caseriqPaghahanap ayon sa kahulugan sa Qur'an

Surah Al-Kahf الكهف

110 talata · Makkah · pagkakasunod ng pagpapahayag 69

بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ ٱلْحَمْدُ لِلَّهِ ٱلَّذِىٓ أَنزَلَ عَلَىٰ عَبْدِهِ ٱلْكِتَٰبَ وَلَمْ يَجْعَل لَّهُۥ عِوَجَا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng papuri ay ukol kay Allāh na nagpababa sa lingkod Niya ng Aklat at hindi Siya naglagay rito ng isang kabaluktutan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قَيِّمًا لِّيُنذِرَ بَأْسًا شَدِيدًا مِّن لَّدُنْهُ وَيُبَشِّرَ ٱلْمُؤْمِنِينَ ٱلَّذِينَ يَعْمَلُونَ ٱلصَّٰلِحَٰتِ أَنَّ لَهُمْ أَجْرًا حَسَنًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Ginawa Niya itong] matuwid upang magbabala ng isang matinding parusa mula sa nasa Kanya, magbalita ng nakagagalak sa mga mananampalatayang gumagawa ng mga maayos na ukol sa kanila ay isang pabuyang maganda

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

مَّٰكِثِينَ فِيهِ أَبَدًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerbilang mga mamamalagi roon magpakailanman,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَيُنذِرَ ٱلَّذِينَ قَالُوا۟ ٱتَّخَذَ ٱللَّهُ وَلَدًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerat magbabala sa mga nagsabing gumawa si Allāh ng isang anak.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

مَّا لَهُم بِهِۦ مِنْ عِلْمٍ وَلَا لِـَٔابَآئِهِمْ كَبُرَتْ كَلِمَةً تَخْرُجُ مِنْ أَفْوَٰهِهِمْ إِن يَقُولُونَ إِلَّا كَذِبًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterWalang ukol sa kanila hinggil dito na kaalaman at walang ukol sa mga magulang nila. May bumigat na isang salitang lumalabas sa mga bibig nila; wala silang sinasabi kundi kasinungalingan!

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَلَعَلَّكَ بَٰخِعٌ نَّفْسَكَ عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِمْ إِن لَّمْ يُؤْمِنُوا۟ بِهَٰذَا ٱلْحَدِيثِ أَسَفًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya baka ikaw ay kikitil sa sarili mo dahil sa mga bakas nila, kung hindi sila sumampalataya sa salaysay na ito, dala ng dalamhati.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّا جَعَلْنَا مَا عَلَى ٱلْأَرْضِ زِينَةً لَّهَا لِنَبْلُوَهُمْ أَيُّهُمْ أَحْسَنُ عَمَلًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na Kami ay gumawa sa anumang nasa lupa bilang gayak para rito upang sumubok Kami sa kanila kung alin sa kanila ang pinakamaganda sa gawa.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَإِنَّا لَجَٰعِلُونَ مَا عَلَيْهَا صَعِيدًا جُرُزًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na Kami ay talagang gagawa sa nasa ibabaw nito na isang lupang tigang.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَمْ حَسِبْتَ أَنَّ أَصْحَٰبَ ٱلْكَهْفِ وَٱلرَّقِيمِ كَانُوا۟ مِنْ ءَايَٰتِنَا عَجَبًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO nag-akala ka na ang magkakasama sa yungib at pinag-ukitan ay noon kataka-takang kabilang sa mga tanda Namin?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِذْ أَوَى ٱلْفِتْيَةُ إِلَى ٱلْكَهْفِ فَقَالُوا۟ رَبَّنَآ ءَاتِنَا مِن لَّدُنكَ رَحْمَةً وَهَيِّئْ لَنَا مِنْ أَمْرِنَا رَشَدًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Banggitin]noong] nagpakanlong ang mga binata sa yungib[1] saka nagsabi sila: “Panginoon namin, magbigay Ka sa amin ng awa mula sa nasa Iyo at maglaan Ka para sa amin, kaugnay sa nauukol sa amin, ng isang kagabayan.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَضَرَبْنَا عَلَىٰٓ ءَاذَانِهِمْ فِى ٱلْكَهْفِ سِنِينَ عَدَدًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya nagtakip Kami sa mga tainga nila [para makatulog] sa yungib sa [loob ng] mga taon ayon sa bilang.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ثُمَّ بَعَثْنَٰهُمْ لِنَعْلَمَ أَىُّ ٱلْحِزْبَيْنِ أَحْصَىٰ لِمَا لَبِثُوٓا۟ أَمَدًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterPagkatapos pumukaw Kami sa kanila upang magpaalam Kami kung alin sa dalawang panig ang higit na magaling sa pagtataya sa ipinamalagi nila ayon sa yugto.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

نَّحْنُ نَقُصُّ عَلَيْكَ نَبَأَهُم بِٱلْحَقِّ إِنَّهُمْ فِتْيَةٌ ءَامَنُوا۟ بِرَبِّهِمْ وَزِدْنَٰهُمْ هُدًى

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKami ay nagsasalaysay sa iyo ng balita sa kanila ayon sa katotohanan. Tunay na sila ay mga binatang sumampalataya sa Panginoon nila. Nagdagdag Kami sa kanila ng patnubay.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَرَبَطْنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ إِذْ قَامُوا۟ فَقَالُوا۟ رَبُّنَا رَبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ لَن نَّدْعُوَا۟ مِن دُونِهِۦٓ إِلَٰهًا لَّقَدْ قُلْنَآ إِذًا شَطَطًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagpatibay Kami sa mga puso nila noong tumindig sila saka nagsabi:[2] “Ang Panginoon Namin ay ang Panginoon ng mga langit at lupa. Hindi kami mananalangin sa bukod pa sa Kanya bilang diyos [dahil] talaga ngang makapagsasabi Kami, samakatuwid, ng isang pagkalayu-layo [sa katotohanan].”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

