caseriqPaghahanap ayon sa kahulugan sa Qur'an

Surah An-Nahl النحل

128 talata · Makkah · pagkakasunod ng pagpapahayag 70

بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ أَتَىٰٓ أَمْرُ ٱللَّهِ فَلَا تَسْتَعْجِلُوهُ سُبْحَٰنَهُۥ وَتَعَٰلَىٰ عَمَّا يُشْرِكُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterDarating ang pasya ni Allāh kaya huwag kayong magmadali nito. Kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya higit sa anumang itinatambal nila.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

يُنَزِّلُ ٱلْمَلَٰٓئِكَةَ بِٱلرُّوحِ مِنْ أَمْرِهِۦ عَلَىٰ مَن يَشَآءُ مِنْ عِبَادِهِۦٓ أَنْ أَنذِرُوٓا۟ أَنَّهُۥ لَآ إِلَٰهَ إِلَّآ أَنَا۠ فَٱتَّقُونِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagbababa Siya ng mga anghel, kalakip ng espiritu mula sa utos Niya, sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya, [na nagsasabi:] “Magbabala kayo na walang Diyos kundi Ako, kaya mangilag kayang magkasala sa Akin.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضَ بِٱلْحَقِّ تَعَٰلَىٰ عَمَّا يُشْرِكُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterLumikha Siya ng mga langit at lupa sa katotohanan. Napakataas Siya higit sa anumang itinatambal nila.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

خَلَقَ ٱلْإِنسَٰنَ مِن نُّطْفَةٍ فَإِذَا هُوَ خَصِيمٌ مُّبِينٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterLumikha Siya ng tao mula sa isang patak ng punlay, saka biglang iyon ay isang kaalitang malinaw.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَٱلْأَنْعَٰمَ خَلَقَهَا لَكُمْ فِيهَا دِفْءٌ وَمَنَٰفِعُ وَمِنْهَا تَأْكُلُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng mga hayupan, nilikha Niya ang mga ito para sa inyo; sa mga ito ay may init at mga pakinabang, at mula sa mga ito ay kumakain kayo.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَكُمْ فِيهَا جَمَالٌ حِينَ تُرِيحُونَ وَحِينَ تَسْرَحُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterUkol sa inyo sa mga ito ay karilagan kapag nagpapahinga kayo at nagpapastol kayo.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَتَحْمِلُ أَثْقَالَكُمْ إِلَىٰ بَلَدٍ لَّمْ تَكُونُوا۟ بَٰلِغِيهِ إِلَّا بِشِقِّ ٱلْأَنفُسِ إِنَّ رَبَّكُمْ لَرَءُوفٌ رَّحِيمٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagdadala ang mga ito ng mga pasanin ninyo tungo sa isang bayang hindi kayo aabot doon malibang may hirap ng mga sarili. Tunay na ang Panginoon ninyo ay talagang Mahabagin, Maawain.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَٱلْخَيْلَ وَٱلْبِغَالَ وَٱلْحَمِيرَ لِتَرْكَبُوهَا وَزِينَةً وَيَخْلُقُ مَا لَا تَعْلَمُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng mga kabayo, ang mga mola, at ang mga asno ay upang sumakay kayo sa mga ito at bilang gayak. Lumilikha Siya ng mga hindi ninyo nalalaman [na sasakyan].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَعَلَى ٱللَّهِ قَصْدُ ٱلسَّبِيلِ وَمِنْهَا جَآئِرٌ وَلَوْ شَآءَ لَهَدَىٰكُمْ أَجْمَعِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNasa kay Allāh ang pagtukoy sa landas, at kabilang sa mga [landas na] ito ay nakatabingi [palayo sa katotohanan]. Kung sakaling niloob Niya, talaga sanang nagpatnubay Siya sa inyo nang magkakasama.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

هُوَ ٱلَّذِىٓ أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءً لَّكُم مِّنْهُ شَرَابٌ وَمِنْهُ شَجَرٌ فِيهِ تُسِيمُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSiya ay ang nagpababa mula sa langit ng tubig, na para sa inyo mula rito ay may inumin at mula rito ay may mga punong-kahoy na sa mga ito nagpapastol kayo.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

