caseriqPaghahanap ayon sa kahulugan sa Qur'an

Surah Luqman لقمان

34 talata · Makkah · pagkakasunod ng pagpapahayag 57

بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ الٓمٓ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAlif. Lām. Mīm. [1]

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

تِلْكَ ءَايَٰتُ ٱلْكِتَٰبِ ٱلْحَكِيمِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng mga ito ay ang mga talata ng Aklat na marunong

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

هُدًى وَرَحْمَةً لِّلْمُحْسِنِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerbilang patnubay at awa para sa mga tagagawa ng maganda,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ٱلَّذِينَ يُقِيمُونَ ٱلصَّلَوٰةَ وَيُؤْتُونَ ٱلزَّكَوٰةَ وَهُم بِٱلْـَٔاخِرَةِ هُمْ يُوقِنُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerna mga nagpapanatili ng pagdarasal at nagbibigay ng zakāh [sa mga karapat-dapat], at sila, sa Kabilang-buhay, sila ay nakatitiyak.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أُو۟لَٰٓئِكَ عَلَىٰ هُدًى مِّن رَّبِّهِمْ وَأُو۟لَٰٓئِكَ هُمُ ٱلْمُفْلِحُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng mga iyon ay nasa patnubay mula sa Panginoon nila at ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يَشْتَرِى لَهْوَ ٱلْحَدِيثِ لِيُضِلَّ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ بِغَيْرِ عِلْمٍ وَيَتَّخِذَهَا هُزُوًا أُو۟لَٰٓئِكَ لَهُمْ عَذَابٌ مُّهِينٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMayroon sa mga tao na bumibili ng paglilibang ng pag-uusap[2] upang magligaw [ng sarili at iba pa] palayo sa landas ni Allāh nang walang kaalaman at gumagawa rito bilang pangungutya. Ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang pagdurusang manghahamak.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَإِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِ ءَايَٰتُنَا وَلَّىٰ مُسْتَكْبِرًا كَأَن لَّمْ يَسْمَعْهَا كَأَنَّ فِىٓ أُذُنَيْهِ وَقْرًا فَبَشِّرْهُ بِعَذَابٍ أَلِيمٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKapag binibigkas sa kanya ang mga talata Namin [sa Qur’ān] ay tumatalikod siya na nagmamalaki na para bang hindi siya nakarinig sa mga ito, na para bang sa mga tainga niya ay may pagkabingi. Kaya magbalita ka sa kanya hinggil sa isang pagdurusang masakit.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَهُمْ جَنَّٰتُ ٱلنَّعِيمِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ang mga hardin ng kaginhawahan

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

خَٰلِدِينَ فِيهَا وَعْدَ ٱللَّهِ حَقًّا وَهُوَ ٱلْعَزِيزُ ٱلْحَكِيمُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerbilang mga mananatili sa mga ito bilang pangako ni Allāh, na totohanan. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ بِغَيْرِ عَمَدٍ تَرَوْنَهَا وَأَلْقَىٰ فِى ٱلْأَرْضِ رَوَٰسِىَ أَن تَمِيدَ بِكُمْ وَبَثَّ فِيهَا مِن كُلِّ دَآبَّةٍ وَأَنزَلْنَا مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءً فَأَنۢبَتْنَا فِيهَا مِن كُلِّ زَوْجٍ كَرِيمٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterLumikha Siya ng mga langit nang walang mga haliging nakikita ninyo. Naglapat Siya sa lupa ng mga matatag na bundok nang hindi gumalaw-galaw ang mga ito sa inyo. Nagkalat Siya rito ng bawat gumagalaw na nilalang. Nagpababa Kami mula sa langit ng tubig at nagpatubo Kami sa lupa ng bawat uring marangal.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