هَٰٓؤُلَآءِ قَوْمُنَا ٱتَّخَذُوا۟ مِن دُونِهِۦٓ ءَالِهَةً لَّوْلَا يَأْتُونَ عَلَيْهِم بِسُلْطَٰنٍۭ بَيِّنٍ فَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ ٱفْتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng mga ito, ang mga tao namin, ay gumawa sa bukod pa sa Kanya bilang mga diyos. Bakit kaya hindi sila naghahatid sa mga ito ng isang katunayang malinaw? Kaya sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَإِذِ ٱعْتَزَلْتُمُوهُمْ وَمَا يَعْبُدُونَ إِلَّا ٱللَّهَ فَأْوُۥٓا۟ إِلَى ٱلْكَهْفِ يَنشُرْ لَكُمْ رَبُّكُم مِّن رَّحْمَتِهِۦ وَيُهَيِّئْ لَكُم مِّنْ أَمْرِكُم مِّرْفَقًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Nagsabi ang magkakasama]: “Kung nagpakalayu-layo kayo sa kanila at sa anumang sinasamba nila maliban kay Allāh ay kumanlong kayo sa yungib; magpapalaganap para sa inyo ang Panginoon ninyo ng awa Niya at maglalaan Siya para sa inyo kaugnay sa nauukol sa inyo ng isang magagamit.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَتَرَى ٱلشَّمْسَ إِذَا طَلَعَت تَّزَٰوَرُ عَن كَهْفِهِمْ ذَاتَ ٱلْيَمِينِ وَإِذَا غَرَبَت تَّقْرِضُهُمْ ذَاتَ ٱلشِّمَالِ وَهُمْ فِى فَجْوَةٍ مِّنْهُ ذَٰلِكَ مِنْ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ مَن يَهْدِ ٱللَّهُ فَهُوَ ٱلْمُهْتَدِ وَمَن يُضْلِلْ فَلَن تَجِدَ لَهُۥ وَلِيًّا مُّرْشِدًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Kung sakaling naroon ka,] makikita mo ang araw, kapag lumitaw iyon, na humihilig palayo sa yungib nila sa gawing kanan, at kapag lumubog iyon, na lumalampas sa kanila sa gawing kaliwa habang sila ay nasa isang puwang mula roon. Iyon ay kabilang sa mga tanda ni Allāh. Ang sinumang pinapatnubayan ni Allāh ay siya ang napapatnubayan. Ang sinumang pinaliligaw Niya ay hindi ka makatatagpo para rito ng isang katangkilik na tagagabay [sa kapatnubayan].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَتَحْسَبُهُمْ أَيْقَاظًا وَهُمْ رُقُودٌ وَنُقَلِّبُهُمْ ذَاتَ ٱلْيَمِينِ وَذَاتَ ٱلشِّمَالِ وَكَلْبُهُم بَٰسِطٌ ذِرَاعَيْهِ بِٱلْوَصِيدِ لَوِ ٱطَّلَعْتَ عَلَيْهِمْ لَوَلَّيْتَ مِنْهُمْ فِرَارًا وَلَمُلِئْتَ مِنْهُمْ رُعْبًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMag-aakala kang sila ay mga gising samantalang sila ay mga tulog. Nagpapabaling Kami sa kanila sa gawing kanan at sa gawing kaliwa habang ang aso nila ay nakaunat ang dalawang unahang biyas nito sa bungad. Kung sakaling tumingin ka sa kanila ay talaga sanang tumalikod ka mula sa kanila sa pagtakas at talaga sanang napuno ka dahil sa kanila ng hilakbot.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَكَذَٰلِكَ بَعَثْنَٰهُمْ لِيَتَسَآءَلُوا۟ بَيْنَهُمْ قَالَ قَآئِلٌ مِّنْهُمْ كَمْ لَبِثْتُمْ قَالُوا۟ لَبِثْنَا يَوْمًا أَوْ بَعْضَ يَوْمٍ قَالُوا۟ رَبُّكُمْ أَعْلَمُ بِمَا لَبِثْتُمْ فَٱبْعَثُوٓا۟ أَحَدَكُم بِوَرِقِكُمْ هَٰذِهِۦٓ إِلَى ٱلْمَدِينَةِ فَلْيَنظُرْ أَيُّهَآ أَزْكَىٰ طَعَامًا فَلْيَأْتِكُم بِرِزْقٍ مِّنْهُ وَلْيَتَلَطَّفْ وَلَا يُشْعِرَنَّ بِكُمْ أَحَدًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterGayon din, pumukaw Kami sa kanila upang magtanungan sila sa pagitan nila. May nagsabing isang tagapagsabi kabilang sa kanila: “Gaano katagal kayo namalagi?” Nagsabi sila: “Namalagi kami nang isang araw o isang bahagi ng araw.” Nagsabi pa sila: “Ang Panginoon ninyo ay higit na maalam sa ipinamalagi ninyo. Kaya magpadala kayo ng isa sa inyo kalakip ng salaping pilak ninyong ito sa lungsod saka tumingin siya kung alin doon ang pinakabusilak bilang pagkain saka magdala siya sa inyo ng isang panustos mula rito at magpakaingat-ingat siya. Huwag nga siyang magparamdam hinggil sa inyo sa isa man.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّهُمْ إِن يَظْهَرُوا۟ عَلَيْكُمْ يَرْجُمُوكُمْ أَوْ يُعِيدُوكُمْ فِى مِلَّتِهِمْ وَلَن تُفْلِحُوٓا۟ إِذًا أَبَدًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na sila, kung makababatid sa inyo, ay mambabato sa inyo o magpapanumbalik sa inyo sa kapaniwalaan nila at hindi kayo magtatagumpay, samakatuwid, magpakailanman.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَكَذَٰلِكَ أَعْثَرْنَا عَلَيْهِمْ لِيَعْلَمُوٓا۟ أَنَّ وَعْدَ ٱللَّهِ حَقٌّ وَأَنَّ ٱلسَّاعَةَ لَا رَيْبَ فِيهَآ إِذْ يَتَنَٰزَعُونَ بَيْنَهُمْ أَمْرَهُمْ فَقَالُوا۟ ٱبْنُوا۟ عَلَيْهِم بُنْيَٰنًا رَّبُّهُمْ أَعْلَمُ بِهِمْ قَالَ ٱلَّذِينَ غَلَبُوا۟ عَلَىٰٓ أَمْرِهِمْ لَنَتَّخِذَنَّ عَلَيْهِم مَّسْجِدًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterGayon din, ipinatuklas sa kanila upang makaalam sila na ang pangako ni Allāh ay totoo at na ang Huling Sandali ay walang pag-aalinlangan doon. [Iyon ay] noong naghihidwaan ang mga ito sa pagitan ng mga ito sa nauukol sa kanila kaya nagsabi ang mga ito: “Magpatayo kayo sa ibabaw nila ng isang gusali. Ang Panginoon nila ay higit na maalam sa kanila.” Nagsabi ang mga nanaig sa usapin nila: “Talagang gagawa nga kami sa ibabaw nila ng isang patirapaan.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

سَيَقُولُونَ ثَلَٰثَةٌ رَّابِعُهُمْ كَلْبُهُمْ وَيَقُولُونَ خَمْسَةٌ سَادِسُهُمْ كَلْبُهُمْ رَجْمًۢا بِٱلْغَيْبِ وَيَقُولُونَ سَبْعَةٌ وَثَامِنُهُمْ كَلْبُهُمْ قُل رَّبِّىٓ أَعْلَمُ بِعِدَّتِهِم مَّا يَعْلَمُهُمْ إِلَّا قَلِيلٌ فَلَا تُمَارِ فِيهِمْ إِلَّا مِرَآءً ظَٰهِرًا وَلَا تَسْتَفْتِ فِيهِم مِّنْهُمْ أَحَدًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMagsasabi ang mga iyon na [sila ay] tatlo, na ang ikaapat sa kanila ay ang aso nila; at magsasabi pa ang mga iyon na [sila ay] lima, na ang ikaanim sa kanila ay ang aso nila – bilang panghuhula sa nakalingid. Magsasabi ang mga iyon na [sila ay] pito, na ang ikawalo sa kanila ay ang aso nila. Sabihin mo: “Ang Panginoon ko ay higit na maalam sa bilang nila; walang nakaaalam sa kanila kundi kaunti. Kaya huwag kayong makipagtaltalan hinggil sa kanila [sa bilang] malibang ayon sa pakikipagtaltalang hayag at huwag kayong magsiyasat hinggil sa kanila mula sa mga iyon[3] sa isa man.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَا تَقُولَنَّ لِشَا۟ىْءٍ إِنِّى فَاعِلٌ ذَٰلِكَ غَدًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHuwag ka ngang magsasabi sa anuman: “Tunay na ako ay gagawa niyon bukas,”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُ وَٱذْكُر رَّبَّكَ إِذَا نَسِيتَ وَقُلْ عَسَىٰٓ أَن يَهْدِيَنِ رَبِّى لِأَقْرَبَ مِنْ هَٰذَا رَشَدًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centermaliban na [magsabing] loobin ni Allāh. Alalahanin mo ang Panginoon mo kapag nakalimot ka at sabihin mo: “Harinawang magpatnubay sa akin ang Panginoon ko para sa higit na malapit kaysa rito sa kagabayan.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَبِثُوا۟ فِى كَهْفِهِمْ ثَلَٰثَ مِا۟ئَةٍ سِنِينَ وَٱزْدَادُوا۟ تِسْعًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNamalagi sila sa yungib nila nang tatlong daang taon at nadagdagan sila ng siyam.[4]