يُنۢبِتُ لَكُم بِهِ ٱلزَّرْعَ وَٱلزَّيْتُونَ وَٱلنَّخِيلَ وَٱلْأَعْنَٰبَ وَمِن كُلِّ ٱلثَّمَرَٰتِ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَةً لِّقَوْمٍ يَتَفَكَّرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagpapatubo Siya para sa inyo sa pamamagitan niyon ng mga pananim, mga oliba, mga datiles, mga ubas, at kabilang sa lahat ng mga bunga. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong nag-iisip-isip.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَسَخَّرَ لَكُمُ ٱلَّيْلَ وَٱلنَّهَارَ وَٱلشَّمْسَ وَٱلْقَمَرَ وَٱلنُّجُومُ مُسَخَّرَٰتٌۢ بِأَمْرِهِۦٓ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَٰتٍ لِّقَوْمٍ يَعْقِلُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterPinagsilbi Niya para sa inyo ang gabi at ang maghapon, at ang araw at ang buwan. Ang mga bituin ay mga pinagsisilbi ayon sa utos Niya. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nakapag-uunawa.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَمَا ذَرَأَ لَكُمْ فِى ٱلْأَرْضِ مُخْتَلِفًا أَلْوَٰنُهُۥٓ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَةً لِّقَوْمٍ يَذَّكَّرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Pinagsilbi Niya] ang nilalang Niya para sa inyo sa lupa na nagkakaiba-iba ang mga kulay nito. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong nagsasaalaala.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَهُوَ ٱلَّذِى سَخَّرَ ٱلْبَحْرَ لِتَأْكُلُوا۟ مِنْهُ لَحْمًا طَرِيًّا وَتَسْتَخْرِجُوا۟ مِنْهُ حِلْيَةً تَلْبَسُونَهَا وَتَرَى ٱلْفُلْكَ مَوَاخِرَ فِيهِ وَلِتَبْتَغُوا۟ مِن فَضْلِهِۦ وَلَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSiya ay ang nagpasilbi ng dagat upang kumain kayo mula rito ng malambot na laman at humango kayo mula rito ng hiyas na isinusuot ninyo. Nakikita mo ang mga daong habang mga bumubungkal dito, upang maghangad kayo mula sa kabutihang-loob Niya; at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat [sa Kanya].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَأَلْقَىٰ فِى ٱلْأَرْضِ رَوَٰسِىَ أَن تَمِيدَ بِكُمْ وَأَنْهَٰرًا وَسُبُلًا لَّعَلَّكُمْ تَهْتَدُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNaglapat Siya sa lupa ng mga matatag na bundok nang hindi gumalaw-galaw ang mga ito sa inyo, mga ilog, mga landas nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَعَلَٰمَٰتٍ وَبِٱلنَّجْمِ هُمْ يَهْتَدُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerat mga palatandaan. Sa pamamagitan ng bituin, sila ay napapatnubayan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَفَمَن يَخْلُقُ كَمَن لَّا يَخْلُقُ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya ba ang sinumang lumilikha ay gaya ng sinumang hindi lumilikha? Kaya ba hindi kayo nagsasaalaala?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَإِن تَعُدُّوا۟ نِعْمَةَ ٱللَّهِ لَا تُحْصُوهَآ إِنَّ ٱللَّهَ لَغَفُورٌ رَّحِيمٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKung magbibilang kayo ng biyaya ni Allāh ay hindi kayo makapag-iisa-isa nito. Tunay na si Allāh ay talagang Mapagpatawad, Maawain.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَٱللَّهُ يَعْلَمُ مَا تُسِرُّونَ وَمَا تُعْلِنُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSi Allāh ay nakaaalam sa anumang inililihim ninyo at anumang inihahayag ninyo.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَٱلَّذِينَ يَدْعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ لَا يَخْلُقُونَ شَيْـًٔا وَهُمْ يُخْلَقُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng mga dinadalanginan nila bukod pa kay Allāh ay hindi lumilikha ng anuman samantalang ang mga ito ay nililikha.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَمْوَٰتٌ غَيْرُ أَحْيَآءٍ وَمَا يَشْعُرُونَ أَيَّانَ يُبْعَثُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMga patay hindi mga buhay at hindi nakararamdam ang mga ito kung kailan bubuhayin ang mga ito.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِلَٰهُكُمْ إِلَٰهٌ وَٰحِدٌ فَٱلَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِٱلْـَٔاخِرَةِ قُلُوبُهُم مُّنكِرَةٌ وَهُم مُّسْتَكْبِرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng Diyos ninyo ay Diyos na nag-iisa. Ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay, ang mga puso nila ay mga nagkakaila [sa kaisahan ni Allāh] habang sila ay mga nagmamalaki [sa pagtanggai sa katotohanan].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