هَٰذَا خَلْقُ ٱللَّهِ فَأَرُونِى مَاذَا خَلَقَ ٱلَّذِينَ مِن دُونِهِۦ بَلِ ٱلظَّٰلِمُونَ فِى ضَلَٰلٍ مُّبِينٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterIto ay ang nilikha ni Allāh kaya magpakita kayo sa akin kung ano ang nalikha ng [mga sinasamba ninyo na] bukod pa sa Kanya. Bagkus ang mga tagalabag sa katarungan [na nagtambal kay Allāh] ay nasa isang pagkaligaw na malinaw.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَقَدْ ءَاتَيْنَا لُقْمَٰنَ ٱلْحِكْمَةَ أَنِ ٱشْكُرْ لِلَّهِ وَمَن يَشْكُرْ فَإِنَّمَا يَشْكُرُ لِنَفْسِهِۦ وَمَن كَفَرَ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَنِىٌّ حَمِيدٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTalaga ngang nagbigay Kami kay Luqmān ng karunungan, na [nagsasabi]: “Magpasalamat ka kay Allāh.” Ang sinumang nagpapasalamat ay nagpapasalamat lamang para sa [pakinabang ng] sarili niya. Ang sinumang tumangging magpasalamat, tunay na si Allāh ay Walang-pangangailangan, Kapuri-puri.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَإِذْ قَالَ لُقْمَٰنُ لِٱبْنِهِۦ وَهُوَ يَعِظُهُۥ يَٰبُنَىَّ لَا تُشْرِكْ بِٱللَّهِ إِنَّ ٱلشِّرْكَ لَظُلْمٌ عَظِيمٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Banggitin] noong nagsabi si Luqmān sa anak niya habang siya ay nangangaral dito: “O anak ko, huwag kang magtambal kay Allāh; tunay na ang pagtatambal [kay Allāh] ay talagang isang kawalang-katarungang [kasalanang] sukdulan.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَوَصَّيْنَا ٱلْإِنسَٰنَ بِوَٰلِدَيْهِ حَمَلَتْهُ أُمُّهُۥ وَهْنًا عَلَىٰ وَهْنٍ وَفِصَٰلُهُۥ فِى عَامَيْنِ أَنِ ٱشْكُرْ لِى وَلِوَٰلِدَيْكَ إِلَىَّ ٱلْمَصِيرُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagtagubilin Kami sa tao hinggil sa mga magulang niya [na maging mabuti] – nagdalang-tao sa kanya ang ina niya sa isang panlalata sa ibabaw isang panlalata at ang pag-awat sa kanya ay sa dalawang taon – na [nagsasabi]: “Magpasalamat ka sa Akin at sa mga magulang mo. Tungo sa Akin ang kahahantungan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَإِن جَٰهَدَاكَ عَلَىٰٓ أَن تُشْرِكَ بِى مَا لَيْسَ لَكَ بِهِۦ عِلْمٌ فَلَا تُطِعْهُمَا وَصَاحِبْهُمَا فِى ٱلدُّنْيَا مَعْرُوفًا وَٱتَّبِعْ سَبِيلَ مَنْ أَنَابَ إِلَىَّ ثُمَّ إِلَىَّ مَرْجِعُكُمْ فَأُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKung nakipagpunyagi silang dalawa sa iyo na magtambal ka sa Akin ng wala kang kaalaman hinggil doon ay huwag kang tumalima sa kanilang dalawa. Makisama ka sa kanilang dalawa sa Mundo ayon sa nakabubuti. Sumunod ka sa landas ng sinumang nagsisising nanumbalik tungo sa Akin. Pagkatapos tungo sa Akin ang babalikan ninyo saka magbabalita Ako sa inyo hinggil sa anumang dati ninyong ginagawa.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

يَٰبُنَىَّ إِنَّهَآ إِن تَكُ مِثْقَالَ حَبَّةٍ مِّنْ خَرْدَلٍ فَتَكُن فِى صَخْرَةٍ أَوْ فِى ٱلسَّمَٰوَٰتِ أَوْ فِى ٱلْأَرْضِ يَأْتِ بِهَا ٱللَّهُ إِنَّ ٱللَّهَ لَطِيفٌ خَبِيرٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Nagsabi si Luqmān]: “O anak ko, tunay na ito, kung naging kasimbigat ng isang buto ng mustasa saka naging nasa isang bato o nasa mga langit o nasa lupa, maglalahad nito si Allāh. Tunay na si Allāh ay Mapagtalos, Mapagbatid.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

