sa Napakamaawain laban sa iyo; [lumayo ka,] kung ikaw ay isang mapangilag magkasala.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi [si Gabriel]: “Ako ay sugo ng Panginoon mo lamang upang maghandog ako sa iyo ng isang batang lalaking busilak.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi [si Maria]: “Paanong magkakaroon ako ng isang batang lalaki samantalang walang sumaling sa akin na isang lalaki at hindi ako naging isang mapakiapid?”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi [si Gabriel]: “Gayon nagsabi ang Panginoon mo: Ito sa Akin ay madali, at upang gumawa Kami sa kanya bilang tanda para sa mga tao at bilang awa mula sa Amin. Ito ay naging isang bagay na naitadhana.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSaka nagpapunta sa kanya ang sakit ng panganganak tungo sa katawan ng punong datiles. Nagsabi siya: “O sana ako ay namatay bago nito at naging isang limot na kinalimutan.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSaka may nanawagan[5] sa kanya mula sa ilalim niya: “Huwag kang malungkot; naglagay nga ang Panginoon mo sa ilalim mo ng isang batis.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterYumugyog ka patungo sa iyo sa katawan ng punong datiles, may maglalaglagan sa iyo na mga hinog na datiles na sariwa.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya kumain ka, uminom ka, at magalak ka. Saka kung makakikita ka nga naman kabilang sa mga tao ng isa man ay sabihin mo: Tunay na Ako ay namanata para sa Napakamaawain ng isang pananahimik kaya hindi ako mangungusap ngayong araw sa isang tao.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSaka nagdala siya nito sa mga kalipi niya habang kinakarga ito. Nagsabi sila: “O Maria, talaga ngang nagdala ka ng isang bagay na mapanirang-puri!
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO kapatid ni Aaron, ang ama mo ay hindi naging isang lalaki ng kasagwaan at ang ina mo ay hindi naging isang mapakiapid.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya tumuro siya rito. Nagsabi sila: “Papaano kaming mangungusap sa sinumang nasa lampin na isang paslit?”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi [si Jesus]: “Tunay na ako ay alipin ni Allāh. Nagbigay Siya sa akin ng Kasulatan at gumawa Siya sa akin bilang propeta.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterGumawa Siya sa akin bilang pinagpala saan man ako naroon at nagsatagubilin Siya sa akin ng pagdarasal at pagkakawanggawa hanggat nananatili akong buhay.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Gumawa Siya sa akin] bilang mabuting-loob sa ina ko, at hindi Siya gumawa sa akin bilang palasupil na malumbay.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng kapayapaan ay sumaakin sa araw na ipinanganak ako, sa araw na mamamatay ako, at sa araw na bubuhayin ako bilang buhay [sa Araw ng Pagbangon].”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterIyon si Jesus na anak ni Maria, bilang pagsasabi ng katotohanan na kaugnay sa kanya ay nagtataltalan sila.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi nangyaring ukol kay Allāh na gumawa Siya ng anumang anak – kaluwalhatian sa Kanya! Kapag nagtadhana Siya ng isang bagay ay nagsasabi lamang Siya rito na mangyari saka mangyayari ito.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Nagsabi si Jesus:] “Tunay na si Allāh ay Panginoon ko at Panginoon ninyo kaya sumamba kayo sa Kanya; ito ay isang landasing tuwid.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNgunit nagkaiba-iba ang mga lapian sa gitna nila kaya kapighatian ay ukol sa mga tumangging sumampalataya, mula sa isang masasaksihan sa isang araw na sukdulan.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKay husay ng pagkarinig nila at kay husay ng pagkakita sa Araw [ng Pagbangon] na pupunta sila sa Amin, subalit ang mga tagalabag sa katarungan sa araw na ito ay nasa isang pagkaligaw na malinaw.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMagbabala ka sa kanila ng Araw ng Panghihinayang kapag napagpasyahan ang usapin habang sila ay nasa isang pagkalingat habang sila ay hindi sumasampalataya.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na Kami ay magmamana ng lupa at ng sinumang nasa ibabaw nito, at tungo sa Amin sila pababalikin.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterBanggitin mo sa Aklat[6] si Abraham. Tunay na siya noon ay isang napakatapat, isang propeta [mula sa ganang kay Allāh].