لَا جَرَمَ أَنَّ ٱللَّهَ يَعْلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعْلِنُونَ إِنَّهُۥ لَا يُحِبُّ ٱلْمُسْتَكْبِرِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterWalang pasubali na si Allāh ay nakaaalam sa anumang inililihim nila at anumang inihahayag nila. Tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga nagmamalaki.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَإِذَا قِيلَ لَهُم مَّاذَآ أَنزَلَ رَبُّكُمْ قَالُوٓا۟ أَسَٰطِيرُ ٱلْأَوَّلِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKapag sinabi sa kanila: “Ano ang pinababa ng Panginoon ninyo?” ay magsasabi sila: “Mga alamat ng mga sinauna,”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

لِيَحْمِلُوٓا۟ أَوْزَارَهُمْ كَامِلَةً يَوْمَ ٱلْقِيَٰمَةِ وَمِنْ أَوْزَارِ ٱلَّذِينَ يُضِلُّونَهُم بِغَيْرِ عِلْمٍ أَلَا سَآءَ مَا يَزِرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerupang magbuhat sila ng mga pasanin nila nang buo sa Araw ng Pagbangon at ng bahagi ng mga pasanin ng mga pinaliligaw nila nang walang kaalaman.[1] Pansinin, kay sagwa ang pinapasan nila!

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قَدْ مَكَرَ ٱلَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ فَأَتَى ٱللَّهُ بُنْيَٰنَهُم مِّنَ ٱلْقَوَاعِدِ فَخَرَّ عَلَيْهِمُ ٱلسَّقْفُ مِن فَوْقِهِمْ وَأَتَىٰهُمُ ٱلْعَذَابُ مِنْ حَيْثُ لَا يَشْعُرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagpakana nga ang mga bago pa nila kaya pumunta si Allāh sa gusali nila mula sa mga pundasyon kaya bumagsak sa kanila ang bubong mula sa ibabaw nila at pumunta sa kanila ang pagdurusa mula sa kung saan hindi nila nararamdaman.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ثُمَّ يَوْمَ ٱلْقِيَٰمَةِ يُخْزِيهِمْ وَيَقُولُ أَيْنَ شُرَكَآءِىَ ٱلَّذِينَ كُنتُمْ تُشَٰٓقُّونَ فِيهِمْ قَالَ ٱلَّذِينَ أُوتُوا۟ ٱلْعِلْمَ إِنَّ ٱلْخِزْىَ ٱلْيَوْمَ وَٱلسُّوٓءَ عَلَى ٱلْكَٰفِرِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterPagkatapos sa Araw ng Pagbangon ay magpapahiya Siya sa kanila at magsasabi Siya: “Nasaan na ang mga katambal [na itinambal ninyo] sa Akin na kayo dati ay nakikipaghidwaan dahil sa kanila?” Magsasabi ang mga binigyan ng kaalaman: “Tunay na ang kahihiyan sa Araw na ito at ang kasagwaan ay ukol sa mga tagatangging sumampalataya,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ٱلَّذِينَ تَتَوَفَّىٰهُمُ ٱلْمَلَٰٓئِكَةُ ظَالِمِىٓ أَنفُسِهِمْ فَأَلْقَوُا۟ ٱلسَّلَمَ مَا كُنَّا نَعْمَلُ مِن سُوٓءٍۭ بَلَىٰٓ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمٌۢ بِمَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerna mga nagpapapanaw sa kanila ang mga anghel habang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila.” Kaya mag-uukol sila ng pagsuko, [na nagsasabi]: “Hindi kami dati gumagawa ng anumang kasagwaan.” [Sasabihin sa kanila:] Bagkus tunay na si Allāh ay Maalam sa anumang dati ninyong ginagawa.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَٱدْخُلُوٓا۟ أَبْوَٰبَ جَهَنَّمَ خَٰلِدِينَ فِيهَا فَلَبِئْسَ مَثْوَى ٱلْمُتَكَبِّرِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya magsipasok kayo sa mga pinto ng Impiyerno bilang mga mananatili roon. Saka talagang kay saklap ang tuluyan ng mga nagpapakamalaki!