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قُلِ ٱللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا لَبِثُوا۟ لَهُۥ غَيْبُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ أَبْصِرْ بِهِۦ وَأَسْمِعْ مَا لَهُم مِّن دُونِهِۦ مِن وَلِىٍّ وَلَا يُشْرِكُ فِى حُكْمِهِۦٓ أَحَدًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSabihin mo: “Si Allāh ay higit na maalam sa tagal ng ipinamalagi nila. Ukol sa Kanya ang [kaalaman sa] nakalingid sa mga langit at lupa. Kay husay ng pagkakita Niya at kay husay ng pagkarinig Niya. Walang ukol sa kanila bukod pa sa Kanya na anumang katangkilik. Hindi Siya nagpapatambal sa paghahatol Niya ng isa man.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَٱتْلُ مَآ أُوحِىَ إِلَيْكَ مِن كِتَابِ رَبِّكَ لَا مُبَدِّلَ لِكَلِمَٰتِهِۦ وَلَن تَجِدَ مِن دُونِهِۦ مُلْتَحَدًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterBumigkas ka ng ikinasi sa iyo mula sa Aklat ng Panginoon mo. Walang tagapagpalit sa mga salita Niya at hindi ka makatatagpo bukod pa sa Kanya ng isang madadaupan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَٱصْبِرْ نَفْسَكَ مَعَ ٱلَّذِينَ يَدْعُونَ رَبَّهُم بِٱلْغَدَوٰةِ وَٱلْعَشِىِّ يُرِيدُونَ وَجْهَهُۥ وَلَا تَعْدُ عَيْنَاكَ عَنْهُمْ تُرِيدُ زِينَةَ ٱلْحَيَوٰةِ ٱلدُّنْيَا وَلَا تُطِعْ مَنْ أَغْفَلْنَا قَلْبَهُۥ عَن ذِكْرِنَا وَٱتَّبَعَ هَوَىٰهُ وَكَانَ أَمْرُهُۥ فُرُطًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMagpatiis ka ng sarili mo kasama sa mga dumadalangin sa Panginoon nila sa umaga at gabi, na nagnanais [ng kaluguran] ng mukha Niya. Huwag lumampas ang dalawang mata mo palayo sa kanila, na nagnanais ng gayak ng buhay na pangmundo. Huwag kang tumalima sa sinumang nagpalingat Kami sa puso niya palayo sa pag-aalaala sa Amin at sumunod sa pithaya niya habang ang nauukol sa kanya ay naging kapabayaan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَقُلِ ٱلْحَقُّ مِن رَّبِّكُمْ فَمَن شَآءَ فَلْيُؤْمِن وَمَن شَآءَ فَلْيَكْفُرْ إِنَّآ أَعْتَدْنَا لِلظَّٰلِمِينَ نَارًا أَحَاطَ بِهِمْ سُرَادِقُهَا وَإِن يَسْتَغِيثُوا۟ يُغَاثُوا۟ بِمَآءٍ كَٱلْمُهْلِ يَشْوِى ٱلْوُجُوهَ بِئْسَ ٱلشَّرَابُ وَسَآءَتْ مُرْتَفَقًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSabihin mo: “Ang katotohanan ay mula sa Panginoon ninyo. Kaya ang sinumang lumuob ay sumampalataya siya, at ang sinumang lumuob ay tumanggi siyang sumampalataya.” Tunay na Kami ay naglaan para sa mga tagalabag sa katarungan ng isang apoy na papaligid sa kanila ang mga pader nito. Kung magpapasaklolo sila ay sasakloluhan sila ng isang tubig na gaya ng kumukulong langis, na iihaw sa mga mukha nila. Kay saklap ang inumin at kay sagwa ito bilang pahingahan!

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّٰلِحَٰتِ إِنَّا لَا نُضِيعُ أَجْرَ مَنْ أَحْسَنَ عَمَلًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, tunay na Kami ay hindi nagsasayang sa pabuya sa sinumang nagpaganda ng gawa.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أُو۟لَٰٓئِكَ لَهُمْ جَنَّٰتُ عَدْنٍ تَجْرِى مِن تَحْتِهِمُ ٱلْأَنْهَٰرُ يُحَلَّوْنَ فِيهَا مِنْ أَسَاوِرَ مِن ذَهَبٍ وَيَلْبَسُونَ ثِيَابًا خُضْرًا مِّن سُندُسٍ وَإِسْتَبْرَقٍ مُّتَّكِـِٔينَ فِيهَا عَلَى ٱلْأَرَآئِكِ نِعْمَ ٱلثَّوَابُ وَحَسُنَتْ مُرْتَفَقًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng mga iyon ay ukol sa kanila ang mga hardin ng Eden, na dumadaloy mula sa ilalim nila ang mga ilog, habang ginagayakan sila roon mula sa mga pulseras na ginto at nagsusuot sila ng mga kasuutang luntian mula sa manipis na sutla at makapal na sutla, habang mga nakasandal doon sa mga sopa. Kay inam ang pabuya at kay ganda iyon bilang pahingahan!

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَٱضْرِبْ لَهُم مَّثَلًا رَّجُلَيْنِ جَعَلْنَا لِأَحَدِهِمَا جَنَّتَيْنِ مِنْ أَعْنَٰبٍ وَحَفَفْنَٰهُمَا بِنَخْلٍ وَجَعَلْنَا بَيْنَهُمَا زَرْعًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMaglahad ka para sa kanila ng isang paghahalintulad na dalawang lalaki. Nagtalaga Kami para sa isa sa kanilang dalawa ng dalawang hardin ng mga ubas, nagpalibot Kami sa dalawang ito ng mga punong-datiles, at naglagay Kami sa pagitan ng dalawang ito ng mga pananim.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

كِلْتَا ٱلْجَنَّتَيْنِ ءَاتَتْ أُكُلَهَا وَلَمْ تَظْلِم مِّنْهُ شَيْـًٔا وَفَجَّرْنَا خِلَٰلَهُمَا نَهَرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng kapwa hardin ay nagbigay ng bunga nito at hindi nagkulang ito roon ng anuman. Nagpabulwak Kami sa gitna ng dalawang ito ng isang ilog.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَكَانَ لَهُۥ ثَمَرٌ فَقَالَ لِصَٰحِبِهِۦ وَهُوَ يُحَاوِرُهُۥٓ أَنَا۠ أَكْثَرُ مِنكَ مَالًا وَأَعَزُّ نَفَرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagkaroon siya ng bunga kaya nagsabi siya sa kasamahan niya habang siya ay nakikipagtalakayan dito: “Ako ay higit na marami kaysa sa iyo sa yaman at higit na makapangyarihan sa mga tauhan.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَدَخَلَ جَنَّتَهُۥ وَهُوَ ظَالِمٌ لِّنَفْسِهِۦ قَالَ مَآ أَظُنُّ أَن تَبِيدَ هَٰذِهِۦٓ أَبَدًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterPumasok siya sa hardin niya habang siya ay lumalabag sa katarungan sa sarili niya. Nagsabi siya: “Hindi ako nagpapalagay na mapupuksa ito magpakailanman.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَمَآ أَظُنُّ ٱلسَّاعَةَ قَآئِمَةً وَلَئِن رُّدِدتُّ إِلَىٰ رَبِّى لَأَجِدَنَّ خَيْرًا مِّنْهَا مُنقَلَبًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi ako nagpapalagay na ang Huling Sandali ay magaganap. Talagang kung isasauli ako sa Panginoon ko ay talagang makatatagpo nga ako ng higit na mabuti kaysa rito bilang uwian.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قَالَ لَهُۥ صَاحِبُهُۥ وَهُوَ يُحَاوِرُهُۥٓ أَكَفَرْتَ بِٱلَّذِى خَلَقَكَ مِن تُرَابٍ ثُمَّ مِن نُّطْفَةٍ ثُمَّ سَوَّىٰكَ رَجُلًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi sa kanya ang kasamahan niya habang ito ay nakikipagtalakayan sa kanya: “Tumanggi ka bang sumampalataya sa lumikha sa iyo mula sa alabok, pagkatapos mula sa patak ng punlay, pagkatapos bumuo sa iyo bilang lalaki?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