يَٰبُنَىَّ أَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَ وَأْمُرْ بِٱلْمَعْرُوفِ وَٱنْهَ عَنِ ٱلْمُنكَرِ وَٱصْبِرْ عَلَىٰ مَآ أَصَابَكَ إِنَّ ذَٰلِكَ مِنْ عَزْمِ ٱلْأُمُورِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO anak ko, magpanatili ka ng pagdarasal, mag-utos ka ng nakabubuti, sumaway ka ng nakasasama, at magtiis ka sa anumang tumatama sa iyo; tunay na iyon ay kabilang sa pinagpapasyahan sa mga usapin.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَا تُصَعِّرْ خَدَّكَ لِلنَّاسِ وَلَا تَمْشِ فِى ٱلْأَرْضِ مَرَحًا إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ كُلَّ مُخْتَالٍ فَخُورٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHuwag kang mag-iwas ng pisngi mo sa mga tao at huwag kang maglakad sa lupa dala ng pagpapakatuwa [sa sarili]. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa bawat hambog na mayabang.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَٱقْصِدْ فِى مَشْيِكَ وَٱغْضُضْ مِن صَوْتِكَ إِنَّ أَنكَرَ ٱلْأَصْوَٰتِ لَصَوْتُ ٱلْحَمِيرِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMagmarahan ka sa paglakad mo at magbaba ka ng tinig mo; tunay ang pinakamasagwa sa mga tinig ay talagang ang tinig ng mga asno.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَلَمْ تَرَوْا۟ أَنَّ ٱللَّهَ سَخَّرَ لَكُم مَّا فِى ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِى ٱلْأَرْضِ وَأَسْبَغَ عَلَيْكُمْ نِعَمَهُۥ ظَٰهِرَةً وَبَاطِنَةً وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يُجَٰدِلُ فِى ٱللَّهِ بِغَيْرِ عِلْمٍ وَلَا هُدًى وَلَا كِتَٰبٍ مُّنِيرٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi ba kayo nakakita na si Allāh ay nagpasilbi para sa inyo ng nasa mga langit at nasa lupa at nagpasagana sa inyo ng mga biyaya Niya nang lantaran at pakubli. Mayroon sa mga tao na nakikipagtalo hinggil kay Allāh nang walang isang kaalaman ni isang patnubay ni isang aklat na nagbibigay-liwanag.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱتَّبِعُوا۟ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ قَالُوا۟ بَلْ نَتَّبِعُ مَا وَجَدْنَا عَلَيْهِ ءَابَآءَنَآ أَوَلَوْ كَانَ ٱلشَّيْطَٰنُ يَدْعُوهُمْ إِلَىٰ عَذَابِ ٱلسَّعِيرِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKapag sinabi sa kanila: “Sumunod kayo sa pinababa ni Allāh,” nagsasabi sila: “Bagkus sumusunod kami sa natagpuan namin sa mga magulang namin.” Kahit pa ba ang demonyo ay nag-aanyaya sa kanila sa pagdurusa sa Liyab?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَمَن يُسْلِمْ وَجْهَهُۥٓ إِلَى ٱللَّهِ وَهُوَ مُحْسِنٌ فَقَدِ ٱسْتَمْسَكَ بِٱلْعُرْوَةِ ٱلْوُثْقَىٰ وَإِلَى ٱللَّهِ عَٰقِبَةُ ٱلْأُمُورِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng sinumang nagpasakop ng mukha niya kay Allāh habang siya ay tagagawa ng maganda ay nangunyapit nga sa hawakang pinakamatibay. Tungo kay Allāh ang kahihinatnan ng mga usapin.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَمَن كَفَرَ فَلَا يَحْزُنكَ كُفْرُهُۥٓ إِلَيْنَا مَرْجِعُهُمْ فَنُنَبِّئُهُم بِمَا عَمِلُوٓا۟ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمٌۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng sinumang tumangging sumampalataya ay huwag magpalungkot sa iyo ang kawalang-pananampalataya niya. Tungo sa Amin ang babalikan nila saka magbabalita Kami sa kanila hinggil sa anumang ginawa nila. Tunay na si Allāh ay Maalam sa laman ng mga dibdib.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

نُمَتِّعُهُمْ قَلِيلًا ثُمَّ نَضْطَرُّهُمْ إِلَىٰ عَذَابٍ غَلِيظٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMagpapatamasa Kami sa kanila[3] nang kaunti, pagkatapos magtataboy Kami sa kanila sa isang pagdurusang mabagsik.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَئِن سَأَلْتَهُم مَّنْ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضَ لَيَقُولُنَّ ٱللَّهُ قُلِ ٱلْحَمْدُ لِلَّهِ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يَعْلَمُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTalagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha ng mga langit at lupa ay talagang magsasabi nga sila na si Allāh. Sabihin mo: “Ang papuri ay ukol kay Allāh.” Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

لِلَّهِ مَا فِى ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلْغَنِىُّ ٱلْحَمِيدُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at lupa. Tunay na si Allāh ay ang Walang-pangangailangan, ang Kapuri-puri.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَوْ أَنَّمَا فِى ٱلْأَرْضِ مِن شَجَرَةٍ أَقْلَٰمٌ وَٱلْبَحْرُ يَمُدُّهُۥ مِنۢ بَعْدِهِۦ سَبْعَةُ أَبْحُرٍ مَّا نَفِدَتْ كَلِمَٰتُ ٱللَّهِ إِنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKung sakaling ang anumang nasa lupa na punong-kahoy ay [ginawang] mga panulat at ang dagat [ay tinta], na may magdaragdag dito matapos na niyon na pitong dagat, hindi mauubos ang mga salita ni Allāh. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