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَقِيلَ لِلَّذِينَ ٱتَّقَوْا۟ مَاذَآ أَنزَلَ رَبُّكُمْ قَالُوا۟ خَيْرًا لِّلَّذِينَ أَحْسَنُوا۟ فِى هَٰذِهِ ٱلدُّنْيَا حَسَنَةٌ وَلَدَارُ ٱلْـَٔاخِرَةِ خَيْرٌ وَلَنِعْمَ دَارُ ٱلْمُتَّقِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSasabihin sa mga nangilag magkasala: “Ano ang pinababa ng Panginoon ninyo?” Magsasabi sila: “Kabutihan.” Ukol sa mga gumawa ng maganda sa Mundong ito ay isang maganda. Talagang ang tahanan sa Kabilang-buhay at higit na mabuti. Talagang kay inam ang tahanan ng mga tagapangilag magkasala:

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

جَنَّٰتُ عَدْنٍ يَدْخُلُونَهَا تَجْرِى مِن تَحْتِهَا ٱلْأَنْهَٰرُ لَهُمْ فِيهَا مَا يَشَآءُونَ كَذَٰلِكَ يَجْزِى ٱللَّهُ ٱلْمُتَّقِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centermga Hardin ng Eden na papasukin nila, na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Ukol sa kanila roon ang anumang loloobin nila. Gayon gaganti si Allāh sa mga tagapangilag magkasala,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ٱلَّذِينَ تَتَوَفَّىٰهُمُ ٱلْمَلَٰٓئِكَةُ طَيِّبِينَ يَقُولُونَ سَلَٰمٌ عَلَيْكُمُ ٱدْخُلُوا۟ ٱلْجَنَّةَ بِمَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerna mga nagpapapanaw sa kanila ang mga anghel habang mga kaaya-aya, na nagsasabi: “Kapayapaan ay sumainyo. Magsipasok kayo sa Paraiso dahil sa dati ninyong ginagawa [na pagsampalataya].”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