لَّٰكِنَّا۠ هُوَ ٱللَّهُ رَبِّى وَلَآ أُشْرِكُ بِرَبِّىٓ أَحَدًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSubalit Siyang si Allāh ay Panginoon ko, at hindi ako nagtatambal sa Panginoon ko ng isa man.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَوْلَآ إِذْ دَخَلْتَ جَنَّتَكَ قُلْتَ مَا شَآءَ ٱللَّهُ لَا قُوَّةَ إِلَّا بِٱللَّهِ إِن تَرَنِ أَنَا۠ أَقَلَّ مِنكَ مَالًا وَوَلَدًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterBakit hindi ka, noong pumasok ka sa hardin mo, nagsabi: “Ang niloob ni Allāh [ay naganap]; walang lakas maliban sa kay Allāh. Kung nakikita mo man ako mismo na higit na kaunti kaysa sa iyo sa yaman at anak,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَعَسَىٰ رَبِّىٓ أَن يُؤْتِيَنِ خَيْرًا مِّن جَنَّتِكَ وَيُرْسِلَ عَلَيْهَا حُسْبَانًا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ فَتُصْبِحَ صَعِيدًا زَلَقًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centermarahil ang Panginoon ko ay magbigay sa akin ng higit na mabuti kaysa sa hardin mo at magpadala riyan ng isang sakuna mula sa langit para iyan ay maging isang lupaing madulas,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَوْ يُصْبِحَ مَآؤُهَا غَوْرًا فَلَن تَسْتَطِيعَ لَهُۥ طَلَبًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centero ang tubig niyan ay maging lubog [sa lupa] kaya hindi mo kakayaning makahanap nito.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَأُحِيطَ بِثَمَرِهِۦ فَأَصْبَحَ يُقَلِّبُ كَفَّيْهِ عَلَىٰ مَآ أَنفَقَ فِيهَا وَهِىَ خَاوِيَةٌ عَلَىٰ عُرُوشِهَا وَيَقُولُ يَٰلَيْتَنِى لَمْ أُشْرِكْ بِرَبِّىٓ أَحَدًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterPumaligid sa mga bunga niya [ang pagkawasak] kaya nagsimula siyang nagbaling-baling ng mga kamay niya [sa panghihinayang] sa ginugol niya roon, samantalang iyon ay gumuho sa mga balag niyon, at nagsasabi: “O kung sana ako ay hindi nagtambal sa Panginoon ko ng isa man!”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَمْ تَكُن لَّهُۥ فِئَةٌ يَنصُرُونَهُۥ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَمَا كَانَ مُنتَصِرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi siya nagkaroon ng isang pangkatin na mag-aadya sa kanya bukod pa kay Allāh at hindi siya naging isang naiaadya.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

هُنَالِكَ ٱلْوَلَٰيَةُ لِلَّهِ ٱلْحَقِّ هُوَ خَيْرٌ ثَوَابًا وَخَيْرٌ عُقْبًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterDoon, ang pagtangkilik ay ukol kay Allāh, ang Totoo. Siya ay pinakamabuti sa gantimpala at pinakamabuti sa kinahihinatnan [sa Kabilang-buhay].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَٱضْرِبْ لَهُم مَّثَلَ ٱلْحَيَوٰةِ ٱلدُّنْيَا كَمَآءٍ أَنزَلْنَٰهُ مِنَ ٱلسَّمَآءِ فَٱخْتَلَطَ بِهِۦ نَبَاتُ ٱلْأَرْضِ فَأَصْبَحَ هَشِيمًا تَذْرُوهُ ٱلرِّيَٰحُ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍ مُّقْتَدِرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMaglahad ka para sa kanila ng paghahalintulad sa buhay na pangmundo, na gaya ng tubig na pinababa Namin mula sa langit saka nahalo rito ang halaman ng lupa saka ito ay naging durog na tuyot na ikinakalat ng mga hangin. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Tagakaya.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ٱلْمَالُ وَٱلْبَنُونَ زِينَةُ ٱلْحَيَوٰةِ ٱلدُّنْيَا وَٱلْبَٰقِيَٰتُ ٱلصَّٰلِحَٰتُ خَيْرٌ عِندَ رَبِّكَ ثَوَابًا وَخَيْرٌ أَمَلًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng yaman at ang mga anak ay gayak ng buhay na pangmundo samantalang ang mga nanatiling gawang maayos ay higit na mabuti sa ganang Panginoon mo sa gantimpala at higit na mabuti sa pag-asa.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَيَوْمَ نُسَيِّرُ ٱلْجِبَالَ وَتَرَى ٱلْأَرْضَ بَارِزَةً وَحَشَرْنَٰهُمْ فَلَمْ نُغَادِرْ مِنْهُمْ أَحَدًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Banggitin] ang araw na mag-uusad Kami ng mga bundok at makikita mo ang lupa na nakalitaw at kakalap Kami sa kanila saka hindi lilisan sa isa man mula sa kanila.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَعُرِضُوا۟ عَلَىٰ رَبِّكَ صَفًّا لَّقَدْ جِئْتُمُونَا كَمَا خَلَقْنَٰكُمْ أَوَّلَ مَرَّةٍۭ بَلْ زَعَمْتُمْ أَلَّن نَّجْعَلَ لَكُم مَّوْعِدًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterItatanghal sila sa Panginoon mo na nakahanay [at sasabihin:] “Talaga ngang pumunta kayo sa Amin gaya ng nilikha Namin kayo sa unang pagkakataon. Bagkus nag-angkin kayo na hindi Kami gagawa para sa inyo ng isang tipanan [na paggagantihan sa inyo].”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَوُضِعَ ٱلْكِتَٰبُ فَتَرَى ٱلْمُجْرِمِينَ مُشْفِقِينَ مِمَّا فِيهِ وَيَقُولُونَ يَٰوَيْلَتَنَا مَالِ هَٰذَا ٱلْكِتَٰبِ لَا يُغَادِرُ صَغِيرَةً وَلَا كَبِيرَةً إِلَّآ أَحْصَىٰهَا وَوَجَدُوا۟ مَا عَمِلُوا۟ حَاضِرًا وَلَا يَظْلِمُ رَبُّكَ أَحَدًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterIlalagay ang talaan saka makikita mo ang mga salarin habang mga nababagabag dahil sa nasaad dito at magsasabi sila: “O kapighatian sa amin; ano ang mayroon sa talaang ito na hindi lumilisan sa isang maliit ni isang malaki malibang inisa-isa nito iyon.” Matatagpuan nila ang anumang ginawa nila na nakadalo. Hindi lumalabag sa katarungan ang Panginoon mo sa isa man.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَإِذْ قُلْنَا لِلْمَلَٰٓئِكَةِ ٱسْجُدُوا۟ لِـَٔادَمَ فَسَجَدُوٓا۟ إِلَّآ إِبْلِيسَ كَانَ مِنَ ٱلْجِنِّ فَفَسَقَ عَنْ أَمْرِ رَبِّهِۦٓ أَفَتَتَّخِذُونَهُۥ وَذُرِّيَّتَهُۥٓ أَوْلِيَآءَ مِن دُونِى وَهُمْ لَكُمْ عَدُوٌّۢ بِئْسَ لِلظَّٰلِمِينَ بَدَلًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Banggitin] noong nagsabi Kami sa mga anghel: “Magpatirapa kayo kay Adan [bilang pagpipitagan],” kaya nagpatirapa naman sila maliban si Satanas; siya noon ay kabilang sa mga jinn [hindi mga anghel] ngunit nagpakasuwail siya sa utos ng Panginoon niya. Kaya ba gagawa kayo sa kanya at sa mga supling niya bilang mga katangkilik bukod pa sa Akin, samantalang sila para sa inyo ay kaaway? Kay saklap ito para sa mga tagalabag sa katarungan bilang pamalit!