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Banggitin] noong nagsabi siya sa ama niya: “O ama ko, bakit ka sumasamba sa hindi nakaririnig, hindi nakakikita, at hindi nagdudulot sa iyo ng anuman?
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO ama ko, tunay na ako ay dinatnan nga ng kaalamang hindi pumunta sa iyo; kaya sumunod ka sa akin, magpapatnubay ako sa iyo sa isang landasing patag.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO ama ko, huwag kang sumamba sa demonyo; tunay na ang demonyo laging para sa Napakamaawain ay isang masuwayin.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO ama ko, tunay na ako ay nangangamba na salingin ka ng isang pagdurusa mula sa Napakamaawain para ikaw para sa demonyo ay maging isang katangkilik.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi ito: “Tumututol ka ba sa mga [anitong] diyos ko, O Abraham? Talagang kung hindi ka titigil ay talagang mambabato nga ako sa iyo, kaya umiwas ka sa akin nang matagal.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi [si Abraham]: “Kapayapaan ay sumaiyo! Hihingi ako ng tawad para sa iyo sa Panginoon ko. Tunay na Siya laging sa akin ay Magiliw.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHihiwalay ako sa inyo at sa anumang [anitong] dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh at dadalangin ako sa Panginoon ko; marahil hindi ako, sa pagdalangin sa Panginoon ko, maging isang malumbay.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya noong humiwalay siya sa kanila at sa anumang sinasamba nila bukod pa kay Allāh ay ipinagkaloob para sa kanya sina Isaac at Jacob. Bawat isa ay ginawa Naming propeta.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagkaloob Kami para sa kanila mula sa awa Namin at gumawa Kami para sa kanila ng isang mataas na pagbanggit ng kagandahan.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterBanggitin mo sa Aklat[7] si Moises. Tunay na siya noon ay isang itinangi at naging isang sugong propeta.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNanawagan Kami sa kanya mula sa gilid ng bundok sa kanan [niya] at nagpalapit Kami sa kanya, na nakikipagtapatan.[8]
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterBanggitin mo sa Aklat[9] si Ismael. Tunay na siya noon ay tapat sa pangako at naging isang sugong propeta.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSiya noon ay nag-uutos sa mag-anak niya ng pagdarasal at pagkakawanggawa at siya noon sa ganang Panginoon niya ay isang kinalulugdan.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng mga iyon ay ang mga nagbibiyaya si Allāh sa kanila kabilang sa mga propeta kabilang sa mga supling ni Adan, kabilang sa dinala Namin [sa daong] kasama kay Noe, kabilang sa mga supling ni Abraham at ni Israel, at kabilang sa sinumang pinatnubayan Namin at hinirang Namin. Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda ng Napakamaawain ay sumubsob sila na mga nakapatirapa, na mga umiiyak.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSaka may humalili matapos na nila, na mga kahalili na nagwalang-bahala sa pagdarasal at sumunod sa mga nasa, kaya magkikita sila ng isang pagkalisya,
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centermaliban sa sinumang nagbalik-loob, sumampalataya, at gumawa ng maayos sapagkat ang mga iyon ay papasok sa Paraiso at hindi sila lalabagin sa katarungan sa anuman.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Papasok sila] sa mga Hardin ng Eden na ipinangako ng Napakamaawain sa mga lingkod Niya sa nakalingid. Tunay na laging ang pangako Niya ay darating.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi sila makaririnig sa mga iyon ng kabalbalan maliban sa kapayapaan. Ukol sa kanila ang panustos nila sa mga iyon sa umaga at sa hapon [ayon sa ninanasa nila].