هَلْ يَنظُرُونَ إِلَّآ أَن تَأْتِيَهُمُ ٱلْمَلَٰٓئِكَةُ أَوْ يَأْتِىَ أَمْرُ رَبِّكَ كَذَٰلِكَ فَعَلَ ٱلَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ وَمَا ظَلَمَهُمُ ٱللَّهُ وَلَٰكِن كَانُوٓا۟ أَنفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNaghihintay kaya sila maliban pa na pumunta sa kanila ang mga anghel o pumunta sa kanila ang utos ng Panginoon mo? Gayon gumawa ang mga nauna pa sa kanila. Hindi lumabag sa kanila si Allāh sa katarungan subalit sila dati sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَأَصَابَهُمْ سَيِّـَٔاتُ مَا عَمِلُوا۟ وَحَاقَ بِهِم مَّا كَانُوا۟ بِهِۦ يَسْتَهْزِءُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya tumama sa kanila ang mga masagwa ng ginawa nila at pumaligid sa kanila ang dati nilang kinukutya.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَقَالَ ٱلَّذِينَ أَشْرَكُوا۟ لَوْ شَآءَ ٱللَّهُ مَا عَبَدْنَا مِن دُونِهِۦ مِن شَىْءٍ نَّحْنُ وَلَآ ءَابَآؤُنَا وَلَا حَرَّمْنَا مِن دُونِهِۦ مِن شَىْءٍ كَذَٰلِكَ فَعَلَ ٱلَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ فَهَلْ عَلَى ٱلرُّسُلِ إِلَّا ٱلْبَلَٰغُ ٱلْمُبِينُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi ang mga nagtambal: “Kung sakaling niloob ni Allāh ay hindi kami sumamba sa isang anuman bukod pa sa Kanya: [hindi] kami ni ang mga ninuno namin, at hindi kami nagbawal ng isang anuman bukod pa sa ayon sa Kanya.” Gayon gumawa ang mga bago pa nila. Kaya may kailangan pa kaya sa mga sugo kundi ang pagpapaabot na malinaw [ng mensahe]?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَقَدْ بَعَثْنَا فِى كُلِّ أُمَّةٍ رَّسُولًا أَنِ ٱعْبُدُوا۟ ٱللَّهَ وَٱجْتَنِبُوا۟ ٱلطَّٰغُوتَ فَمِنْهُم مَّنْ هَدَى ٱللَّهُ وَمِنْهُم مَّنْ حَقَّتْ عَلَيْهِ ٱلضَّلَٰلَةُ فَسِيرُوا۟ فِى ٱلْأَرْضِ فَٱنظُرُوا۟ كَيْفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلْمُكَذِّبِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTalaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na [nagsasabi]: “Sumamba kayo kay Allāh at umiwas kayo sa nagpapakadiyos.” Kaya mayroon sa kanila na pinatnubayan ni Allāh at mayroon sa kanila na nagindapat sa kanya ang kaligawan. Kaya humayo kayo sa lupain saka tumingin kayo kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagapagpasinungaling.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِن تَحْرِصْ عَلَىٰ هُدَىٰهُمْ فَإِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهْدِى مَن يُضِلُّ وَمَا لَهُم مِّن نَّٰصِرِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKung nagsisigasig ka sa pagpatnubay sa kanila, tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa pinaliligaw Niya at walang ukol sa kanila na anumang mga tagapag-adya.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَأَقْسَمُوا۟ بِٱللَّهِ جَهْدَ أَيْمَٰنِهِمْ لَا يَبْعَثُ ٱللَّهُ مَن يَمُوتُ بَلَىٰ وَعْدًا عَلَيْهِ حَقًّا وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNanumpa sila kay Allāh ng pinakamariin sa panunumpa nila na hindi bubuhay si Allāh sa sinumang mamamatay. Bagkus, [bubuhay Siya] bilang pangako mula sa Kanya na totoo, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

لِيُبَيِّنَ لَهُمُ ٱلَّذِى يَخْتَلِفُونَ فِيهِ وَلِيَعْلَمَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓا۟ أَنَّهُمْ كَانُوا۟ كَٰذِبِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerupang maglinaw Siya sa kanila ng anumang nagkakaiba-iba sila hinggil doon at upang makaalam ang mga tumatangging sumampalataya na sila noon ay mga sinungaling.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّمَا قَوْلُنَا لِشَىْءٍ إِذَآ أَرَدْنَٰهُ أَن نَّقُولَ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng sabi Namin lamang sa isang bagay kapag nagnais Kami nito ay na magsabi Kami rito na mangyari saka mangyayari ito.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَٱلَّذِينَ هَاجَرُوا۟ فِى ٱللَّهِ مِنۢ بَعْدِ مَا ظُلِمُوا۟ لَنُبَوِّئَنَّهُمْ فِى ٱلدُّنْيَا حَسَنَةً وَلَأَجْرُ ٱلْـَٔاخِرَةِ أَكْبَرُ لَوْ كَانُوا۟ يَعْلَمُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng mga lumikas alang-alang kay Allāh matapos na nilabag sila sa katarungan ay talagang magpapatahan nga Kami sa kanila sa Mundo nang maganda. Talagang ang gantimpala sa Kabilang-buhay ay higit na malaki kung sakaling sila dati ay nakaaalam.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ٱلَّذِينَ صَبَرُوا۟ وَعَلَىٰ رَبِّهِمْ يَتَوَكَّلُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Sila] ang mga nagtiis at sa Panginoon nila ay nananalig.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَمَآ أَرْسَلْنَا مِن قَبْلِكَ إِلَّا رِجَالًا نُّوحِىٓ إِلَيْهِمْ فَسْـَٔلُوٓا۟ أَهْلَ ٱلذِّكْرِ إِن كُنتُمْ لَا تَعْلَمُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi Kami nagsugo bago mo pa kundi ng mga lalaking nagkakasi Kami sa kanila. Kaya magtanong kayo sa mga may paalaala kung kayo ay hindi nakaaalam.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