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

مَّآ أَشْهَدتُّهُمْ خَلْقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ وَلَا خَلْقَ أَنفُسِهِمْ وَمَا كُنتُ مُتَّخِذَ ٱلْمُضِلِّينَ عَضُدًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi Ko sila pinasaksi sa paglikha sa mga langit at lupa ni sa paglikha sa mga sarili nila. Hindi nangyaring Ako ay gagawa sa mga tagapagligaw bilang mga tagakatig.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَيَوْمَ يَقُولُ نَادُوا۟ شُرَكَآءِىَ ٱلَّذِينَ زَعَمْتُمْ فَدَعَوْهُمْ فَلَمْ يَسْتَجِيبُوا۟ لَهُمْ وَجَعَلْنَا بَيْنَهُم مَّوْبِقًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Banggitin] ang araw na magsasabi Siya: “Manawagan kayo sa mga katambal sa Akin na inangkin ninyo,” kaya tatawag sila sa mga iyon ngunit hindi tutugon ang mga iyon sa kanila at maglalagay Kami sa pagitan nila ng isang [lambak ng] kapahamakan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَرَءَا ٱلْمُجْرِمُونَ ٱلنَّارَ فَظَنُّوٓا۟ أَنَّهُم مُّوَاقِعُوهَا وَلَمْ يَجِدُوا۟ عَنْهَا مَصْرِفًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMakikita ng mga salarin ng Apoy saka makatitiyak sila na sila ay babagsak doon at hindi sila makatatagpo palayo roon ng isang malilihisan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَقَدْ صَرَّفْنَا فِى هَٰذَا ٱلْقُرْءَانِ لِلنَّاسِ مِن كُلِّ مَثَلٍ وَكَانَ ٱلْإِنسَٰنُ أَكْثَرَ شَىْءٍ جَدَلًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTalaga ngang nagsarisari Kami sa Qur’ān na ito para sa mga tao ng bawat [uri ng] paghahalintulad. Laging ang tao ay pinakamadalas na bagay sa pakikipagtalo.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَمَا مَنَعَ ٱلنَّاسَ أَن يُؤْمِنُوٓا۟ إِذْ جَآءَهُمُ ٱلْهُدَىٰ وَيَسْتَغْفِرُوا۟ رَبَّهُمْ إِلَّآ أَن تَأْتِيَهُمْ سُنَّةُ ٱلْأَوَّلِينَ أَوْ يَأْتِيَهُمُ ٱلْعَذَابُ قُبُلًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterWalang pumigil sa mga tao na sumampalataya sila noong dumating sa kanila ang patnubay at humingi sila ng tawad sa Panginoon nila kundi [ang paghiling] na pumunta sa kanila ang kalakaran ng mga sinauna o pumunta sa kanila ang pagdurusa nang harapan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَمَا نُرْسِلُ ٱلْمُرْسَلِينَ إِلَّا مُبَشِّرِينَ وَمُنذِرِينَ وَيُجَٰدِلُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ بِٱلْبَٰطِلِ لِيُدْحِضُوا۟ بِهِ ٱلْحَقَّ وَٱتَّخَذُوٓا۟ ءَايَٰتِى وَمَآ أُنذِرُوا۟ هُزُوًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi Kami nagsusugo ng mga isinugo kundi bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at bilang mga tagapagbabala. Nakikipagtalo ang mga tumangging sumampalataya [kay Allāh at sa mga sugo] sa pamamagitan ng kabulaanan upang magpamali sa pamamagitan nito sa katotohanan. Gumawa sila sa mga tanda Ko at sa ibinabala sa kanila bilang pangungutya.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّن ذُكِّرَ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِۦ فَأَعْرَضَ عَنْهَا وَنَسِىَ مَا قَدَّمَتْ يَدَاهُ إِنَّا جَعَلْنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ أَكِنَّةً أَن يَفْقَهُوهُ وَفِىٓ ءَاذَانِهِمْ وَقْرًا وَإِن تَدْعُهُمْ إِلَى ٱلْهُدَىٰ فَلَن يَهْتَدُوٓا۟ إِذًا أَبَدًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang napaalalahanan ng mga tanda ng Panginoon niya ngunit umayaw siya rito at lumimot siya ipinauna ng mga kamay niya. Tunay na Kami ay naglagay sa mga puso nila ng mga panakip sa pag-unawa nila nito at sa mga tainga nila ng pagkabingi. Kung mag-aanyaya ka sa kanila tungo sa patnubay ay hindi sila mapapatnubayan, samakatuwid, magpakailanman.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَرَبُّكَ ٱلْغَفُورُ ذُو ٱلرَّحْمَةِ لَوْ يُؤَاخِذُهُم بِمَا كَسَبُوا۟ لَعَجَّلَ لَهُمُ ٱلْعَذَابَ بَل لَّهُم مَّوْعِدٌ لَّن يَجِدُوا۟ مِن دُونِهِۦ مَوْئِلًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng Panginoon mo ay ang Mapagpatawad, ang may awa. Kung sakaling magpapanagot Siya sa kanila dahil sa nakamit nila ay talaga sanang nagpamadali Siya para sa kanila ng pagdurusa. Bagkus ukol sa kanila ay isang tipanang hindi sila makatatagpo bukod pa rito ng isang malulusutan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَتِلْكَ ٱلْقُرَىٰٓ أَهْلَكْنَٰهُمْ لَمَّا ظَلَمُوا۟ وَجَعَلْنَا لِمَهْلِكِهِم مَّوْعِدًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng [mga mamamayan ng] mga pamayanang iyon,[5] nagpahamak Kami sa kanila noong lumabag sila sa katarungan [dahil sa kawalang-pananampalataya] at gumawa Kami para sa pagkakapahamakan nila ng isang tipanan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَإِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِفَتَىٰهُ لَآ أَبْرَحُ حَتَّىٰٓ أَبْلُغَ مَجْمَعَ ٱلْبَحْرَيْنِ أَوْ أَمْضِىَ حُقُبًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa alila niya [na si Josue]: “Hindi ako lulubay [sa paglalakbay] hanggang sa umabot ako sa pinagtitipunan ng dalawang dagat o isang magpatuloy ako sa mahabang panahon.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَلَمَّا بَلَغَا مَجْمَعَ بَيْنِهِمَا نَسِيَا حُوتَهُمَا فَٱتَّخَذَ سَبِيلَهُۥ فِى ٱلْبَحْرِ سَرَبًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya noong umabot silang dalawa sa pinagtitipunan sa pagitan ng dalawang [dagat] ay nakalimot silang dalawa sa isda nilang dalawa kaya gumawa ito ng landas nito sa dagat nang pailalim.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَلَمَّا جَاوَزَا قَالَ لِفَتَىٰهُ ءَاتِنَا غَدَآءَنَا لَقَدْ لَقِينَا مِن سَفَرِنَا هَٰذَا نَصَبًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya noong lumampas silang dalawa ay nagsabi si Moises sa alila niya [na si Josue]: “Dalhin mo sa atin ang agahan natin. Talaga ngang dumanas tayo mula sa paglalakbay nating ito ng isang pagkapagal.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قَالَ أَرَءَيْتَ إِذْ أَوَيْنَآ إِلَى ٱلصَّخْرَةِ فَإِنِّى نَسِيتُ ٱلْحُوتَ وَمَآ أَنسَىٰنِيهُ إِلَّا ٱلشَّيْطَٰنُ أَنْ أَذْكُرَهُۥ وَٱتَّخَذَ سَبِيلَهُۥ فِى ٱلْبَحْرِ عَجَبًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi [si Josue]: “Nakita mo ba noong kumanlong tayo sa bato sapagkat tunay na ako ay nakalimot sa isda [doon]? Walang nagpalimot sa akin niyon kundi ang demonyo, na bumanggit sana ako niyon. Gumawa iyon ng landas niyon sa dagat nang kataka-taka.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قَالَ ذَٰلِكَ مَا كُنَّا نَبْغِ فَٱرْتَدَّا عَلَىٰٓ ءَاثَارِهِمَا قَصَصًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi [si Moises]: “Iyon ay ang dati na nating hinahangad.” Kaya bumalik silang dalawa sa mga bakas nilang dalawa sa pagtunton.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَوَجَدَا عَبْدًا مِّنْ عِبَادِنَآ ءَاتَيْنَٰهُ رَحْمَةً مِّنْ عِندِنَا وَعَلَّمْنَٰهُ مِن لَّدُنَّا عِلْمًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya nakatagpo silang dalawa ng isang lingkod [na si Khiḍr] kabilang sa mga lingkod Namin, na nagbigay Kami rito ng awa mula sa ganang Amin at nagturo Kami rito, mula sa nasa Amin, ng kaalaman.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قَالَ لَهُۥ مُوسَىٰ هَلْ أَتَّبِعُكَ عَلَىٰٓ أَن تُعَلِّمَنِ مِمَّا عُلِّمْتَ رُشْدًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi [kay Khiḍr si Moises]: “Susunod kaya ako sa iyo para magturo ka sa akin mula sa itinuro sa iyo bilang gabay?”