Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng pagbababa ng Aklat nang walang pag-aalinlangan doon ay mula sa Panginoon ng mga nilalang.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO nagsasabi sila na ginawa-gawa niya [ang Qur’̄ā na] ito? Bagkus ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon mo upang magbabala ka sa mga taong walang pumunta sa kanila na anumang mapagbabala bago mo pa, nang sa gayon sila ay mapapatnubayan.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSi Allāh ay ang lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw, pagkatapos lumuklok Siya sa Trono. Walang ukol sa inyo bukod pa sa Kanya na anumang katangkilik ni mapagpamagitan. Kaya hindi ba kayo magsasaalaala?
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNangangasiwa Siya sa usapin [ng nilikha Niya] mula sa langit patungo sa lupa, pagkatapos papanik iyon sa Kanya sa isang araw na ang sukat nito ay isang libong taon mula sa binibilang ninyo.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerna nagpaganda sa bawat bagay na nilikha Niya. Nagsimula Siya ng paglikha ng tao mula sa putik.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterPagkatapos humubog Siya rito at umihip Siya rito mula sa espiritu Niya.[2] Gumawa Siya para sa inyo ng pandinig, mga paningin, at mga puso. Kaunti ang pinasasalamatan ninyo!
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi sila: “Kapag ba nawala kami sa lupa, tunay bang kami ay talagang [bubuhayin] sa isang paglikhang bago?” Bagkus sila, sa pakikipagkita sa Panginoon nila, ay mga tagatangging sumampalataya.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSabihin mo: “Magpapapanaw sa inyo ang anghel ng kamatayan na itinalaga sa inyo, pagkatapos tungo sa Panginoon ninyo pababalikin kayo.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKung sakaling nakikita mo kapag ang mga salarin ay mga nakatungo ang mga ulo nila sa piling ng Panginoon nila, [na nagsasabi]: “Panginoon namin, nakakita kami at nakarinig kami. Kaya magpabalik Ka sa amin [sa Mundo], gagawa kami ng maayos.[3] Tunay na kami ay mga nakatitiyak.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKung sakaling niloob Namin ay talaga sanang nagbigay Kami sa bawat kaluluwa ng patnubay niya, subalit nagindapat ang pag-atas mula sa Akin: “Talagang magpupuno nga Ako sa Impiyerno ng mga jinn at mga tao nang lahat-lahat.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya lumasap kayo [ng pagdurusa] dahil lumimot kayo sa pakikipagkita sa Araw ninyong ito. Tunay na Kami ay lilimot[4] sa inyo. Lumasap kayo ng pagdurusa ng kawalang-hanggan dahil sa dati ninyong ginagawa [na kasamaan].”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSumasampalataya lamang sa mga talata Namin [sa Qur’ān] ang mga kapag pinaalalahanan sa mga ito ay bumabagsak na mga nakapatirapa at nagluluwalhati kalakip ng papuri sa Panginoon nila habang sila ay hindi nagmamalaki.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNaghihiwalayan ang mga tagiliran nila palayo sa mga hinihigaan [sa gabi para magdasal] habang dumadalangin sila sa Panginoon nila dala ng pangamba at paghahangad. Mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya hindi nalalaman ng isang kaluluwa ang ikinubli para sa kanila na ginhawa ng mga mata bilang ganti sa anumang dati nilang ginagawa.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya ba ang sinumang naging isang mananampalataya ay gaya ng sinumang naging isang suwail? Hindi sila nagkakapantay.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHinggil naman sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ay mga hardin ng kanlungan bilang tuluyan dahil sa dati nilang ginagawa.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHinggil naman sa mga nagpakasuwail,[5] ang kanlungan nila ay ang Apoy. Sa tuwing nagnais sila na lumabas mula roon, pinanunumbalik sila roon at sinasabi sa kanila: “Lasapin ninyo ang pagdurusa sa Apoy, na dati kayo ay nagpapasinungaling dito.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTalagang magpapalasap nga Kami sa kanila ng pinakamalapit na pagdurusa [sa Mundo] bukod pa sa pinakamalaking pagdurusa [sa Kabilang-buhay], nang sa gayon sila ay babalik.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang pinaalalahanan sa pamamagitan ng mga tanda ng Panginoon niya, pagkatapos umaayaw sa mga ito? Tunay na Kami sa mga salarin ay maghihiganti.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTalaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Kasulatan kaya huwag kang maging nasa isang pag-aalangan sa pakikipagkita sa kanya.[6] Gumawa Kami rito bilang patnubay para sa mga anak ni Israel.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterGumawa Kami mula sa kanila [na mga anak ni Israel] ng mga pinuno na nagpapatnubay ayon sa kautusan Namin noong nagtiis sila at sila noon sa mga tanda Namin ay nakatitiyak.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na ang Panginoon mo ay magpapasya sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon sa anumang sila dati hinggil doon ay nagkakaiba-iba.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi ba nagpatnubay para sa kanila na kay rami ng ipinahamak Namin bago pa nila na mga [makasalanang] salinlahi habang naglalakad ang mga iyon sa mga tirahan ng mga iyon? Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda; kaya hindi ba sila dumidinig?
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi ba sila nakakita na Kami ay umaakay sa tubig patungo sa lupang tigang saka nagpapalabas Kami sa pamamagitan niyon ng pananim na kumakain mula rito ang mga hayupan nila at ang mga sarili nila? Kaya hindi ba sila tumitingin [doon]?
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSabihin mo: “Sa araw ng pagsakop, hindi magpapakinabang sa mga tumangging sumampalataya ang pagsampalataya nila ni sila ay palulugitan.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya umayaw ka sa kanila at maghintay ka sa kanila [sa sasapit sa kanila]; tunay na sila ay mga naghihintay.[7]