بِٱلْبَيِّنَٰتِ وَٱلزُّبُرِ وَأَنزَلْنَآ إِلَيْكَ ٱلذِّكْرَ لِتُبَيِّنَ لِلنَّاسِ مَا نُزِّلَ إِلَيْهِمْ وَلَعَلَّهُمْ يَتَفَكَّرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Isinugo ang mga sugo] kalakip ng mga malinaw na patunay at mga kasulatan. Nagpababa Kami sa iyo ng paalaala upang maglinaw ka sa mga tao ng pinababa sa kanila at nang sa gayon sila ay mag-iisip-isip.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَفَأَمِنَ ٱلَّذِينَ مَكَرُوا۟ ٱلسَّيِّـَٔاتِ أَن يَخْسِفَ ٱللَّهُ بِهِمُ ٱلْأَرْضَ أَوْ يَأْتِيَهُمُ ٱلْعَذَابُ مِنْ حَيْثُ لَا يَشْعُرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya natiwasay ba ang mga nagpakana ng mga gawang masagwa na baka magpalamon si Allāh sa kanila sa lupa, o pumunta sa kanila ang pagdurusa mula sa kung saan hindi nila nararamdaman,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَوْ يَأْخُذَهُمْ فِى تَقَلُّبِهِمْ فَمَا هُم بِمُعْجِزِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centero dumaklot Siya sa kanila habang nasa paggala-gala nila kaya hindi sila mga makalulusot,

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَوْ يَأْخُذَهُمْ عَلَىٰ تَخَوُّفٍ فَإِنَّ رَبَّكُمْ لَرَءُوفٌ رَّحِيمٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centero dumaklot Siya sa kanila habang nasa isang pangangamba-ngamba? Ngunit tunay na ang Panginoon ninyo ay talagang Mahabagin, Maawain.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَوَلَمْ يَرَوْا۟ إِلَىٰ مَا خَلَقَ ٱللَّهُ مِن شَىْءٍ يَتَفَيَّؤُا۟ ظِلَٰلُهُۥ عَنِ ٱلْيَمِينِ وَٱلشَّمَآئِلِ سُجَّدًا لِّلَّهِ وَهُمْ دَٰخِرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi ba sila nakakita sa mga nilikha ni Allāh na anuman? Humihilig ang mga anino ng mga iyon sa dakong kanan at sa mga dakong kaliwa, na mga nagpapatirapa kay Allāh habang ang mga iyon ay mga nagpapakaaba.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلِلَّهِ يَسْجُدُ مَا فِى ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِى ٱلْأَرْضِ مِن دَآبَّةٍ وَٱلْمَلَٰٓئِكَةُ وَهُمْ لَا يَسْتَكْبِرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKay Allāh nagpapatirapa ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa na gumagalaw na nilalang, at ang mga anghel habang sila ay hindi nagmamalaki.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