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قَالَ إِنَّكَ لَن تَسْتَطِيعَ مَعِىَ صَبْرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi [si Khiḍr]: “Tunay na ikaw ay hindi makakakaya sa akin sa pagtitiis.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَكَيْفَ تَصْبِرُ عَلَىٰ مَا لَمْ تُحِطْ بِهِۦ خُبْرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterPapaano kang magtitiis sa hindi ka nakapaligid doon sa kabatiran?”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قَالَ سَتَجِدُنِىٓ إِن شَآءَ ٱللَّهُ صَابِرًا وَلَآ أَعْصِى لَكَ أَمْرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi [si Moises]: “Matatagpuan mo ako, kung niloob ni Allāh, na isang magtitiis at hindi ako susuway sa iyo ng isang utos.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قَالَ فَإِنِ ٱتَّبَعْتَنِى فَلَا تَسْـَٔلْنِى عَن شَىْءٍ حَتَّىٰٓ أُحْدِثَ لَكَ مِنْهُ ذِكْرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi [si Khiḍr]: “Kaya kung susunod ka sa akin ay huwag kang magtanong sa akin tungkol sa isang bagay hanggang sa magpasimula ako para sa iyo mula rito ng isang pagbanggit.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَٱنطَلَقَا حَتَّىٰٓ إِذَا رَكِبَا فِى ٱلسَّفِينَةِ خَرَقَهَا قَالَ أَخَرَقْتَهَا لِتُغْرِقَ أَهْلَهَا لَقَدْ جِئْتَ شَيْـًٔا إِمْرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya humayo silang dalawa; hanggang sa nang nakasakay silang dalawa sa daong ay binutas niyon ito. Nagsabi si Moises: “Binutas mo ba ito upang lumunod ka sa may-ari nito? Talaga ngang gumawa ka ng isang bagay na minamasama.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قَالَ أَلَمْ أَقُلْ إِنَّكَ لَن تَسْتَطِيعَ مَعِىَ صَبْرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi [si Khiḍr]: “Hindi ba nagsabi ako tunay na ikaw ay hindi makakakaya sa pagtitiis sa akin?”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قَالَ لَا تُؤَاخِذْنِى بِمَا نَسِيتُ وَلَا تُرْهِقْنِى مِنْ أَمْرِى عُسْرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi [si Moises]: “Huwag kang magpanagot sa akin sa nakalimutan ko at huwag kang magpabigat sa akin sa nauukol sa akin ng isang pahirap.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَٱنطَلَقَا حَتَّىٰٓ إِذَا لَقِيَا غُلَٰمًا فَقَتَلَهُۥ قَالَ أَقَتَلْتَ نَفْسًا زَكِيَّةًۢ بِغَيْرِ نَفْسٍ لَّقَدْ جِئْتَ شَيْـًٔا نُّكْرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya humayo silang dalawa; hanggang sa nang nakasalubong silang dalawa ng isang batang lalaki ay pinatay niya iyon. Nagsabi [si Moises]: “Pumatay ka ba ng isang kaluluwang busilak nang hindi dahil [sa pagpatay nito] sa isang kaluluwa? Talaga ngang gumawa ka ng isang bagay na pagkasama-sama.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قَالَ أَلَمْ أَقُل لَّكَ إِنَّكَ لَن تَسْتَطِيعَ مَعِىَ صَبْرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi [si Khiḍr]: “Hindi ba nagsabi ako tunay na ikaw ay hindi makakakaya sa akin sa pagtitiis?”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قَالَ إِن سَأَلْتُكَ عَن شَىْءٍۭ بَعْدَهَا فَلَا تُصَٰحِبْنِى قَدْ بَلَغْتَ مِن لَّدُنِّى عُذْرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi [si Moises]: “Kung magtatanong ako sa iyo tungkol sa isang bagay matapos nito ay huwag kang makisama sa akin. Nagtamo ka nga mula sa nasa akin ng isang paumanhin.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَٱنطَلَقَا حَتَّىٰٓ إِذَآ أَتَيَآ أَهْلَ قَرْيَةٍ ٱسْتَطْعَمَآ أَهْلَهَا فَأَبَوْا۟ أَن يُضَيِّفُوهُمَا فَوَجَدَا فِيهَا جِدَارًا يُرِيدُ أَن يَنقَضَّ فَأَقَامَهُۥ قَالَ لَوْ شِئْتَ لَتَّخَذْتَ عَلَيْهِ أَجْرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya humayo silang dalawa; hanggang sa nang nakapunta silang dalawa sa mga naninirahan sa isang pamayanan ay humingi silang dalawa ng makakain sa mga naninirahan doon ngunit tumanggi ang mga iyon na tumanggap sa kanilang dalawa bilang panauhin, saka nakatagpo silang dalawa roon ng isang pader na napipintong gumuho kaya itinayo niya iyon. Nagsabi [si Moises]: “Kung sakaling niloob mo ay talagang nakakuha ka para roon ng isang upa.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قَالَ هَٰذَا فِرَاقُ بَيْنِى وَبَيْنِكَ سَأُنَبِّئُكَ بِتَأْوِيلِ مَا لَمْ تَسْتَطِع عَّلَيْهِ صَبْرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi [si Khiḍr]: “Ito ay ang paghihiwalay sa pagitan natin. Magbabalita ako sa iyo hinggil sa pagpapakahulugan ng hindi ka nakakaya roon ng isang pagtitiis.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَمَّا ٱلسَّفِينَةُ فَكَانَتْ لِمَسَٰكِينَ يَعْمَلُونَ فِى ٱلْبَحْرِ فَأَرَدتُّ أَنْ أَعِيبَهَا وَكَانَ وَرَآءَهُم مَّلِكٌ يَأْخُذُ كُلَّ سَفِينَةٍ غَصْبًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHinggil sa daong, iyon ay pag-aari ng mga dukhang nagtatrabaho sa dagat. Kaya nagnais akong puminsala niyon, sa hulihan nila ay may haring nangunguha ng bawat daong bilang pangingikil.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَأَمَّا ٱلْغُلَٰمُ فَكَانَ أَبَوَاهُ مُؤْمِنَيْنِ فَخَشِينَآ أَن يُرْهِقَهُمَا طُغْيَٰنًا وَكُفْرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHinggil sa batang lalaki, ang mga magulang niya ay mga mananampalataya kaya natakot kami na magpabigat siya sa kanilang dalawa ng isang pagmamalabis at isang kawalang-pananampalataya.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَأَرَدْنَآ أَن يُبْدِلَهُمَا رَبُّهُمَا خَيْرًا مِّنْهُ زَكَوٰةً وَأَقْرَبَ رُحْمًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya nagnais kami na magpalit sa kanilang dalawa ang Panginoon nilang dalawa ng isang higit na mabuti kaysa sa kanya sa kadalisayan at higit na malapit sa pagkaawa [sa mga magulang].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَأَمَّا ٱلْجِدَارُ فَكَانَ لِغُلَٰمَيْنِ يَتِيمَيْنِ فِى ٱلْمَدِينَةِ وَكَانَ تَحْتَهُۥ كَنزٌ لَّهُمَا وَكَانَ أَبُوهُمَا صَٰلِحًا فَأَرَادَ رَبُّكَ أَن يَبْلُغَآ أَشُدَّهُمَا وَيَسْتَخْرِجَا كَنزَهُمَا رَحْمَةً مِّن رَّبِّكَ وَمَا فَعَلْتُهُۥ عَنْ أَمْرِى ذَٰلِكَ تَأْوِيلُ مَا لَمْ تَسْطِع عَّلَيْهِ صَبْرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHinggil sa pader, iyon ay pag-aari ng dalawang batang lalaking ulila sa lungsod. Sa ilalim nito ay may kayaman para sa kanilang dalawa. Ang ama nilang dalawa ay matuwid. Kaya nagnais ang Panginoon mo na umabot silang dalawa sa katindihan nilang dalawa at magpalabas silang dalawa ng kayamanan nilang dalawa bilang awa mula sa Panginoon mo. Hindi ako gumawa niyon dala ng pagkukusa ko. Iyon ay ang pagpapakahulugan ng hindi ka nakakaya roon ng isang pagtitiis.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَيَسْـَٔلُونَكَ عَن ذِى ٱلْقَرْنَيْنِ قُلْ سَأَتْلُوا۟ عَلَيْكُم مِّنْهُ ذِكْرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagtatanong sila sa iyo tungkol kay Dhulqarnayn. Sabihin mo: “Bibigkas ako sa inyo mula sa kanya ng isang pagbanggit.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّا مَكَّنَّا لَهُۥ فِى ٱلْأَرْضِ وَءَاتَيْنَٰهُ مِن كُلِّ شَىْءٍ سَبَبًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na Kami ay nagbigay-kapangyarihan para sa kanya sa lupain at nagbigay sa kanya mula sa bawat ng isang daanan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَأَتْبَعَ سَبَبًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya sumunod siya sa isang daanan;

