Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerupang magbabala ka sa mga tao na hindi binalaan ang mga ninuno nila, kaya sila ay mga nalilingat.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTalaga ngang nagkatotoo ang sabi [ng pagtatakda] sa higit na marami sa kanila, kaya sila ay hindi sumasampalataya.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na Kami ay naglagay sa mga leeg nila ng mga kulyar saka ang mga ito ay hanggang sa mga baba nila, kaya sila ay mga pinatitingala.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNaglagay Kami sa harapan nila ng isang sagabal at sa likuran nila ng isang sagabal, saka bumalot Kami sa kanila kaya sila ay hindi nakakikita.[2]
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMagkapantay sa kanila na nagbabala ka man sa kanila o hindi ka nagbabala sa kanila: hindi sila sumasampalataya.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMakapagbabala ka lamang sa sinumang sumunod sa paalaala at natakot sa Napakamaawain nang nakalingid [sa pandama nila]. Kaya magbalita ka ng nakagagalak sa kanya hinggil sa isang kapatawaran at isang pabuyang marangal.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na Kami ay nagbibigay-buhay sa mga patay at nagtatala ng anumang ipinauna nila at mga bakas nila [na maganda at masagwa]. Sa bawat bagay ay nag-isa-isa Kami sa isang talaang malinaw.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMaglahad ka para sa kanila ng isang paghahalintulad [na kasaysayan] ng mga naninirahan sa pamayanan [ng Antioquia] noong dumating doon ang mga isinugo,
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centernoong nagsugo Kami sa kanila ng dalawa [sa mga apostol ni Jesus] ngunit nagpasinungaling sila sa kanilang dalawa kaya kinatigan Namin ng ikatlo, saka nagsabi sila: “Tunay na kami sa inyo ay mga isinugo.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi ang mga iyon: “Walang iba kayo kundi mga taong tulad namin. Hindi nagpababa ang Napakamaawain ng anuman. Walang iba kayo kundi nagsisinungaling.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi sila [sa mga tao ng pamayanan]: “Ang Panginoon namin ay nakaaalam na tunay na Kami sa inyo ay talagang mga isinugo.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi ang mga iyon [sa mga apostol]: “Tunay na kami ay nag-ugnay ng kamalasan sa inyo. Talagang kung hindi kayo titigil ay talagang babato nga kami sa inyo at talagang may sasalingin nga sa inyo mula sa amin na isang pagdurusang masakit.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi [ang mga apostol]: “Ang kamalasang inuugnay ninyo ay kasama sa inyo. Kung pinaalalahanan ba kayo, [mag-uugnay kayo ng kamalasan]? Bagkus kayo ay mga taong nagmamalabis.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMay dumating mula sa pinakaliblib ng lungsod na isang lalaking[3] tumatakbo, na nagsabi: “O mga kababayan ko, sumunod kayo sa mga isinugo.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAno ang mayroon sa akin na hindi ako sumasamba sa lumalang sa akin at tungo sa Kanya pababalikin kayo [para gantihan]?
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterGagawa ba ako ng bukod pa sa Kanya bilang mga diyos? Kung magnanais sa akin ang Napakamaawain ng isang pinsala ay hindi makapagsisilbi sa akin ang pamamagitan nila ng anuman at hindi sila makasasagip sa akin.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSasabihin: “Pumasok ka sa paraiso.” Magsasabi siya: “O kung sana ang mga kababayan ko ay nakaaalam
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centersa pagpapatawad sa akin ng Panginoon ko at paggawa Niya sa akin kabilang sa mga pinararangalan.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi Kami nagpababa sa mga kababayan niya matapos na niya ng anumang mga hukbo [ng mga anghel] mula sa langit at hindi nangyaring Kami ay magpapababa.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO isang panghihinayang sa mga lingkod [na tao at jinn]. Walang pumunta sa kanila na anumang sugo malibang sila dati ay nangungutya.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi ba sila nagsaalang-alang na kay rami ng ipinahamak Namin, bago nila, na mga [makasalanang] salinlahi – na ang mga [napahamak na] iyon sa kanila ay hindi babalik?
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterIsang tanda para sa kanila ang lupang patay; nagbigay-buhay Kami rito at nagpalabas Kami mula rito ng mga butil, saka mula rito ay kumakain sila.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerupang kumain sila mula sa bunga nito. Hindi gumawa sa mga ito ang mga kamay nila. Kaya hindi ba sila magpapasalamat?
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaluwalhatian sa lumikha ng mga pares sa kabuuan ng mga ito mula sa mga pinatutubo ng lupa, mula sa mga sarili nila, at mula sa hindi nila nalalaman.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterIsang tanda para sa kanila ang gabi, habang nag-aalis Kami mula rito ng maghapon, kaya biglang sila ay mga napagdidiliman.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng araw ay umiinog para sa isang pagtitigilan para rito. Iyon ay ang pagtatakda ng Makapangyarihan, Maalam.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng buwan ay nagtakda Kami rito ng mga yugto hanggang sa nanumbalik ito gaya ng buwig na magulang.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng araw ay hindi nararapat para rito na umabot sa buwan at ang gabi ay hindi mauuna sa maghapon. Lahat, sa ikutan, ay lumalangoy.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterIsang tanda para sa kanila na Kami ay nagdala sa mga supling nila sa daong na nilulanan [ni Noe].