يَخَافُونَ رَبَّهُم مِّن فَوْقِهِمْ وَيَفْعَلُونَ مَا يُؤْمَرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNangangamba sila sa Panginoon nila mula sa itaas nila at gumagawa sila ng ipinag-uutos sa kanila.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَقَالَ ٱللَّهُ لَا تَتَّخِذُوٓا۟ إِلَٰهَيْنِ ٱثْنَيْنِ إِنَّمَا هُوَ إِلَٰهٌ وَٰحِدٌ فَإِيَّٰىَ فَٱرْهَبُونِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi si Allāh: “Huwag kayong gumawa ng dalawang diyos; Siya ay Diyos na nag-iisa lamang. Kaya sa Akin ay mangilabot kayo.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَهُۥ مَا فِى ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ وَلَهُ ٱلدِّينُ وَاصِبًا أَفَغَيْرَ ٱللَّهِ تَتَّقُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSa Kanya ang anumang nasa mga langit at lupa at ukol sa Kanya ang pagtalima nang palagian. Kaya ba sa iba pa kay Allāh kayo nangingilag magkasala?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَمَا بِكُم مِّن نِّعْمَةٍ فَمِنَ ٱللَّهِ ثُمَّ إِذَا مَسَّكُمُ ٱلضُّرُّ فَإِلَيْهِ تَجْـَٔرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng anumang nasa inyo na biyaya ay mula kay Allāh. Pagkatapos kapag sumaling sa inyo ang kapinsalaan ay sa Kanya kayo lumuluhog.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ثُمَّ إِذَا كَشَفَ ٱلضُّرَّ عَنكُمْ إِذَا فَرِيقٌ مِّنكُم بِرَبِّهِمْ يُشْرِكُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterPagkatapos kapag pumawi Siya ng pinsala palayo sa inyo, biglang may isang pangkat kabilang sa inyo na sa Panginoon nila ay nagtatambal

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

لِيَكْفُرُوا۟ بِمَآ ءَاتَيْنَٰهُمْ فَتَمَتَّعُوا۟ فَسَوْفَ تَعْلَمُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerupang magkaila sila sa anumang ibinigay Namin sa kanila. Kaya magpakatamasa kayo sapagkat makaaalam kayo.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَيَجْعَلُونَ لِمَا لَا يَعْلَمُونَ نَصِيبًا مِّمَّا رَزَقْنَٰهُمْ تَٱللَّهِ لَتُسْـَٔلُنَّ عَمَّا كُنتُمْ تَفْتَرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagtatalaga sila para sa [mga anito], na hindi nakaaalam, ng isang bahagi mula sa itinustos Namin sa kanila. Sumpa man kay Allāh, talagang tatanungin nga kayo tungkol sa dati ninyong ginagawa-gawa [na kasinungalingan].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَيَجْعَلُونَ لِلَّهِ ٱلْبَنَٰتِ سُبْحَٰنَهُۥ وَلَهُم مَّا يَشْتَهُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagtatalaga sila para kay Allāh ng mga babaing anak – kaluwalhatian sa Kanya – at para sa kanila ng ninanasa nila.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَإِذَا بُشِّرَ أَحَدُهُم بِٱلْأُنثَىٰ ظَلَّ وَجْهُهُۥ مُسْوَدًّا وَهُوَ كَظِيمٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKapag binalitaan ang isa sa kanila[2] hinggil sa [pagkasilang ng anak na] babae, ang mukha niya ay naging nangingitim habang siya ay hapis.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

يَتَوَٰرَىٰ مِنَ ٱلْقَوْمِ مِن سُوٓءِ مَا بُشِّرَ بِهِۦٓ أَيُمْسِكُهُۥ عَلَىٰ هُونٍ أَمْ يَدُسُّهُۥ فِى ٱلتُّرَابِ أَلَا سَآءَ مَا يَحْكُمُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagtatago siya sa mga tao dahil sa kasagwaan daw ng ibinalita sa kanya. Magpapanatili ba siya nito sa pagkahamak o magbabaon siya nito sa alabok? Pansinin, kay sagwa ang ihinahatol nila!