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterIyon ay ang Paraiso na ipamamana Namin sa kabilang sa mga lingkod Namin na naging mapangilaging magkasala.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Sabihin mo, O Anghel Gabriel:] “Hindi kami nagbababaan kundi ayon sa utos ng Panginoon mo. Sa Kanya ang nasa pagitan ng mga kamay namin at ang nasa likuran namin at ang nasa pagitan niyon. Laging ang Panginoon mo ay hindi malilimutin.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, kaya sumamba ka sa Kanya at magpakamatiisin ka para sa pagsamba sa Kanya. Nakaaalam ka kaya para sa Kanya ng isang kapangalan?”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMagsasabi ang tao [na tagatangging sumampalataya]: “Kapag namatay ba ako ay talagang ilalabas akong buhay?”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi ba nakaaalaala ang tao na Kami ay lumikha sa kanya bago pa niyan, samantalang hindi siya dati isang bagay?
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya sumpa man sa Panginoon mo, talagang kakalap nga Kami sa kanila at sa mga demonyo. Pagkatapos talagang magpapadalo nga Kami sa kanila sa paligid ng Impiyerno na nakaluhod.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterPagkatapos talagang huhugot nga Kami mula sa bawat kampihan ng alin sa kanila na pinakamatindi laban sa Napakamaawain sa pagkasutil.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterWalang kabilang sa inyo malibang sasapit doon. Laging ito sa Panginoon mo ay isang kapasyahang itinadhana.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterPagkatapos magliligtas Kami sa mga nangilag magkasala at mag-iiwan Kami sa mga tagalabag sa katarungan doon na nakaluhod.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Namin bilang mga malinaw na patunay ay nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sumampalataya: “Alin sa dalawang pangkat [natin] ang higit na mabuti sa katayuan at ang higit na maganda sa kapisanan?”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKay rami ng ipinahamak Namin bago nila na [makasalanang] salinlahi na higit na maganda sa ari-arian at anyong nakikita!
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSabihin mo: “Ang sinumang nasa kaligawan ay magpapalawig para sa kanya ang Napakamaawain ng isang pagpapalawig; hanggang sa nang nakita nila ang ipinangangako sa kanila na maaaring ang pagdurusa [sa Mundo] at maaaring ang [pagdurusa sa] Huling Sandali ay makaaalam sila sa kung sino ang higit na masama sa kalagayan at higit na mahina sa hukbo.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagdaragdag si Allāh sa mga napatnubayan ng patnubay. Ang mga nananatiling maayos na gawa ay higit na mabuti sa ganang Panginoon ninyo sa gantimpala at higit na mabuti sa kauuwian.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSaka nakita mo ba ang tumangging sumampalataya sa mga tanda Namin? Nagsabi siya: “Talagang magbibigay nga sa akin ng yaman at anak?”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAba’y hindi! Magsusulat Kami ng sinasabi niya at magpapalawig Kami para sa kanya ng pagdurusa sa isang pagpapalawig [sa Kabilang-buhay].
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAba’y hindi! Magkakaila ang mga ito sa pagsamba nila at ang mga ito laban sa kanila ay magiging katunggali.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi ka ba nakakita na Kami ay nagsugo sa mga demonyo sa mga tagatangging sumampalataya, na nanunulsol sa kanila sa isang panunulsol?
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya huwag kang magmabilis sa kanila; nagbibilang lamang Kami para sa kanila ng isang pagbilang.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSa Araw na kakalap sa mga tagapangilag magkasala patungo sa Napakamaawain sa isang delegasyon.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi sila makapagdudulot ng Pamamagitan maliban sa sinumang gumawa sa ganang Napakamaawain ng isang kasunduan.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHalos ang mga langit ay nagkakabitak-bitak dahil dito, nabibiyak ang lupa, at sumusubsob ang mga bundok nang durug-durog,
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterWalang [magagawa] ang bawat sinumang nasa mga langit at lupa kundi pupunta sa Napakamaawain bilang alipin [na nagpapasailalim].
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay magtatalaga para sa kanila ang Napakamaawain ng pagmamahal.[11]
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya nagpadali lamang Kami nito sa wika mo upang magbalita ka ng nakagagalak hinggil dito sa mga tagapangilag magkasala at magbabala ka hinggil dito sa mga taong palaban.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKay rami ng ipinahamak Namin bago nila na [makasalanang] salinlahi! Nakadarama ka kaya mula sa kanila ng isa man o nakarinig ka sa kanila ng isang tunog?