مَّا خَلْقُكُمْ وَلَا بَعْثُكُمْ إِلَّا كَنَفْسٍ وَٰحِدَةٍ إِنَّ ٱللَّهَ سَمِيعٌۢ بَصِيرٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterWalang iba ang pagkalikha sa inyo ni ang pagbuhay sa inyo [mula sa kamatayan] kundi gaya[4] ng nag-iisang kaluluwa. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Nakakikita.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَلَمْ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ يُولِجُ ٱلَّيْلَ فِى ٱلنَّهَارِ وَيُولِجُ ٱلنَّهَارَ فِى ٱلَّيْلِ وَسَخَّرَ ٱلشَّمْسَ وَٱلْقَمَرَ كُلٌّ يَجْرِىٓ إِلَىٰٓ أَجَلٍ مُّسَمًّى وَأَنَّ ٱللَّهَ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi ka ba nakakita na si Allāh ay nagpapalagos ng gabi sa maghapon, nagpapalagos ng maghapon sa gabi, at nagpasilbi ng araw at buwan, na bawat isa ay tumatakbo tungo sa isang taning na tinukoy; at na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلْحَقُّ وَأَنَّ مَا يَدْعُونَ مِن دُونِهِ ٱلْبَٰطِلُ وَأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلْعَلِىُّ ٱلْكَبِيرُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterIyon ay dahil si Allāh ay ang Totoo, at na ang anumang dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ay ang kabulaanan, at na si Allāh ay ang Mataas, ang Malaki.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَلَمْ تَرَ أَنَّ ٱلْفُلْكَ تَجْرِى فِى ٱلْبَحْرِ بِنِعْمَتِ ٱللَّهِ لِيُرِيَكُم مِّنْ ءَايَٰتِهِۦٓ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَٰتٍ لِّكُلِّ صَبَّارٍ شَكُورٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi ka ba nakakita na ang mga daong ay naglalayag sa dagat dahil sa biyaya ni Allāh upang magpakita Siya sa inyo ng mga tanda Niya? Tunay sa gayon ay talagang may mga tanda para sa bawat palatiis na mapagpasalamat.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَإِذَا غَشِيَهُم مَّوْجٌ كَٱلظُّلَلِ دَعَوُا۟ ٱللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَ فَلَمَّا نَجَّىٰهُمْ إِلَى ٱلْبَرِّ فَمِنْهُم مُّقْتَصِدٌ وَمَا يَجْحَدُ بِـَٔايَٰتِنَآ إِلَّا كُلُّ خَتَّارٍ كَفُورٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKapag may bumalot sa kanila na mga alon na gaya ng mga kulandong ay dumadalangin sila kay Allāh habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa pagtalima, ngunit noong nagligtas Siya sa kanila patungo sa katihan ay mayroon sa kanila na katamtaman.[5] Walang nagkakaila sa mga tanda Namin kundi bawat palasira sa pangako na mapagtangging magpasalamat.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ٱتَّقُوا۟ رَبَّكُمْ وَٱخْشَوْا۟ يَوْمًا لَّا يَجْزِى وَالِدٌ عَن وَلَدِهِۦ وَلَا مَوْلُودٌ هُوَ جَازٍ عَن وَالِدِهِۦ شَيْـًٔا إِنَّ وَعْدَ ٱللَّهِ حَقٌّ فَلَا تَغُرَّنَّكُمُ ٱلْحَيَوٰةُ ٱلدُّنْيَا وَلَا يَغُرَّنَّكُم بِٱللَّهِ ٱلْغَرُورُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo at matakot kayo sa isang Araw na walang mananagot na isang magulang para sa anak niya ni isang inanak na mananagot para sa magulang niya sa anuman. Tunay na ang pangako ni Allāh ay totoo kaya huwag ngang lilinlang sa inyo ang buhay na pangmundo at huwag ngang lilinlang sa inyo hinggil kay Allāh ang mapanlinlang.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّ ٱللَّهَ عِندَهُۥ عِلْمُ ٱلسَّاعَةِ وَيُنَزِّلُ ٱلْغَيْثَ وَيَعْلَمُ مَا فِى ٱلْأَرْحَامِ وَمَا تَدْرِى نَفْسٌ مَّاذَا تَكْسِبُ غَدًا وَمَا تَدْرِى نَفْسٌۢ بِأَىِّ أَرْضٍ تَمُوتُ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمٌ خَبِيرٌۢ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na si Allāh ay may taglay ng kaalaman sa Huling Sandali. Nagbababa Siya ng ulan at nakaaalam Siya sa anumang nasa mga sinapupunan. Hindi nababatid ng isang kaluluwa kung ano ang kakamtin niya kinabukasan at hindi nababatid ng isang kaluluwa kung sa aling lupain siya mamamatay. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

Naghahanap ng paksa? Subukan ang paghahanap ayon sa kahulugan — hinahanap ang tanong sa lahat ng 6,236 talata.
Wika — 70