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

حَتَّىٰٓ إِذَا بَلَغَ مَغْرِبَ ٱلشَّمْسِ وَجَدَهَا تَغْرُبُ فِى عَيْنٍ حَمِئَةٍ وَوَجَدَ عِندَهَا قَوْمًا قُلْنَا يَٰذَا ٱلْقَرْنَيْنِ إِمَّآ أَن تُعَذِّبَ وَإِمَّآ أَن تَتَّخِذَ فِيهِمْ حُسْنًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerhanggang sa nang umabot siya sa lubugan ng araw ay nakatagpo siya rito na [parang] lumulubog sa isang bukal na maburak at nakatagpo siya sa tabi niyon ng mga tao. Nagsabi Kami: O Dhulqarnayn, maaari na magparusa ka at maaari na gumawa ka sa kanila ng isang kagandahan.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قَالَ أَمَّا مَن ظَلَمَ فَسَوْفَ نُعَذِّبُهُۥ ثُمَّ يُرَدُّ إِلَىٰ رَبِّهِۦ فَيُعَذِّبُهُۥ عَذَابًا نُّكْرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi [si Dhulqarnayn]: “Hinggil sa sinumang lumabag sa katarungan, pagdurusahin namin ito. Pagkatapos isasauli ito sa Panginoon nito saka pagdurusahin Niya ito ng isang pagdurusang pagkasama-sama [sa Impiyerno].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَأَمَّا مَنْ ءَامَنَ وَعَمِلَ صَٰلِحًا فَلَهُۥ جَزَآءً ٱلْحُسْنَىٰ وَسَنَقُولُ لَهُۥ مِنْ أَمْرِنَا يُسْرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHinggil sa sinumang sumampalataya at gumawa ng gawang maayos, ukol dito bilang ganti ang Pinakamaganda. Magsasabi kami rito mula sa utos namin nang magaan.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ثُمَّ أَتْبَعَ سَبَبًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterPagkatapos sumunod siya sa isang daanan;

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

حَتَّىٰٓ إِذَا بَلَغَ مَطْلِعَ ٱلشَّمْسِ وَجَدَهَا تَطْلُعُ عَلَىٰ قَوْمٍ لَّمْ نَجْعَل لَّهُم مِّن دُونِهَا سِتْرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerhanggang sa nang umabot siya sa litawan ng araw ay nakatagpo siya rito na [parang] lumilitaw sa mga taong hindi Kami gumawa para sa kanila laban dito ng isang panakip.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

كَذَٰلِكَ وَقَدْ أَحَطْنَا بِمَا لَدَيْهِ خُبْرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterGayon, at pumaligid nga Kami sa anumang taglay niyang kabatiran.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ثُمَّ أَتْبَعَ سَبَبًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterPagkatapos sumunod siya sa isang daanan;