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKung loloobin Namin ay lulunurin Namin sila saka walang [tutugon sa] pagtili para sa kanila ni sila ay sasagipin,
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKapag sinabi sa kanila: “Mangilag kayo sa anumang nasa harapan ninyo at anumang nasa likuran ninyo, nang sa gayon kayo ay kaaawaan.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterWalang pumupunta sa kanila na isang tanda kabilang sa mga tanda ng Panginoon nila malibang sila noon doon ay mga umaayaw.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKapag sinabi sa kanila: “Gumugol kayo [sa kawanggawa] mula sa itinustos sa inyo ni Allāh,” nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sumampalataya: “Magpapakain ba kami ng sinumang kung sakaling loloobin ni Allāh ay pinakain sana Niya? Walang iba kayo kundi nasa isang pagkaligaw na malinaw.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterWala silang hinihintay kundi nag-iisang hiyaw na dadaklot sa kanila habang sila ay nag-aalitan.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya hindi sila makakakaya ng isang pagtatagubilin, ni tungo sa mag-anak nila ay babalik sila.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterIihip sa tambuli kaya biglang sila mula sa mga puntod patungo sa Panginoon nila ay magmamatulin.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMagsasabi sila: “O kapighatian sa amin! Sino ang bumuhay na muli sa atin mula sa tulugan natin?” [Sasagutin sila:] “Ito ay ang ipinangako ng Pinakamaawain at nagpakatapat ang mga isinugo.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterWalang iba ito kundi nag-iisang hiyaw saka biglang sila ay isang katipunan, na sa harap Namin mga padadaluhin [para sa pagtutuos].
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya sa araw na ito walang lalabagin sa katarungan na isang kaluluwa sa anuman at hindi kayo gagantihan malibang ayon sa dati ninyong ginagawa.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na ang mga maninirahan sa Paraiso, sa Araw na iyon, ay nasa pagkaabala, na mga nagpapasarap.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi ba nag-atas Ako sa inyo, O mga anak ni Adan, na huwag kayong sumamba sa demonyo – tunay na siya para sa inyo ay isang kaaway na malinaw –
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTalaga ngang nagligaw siya, [si Satanas,] mula sa inyo ng kinapal na marami. Kaya hindi ba nangyaring kayo ay nakapag-uunawa?
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSa Araw na iyon, magpipinid Kami sa mga bibig nila at magsasalita sa Amin ang mga kamay nila at sasaksi ang mga paa nila hinggil sa dati nilang kinakamit [na kasalanan].
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKung sakaling niloloob Namin ay talaga sanang pumawi Kami sa mga mata nila saka mag-uunahan sila sa landasin ngunit paano silang makakikita [sa kalagayan ng pagkabulag]?
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKung sakaling niloloob Namin ay talaga sanang nagpabagong-anyo Kami sa kanila [sa paglumpo sa kanila] sa kinaroroonan nila kaya hindi sila makakakaya ng isang paglisan at hindi sila babalik.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng sinumang pinatatanda Namin ay magbabaliktad Kami sa kanya sa pagkakalikha [tungo sa kahinaan matapos ng kalakasan]. Kaya hindi ba sila nakapag-uunawa?
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi Kami nagturo sa kanya ng tula at hindi iyon nararapat para sa kanya. Walang iba ito kundi isang paalaala at isang Qur’ān na malinaw
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerupang magbabala sa sinumang siya ay buhay at [upang] magindapat ang hatol sa mga tagatangging sumampalataya.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi ba sila nakaalam na Kami ay lumikha para sa kanila mula sa ginawa ng mga kamay Namin na mga hayupan kaya sila sa mga ito ay mga tagapagmay-ari?
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagpaamo Kami sa mga ito para sa kanila kaya ilan sa mga ito ay mga sasakyan nila at ilan sa mga ito ay kinakain nila.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterPara sa kanila sa mga ito ay mga pakinabang at mga [gatas na] inumin. Kaya hindi ba sila magpapasalamat?
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi nakakakaya ang mga [diyus-diyusang] ito ng pag-aadya sa kanila[5] samantalang sila para sa mga ito ay mga hukbo na padadaluhin [sa Impiyerno].
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya huwag magpalungkot sa iyo ang sabi nila; tunay na Kami ay nakaaalam sa anumang inililihim nila at anumang inihahayag nila.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi ba nakaalam ang tao na Kami ay lumikha sa kanya mula sa isang patak saka biglang siya ay isang kaalitang malinaw.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNaglahad siya para sa Amin ng isang paghahalintulad at nakalimot siya sa pagkalikha sa kanya. Nagsabi siya: “Sino ang magbibigay-buhay sa mga buto samantalang ang mga ito ay bulok na?”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSabihin mo: “Magbibigay-buhay sa mga ito ang nagpaluwal sa mga ito sa unang pagkakataon; at Siya sa bawat nilikha ay Maalam.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Siya] ang gumawa para sa inyo mula sa mga punong-kahoy na luntian ng isang apoy, saka biglang kayo mula sa mga ito ay nagpapaningas.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi ba ang lumikha ng mga langit at lupa ay nakakakayang lumikha ng tulad nila? Oo, at Siya ay ang Palalikha, ang Maalam.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTanging ang utos Niya, kapag nagnais Siya ng isang bagay, ay na magsabi rito: “Mangyari,” saka mangyayari ito.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya kaluwalhatian sa Kanya na nasa kamay Niya ang pagkahari sa bawat bagay, at tungo sa Kanya pababalikin kayo [para gantihan].