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

حَتَّىٰٓ إِذَا بَلَغَ بَيْنَ ٱلسَّدَّيْنِ وَجَدَ مِن دُونِهِمَا قَوْمًا لَّا يَكَادُونَ يَفْقَهُونَ قَوْلًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerhanggang sa nang umabot siya sa pagitan ng dalawang bundok ay nakatagpo siya sa paanan ng dalawang ito ng mga taong hindi halos nakauunawa ng sinasabi.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قَالُوا۟ يَٰذَا ٱلْقَرْنَيْنِ إِنَّ يَأْجُوجَ وَمَأْجُوجَ مُفْسِدُونَ فِى ٱلْأَرْضِ فَهَلْ نَجْعَلُ لَكَ خَرْجًا عَلَىٰٓ أَن تَجْعَلَ بَيْنَنَا وَبَيْنَهُمْ سَدًّا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi sila: “O Dhulqarnayn, tunay na ang Gog at ang Magog ay mga tagagulo sa lupain. Kaya magtatalaga kaya kami para sa iyo ng isang gugulin para gumawa ka sa pagitan namin at nila ng isang saplad?”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قَالَ مَا مَكَّنِّى فِيهِ رَبِّى خَيْرٌ فَأَعِينُونِى بِقُوَّةٍ أَجْعَلْ بَيْنَكُمْ وَبَيْنَهُمْ رَدْمًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNasabi [si Dhulqarnayn]: “Ang nagbigay-kapangyarihan sa akin doon ang Panginoon ko ay higit na mabuti [kaysa sa salapi ninyo]; ngunit tulungan ninyo ako ng isang lakas, gagawa ako sa pagitan ninyo at nila ng isang saplad.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ءَاتُونِى زُبَرَ ٱلْحَدِيدِ حَتَّىٰٓ إِذَا سَاوَىٰ بَيْنَ ٱلصَّدَفَيْنِ قَالَ ٱنفُخُوا۟ حَتَّىٰٓ إِذَا جَعَلَهُۥ نَارًا قَالَ ءَاتُونِىٓ أُفْرِغْ عَلَيْهِ قِطْرًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMagbigay kayo sa akin ng mga kimpal ng bakal.” Hanggang sa nang nagpantay siya sa pagitan ng dalawang bangin ay nagsabi siya: “Umihip kayo.” Hanggang sa nang nakagawa siya rito na apoy ay nagsabi siya: “Magbigay kayo sa akin, magbubuhos ako rito ng lusaw ng tanso.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَمَا ٱسْطَٰعُوٓا۟ أَن يَظْهَرُوهُ وَمَا ٱسْتَطَٰعُوا۟ لَهُۥ نَقْبًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya hindi sila[6] nakakaya na umakyat roon at hindi sila nakakaya roon ng isang paglagos.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قَالَ هَٰذَا رَحْمَةٌ مِّن رَّبِّى فَإِذَا جَآءَ وَعْدُ رَبِّى جَعَلَهُۥ دَكَّآءَ وَكَانَ وَعْدُ رَبِّى حَقًّا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi [si Dhulqarnayn]: “[Ang sagabal na] ito ay isang awa mula sa Panginoon ko; ngunit kapag dumating ang pangako ng Panginoon ko, gagawin Niya itong durog. Laging ang pangako ng Panginoon ko ay totoo.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَتَرَكْنَا بَعْضَهُمْ يَوْمَئِذٍ يَمُوجُ فِى بَعْضٍ وَنُفِخَ فِى ٱلصُّورِ فَجَمَعْنَٰهُمْ جَمْعًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMag-iiwan Kami sa iba sa kanila sa araw na iyon na dumadaluyong sa iba pa. Iihip sa tambuli saka magtitipon Kami sa kanila sa isang pagkakatipon.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَعَرَضْنَا جَهَنَّمَ يَوْمَئِذٍ لِّلْكَٰفِرِينَ عَرْضًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMaglalahad Kami ng Impiyerno sa araw na iyon para sa mga tagatangging sumampalataya sa isang paglalahad.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ٱلَّذِينَ كَانَتْ أَعْيُنُهُمْ فِى غِطَآءٍ عَن ذِكْرِى وَكَانُوا۟ لَا يَسْتَطِيعُونَ سَمْعًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Sila] ang mga [taong] dati ang mga mata nila ay nasa isang takip palayo sa pag-aalaala sa Akin at sila dati ay hindi nakakakaya ng isang pagdinig.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَفَحَسِبَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓا۟ أَن يَتَّخِذُوا۟ عِبَادِى مِن دُونِىٓ أَوْلِيَآءَ إِنَّآ أَعْتَدْنَا جَهَنَّمَ لِلْكَٰفِرِينَ نُزُلًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya nag-akala ba ang mga tumangging sumampalataya [kay Allāh] na makagawa sila sa mga alipin Ko bukod pa sa Akin bilang mga katangkilik? Tunay na Kami ay naglaan sa Impiyerno para sa mga tagatangging sumampalataya bilang tuluyan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قُلْ هَلْ نُنَبِّئُكُم بِٱلْأَخْسَرِينَ أَعْمَٰلًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSabihin mo: “Magbabalita kaya kami sa inyo hinggil sa mga pinakalugi sa mga gawain,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ٱلَّذِينَ ضَلَّ سَعْيُهُمْ فِى ٱلْحَيَوٰةِ ٱلدُّنْيَا وَهُمْ يَحْسَبُونَ أَنَّهُمْ يُحْسِنُونَ صُنْعًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerna mga nawala ang pinagsumikapan nila sa buhay na pangmundo habang sila ay nag-aakala na sila ay nagpapaganda sa paggawa?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أُو۟لَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِمْ وَلِقَآئِهِۦ فَحَبِطَتْ أَعْمَٰلُهُمْ فَلَا نُقِيمُ لَهُمْ يَوْمَ ٱلْقِيَٰمَةِ وَزْنًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng mga iyon ay ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ng Panginoon nila at pakikipagkita sa Kanya kaya nawalang-kabuluhan ang mga gawain nila saka hindi Kami mag-uukol para sa kanila sa Araw ng Pagbangon ng isang timbang.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ذَٰلِكَ جَزَآؤُهُمْ جَهَنَّمُ بِمَا كَفَرُوا۟ وَٱتَّخَذُوٓا۟ ءَايَٰتِى وَرُسُلِى هُزُوًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterIyon ay ang ganti sa kanila: Impiyerno, dahil tumanggi silang sumampalataya at gumawa sila sa mga tanda Ko at mga sugo Ko bilang pangungutya.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّٰلِحَٰتِ كَانَتْ لَهُمْ جَنَّٰتُ ٱلْفِرْدَوْسِ نُزُلًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay magiging ukol sa kanila ang mga Hardin ng Firdaws bilang tuluyan,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

خَٰلِدِينَ فِيهَا لَا يَبْغُونَ عَنْهَا حِوَلًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerbilang mga mananatili sa mga iyon, na hindi sila maghahangad palayo sa mga iyon ng isang paglipat.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قُل لَّوْ كَانَ ٱلْبَحْرُ مِدَادًا لِّكَلِمَٰتِ رَبِّى لَنَفِدَ ٱلْبَحْرُ قَبْلَ أَن تَنفَدَ كَلِمَٰتُ رَبِّى وَلَوْ جِئْنَا بِمِثْلِهِۦ مَدَدًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSabihin mo: “Kung sakaling ang dagat ay tinta para sa mga salita ng Panginoon ko, talaga sanang naubos ang dagat bago maubos [isulat] ang mga salita ng Panginoon ko, kahit pa naghatid kami ng tulad nito na tinta.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قُلْ إِنَّمَآ أَنَا۠ بَشَرٌ مِّثْلُكُمْ يُوحَىٰٓ إِلَىَّ أَنَّمَآ إِلَٰهُكُمْ إِلَٰهٌ وَٰحِدٌ فَمَن كَانَ يَرْجُوا۟ لِقَآءَ رَبِّهِۦ فَلْيَعْمَلْ عَمَلًا صَٰلِحًا وَلَا يُشْرِكْ بِعِبَادَةِ رَبِّهِۦٓ أَحَدًۢا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSabihin mo: “Ako ay tao lamang tulad ninyo. Ikinakasi sa akin na ang Diyos ninyo ay Diyos na nag-iisa lamang. Kaya ang sinumang naging nag-aasam ng pakikipagkita sa Panginoon niya ay gumawa siya ng gawang maayos at huwag siyang magtambal sa pagsamba sa Panginoon Niya ng isa man.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

Naghahanap ng paksa? Subukan ang paghahanap ayon sa kahulugan — hinahanap ang tanong sa lahat ng 6,236 talata.
Wika — 70