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

لِلَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِٱلْـَٔاخِرَةِ مَثَلُ ٱلسَّوْءِ وَلِلَّهِ ٱلْمَثَلُ ٱلْأَعْلَىٰ وَهُوَ ٱلْعَزِيزُ ٱلْحَكِيمُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterUkol sa mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ang paglalarawan ng kasagwaan at ukol kay Allāh ang paglalarawang pinakamataas. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَوْ يُؤَاخِذُ ٱللَّهُ ٱلنَّاسَ بِظُلْمِهِم مَّا تَرَكَ عَلَيْهَا مِن دَآبَّةٍ وَلَٰكِن يُؤَخِّرُهُمْ إِلَىٰٓ أَجَلٍ مُّسَمًّى فَإِذَا جَآءَ أَجَلُهُمْ لَا يَسْتَـْٔخِرُونَ سَاعَةً وَلَا يَسْتَقْدِمُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKung sakaling magpapanagot si Allāh sa mga tao dahil sa kawalang-katarungan nila ay hindi sana Siya nag-iwan sa ibabaw nito ng anumang gumagalaw na nilalang subalit nag-aantala Siya sa kanila hanggang sa isang taning na tinukoy. Kaya kapag dumating ang taning nila ay hindi sila makapagpapaantala ng isang sandali at hindi sila makapagpapauna.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَيَجْعَلُونَ لِلَّهِ مَا يَكْرَهُونَ وَتَصِفُ أَلْسِنَتُهُمُ ٱلْكَذِبَ أَنَّ لَهُمُ ٱلْحُسْنَىٰ لَا جَرَمَ أَنَّ لَهُمُ ٱلنَّارَ وَأَنَّهُم مُّفْرَطُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagtatalaga sila para kay Allāh ng kinasusuklaman nila [na pagkakaroon ng anak na babae]. Naglalarawan ang mga dila nila ng kasinungalingan na ukol daw sa kanila ang pinakamaganda. Walang pasubali na ukol sa kanila ang Apoy at na sila ay mga pababayaan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

تَٱللَّهِ لَقَدْ أَرْسَلْنَآ إِلَىٰٓ أُمَمٍ مِّن قَبْلِكَ فَزَيَّنَ لَهُمُ ٱلشَّيْطَٰنُ أَعْمَٰلَهُمْ فَهُوَ وَلِيُّهُمُ ٱلْيَوْمَ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSumpa man kay Allāh, talaga ngang nagsugo sa mga kalipunan bago mo pa ngunit ipinang-akit sa kanila ng demonyo ang mga gawa nila kaya siya ay tagatangkilik nila sa araw na ito at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَمَآ أَنزَلْنَا عَلَيْكَ ٱلْكِتَٰبَ إِلَّا لِتُبَيِّنَ لَهُمُ ٱلَّذِى ٱخْتَلَفُوا۟ فِيهِ وَهُدًى وَرَحْمَةً لِّقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi Kami nagpababa sa iyo ng Aklat kundi upang maglinaw ka sa kanila ng nagkaiba-iba sila hinggil doon, at bilang patnubay at bilang awa para sa mga taong sumasampalataya.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَٱللَّهُ أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءً فَأَحْيَا بِهِ ٱلْأَرْضَ بَعْدَ مَوْتِهَآ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَةً لِّقَوْمٍ يَسْمَعُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSi Allāh ay nagpababa mula sa langit ng tubig saka nagbigay-buhay sa pamamagitan niyon sa lupa matapos ng kamatayan nito. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong dumidinig.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَإِنَّ لَكُمْ فِى ٱلْأَنْعَٰمِ لَعِبْرَةً نُّسْقِيكُم مِّمَّا فِى بُطُونِهِۦ مِنۢ بَيْنِ فَرْثٍ وَدَمٍ لَّبَنًا خَالِصًا سَآئِغًا لِّلشَّٰرِبِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na para sa inyo sa mga hayupan ay talagang may maisasaalang-alang. Nagpapainom Kami sa inyo ― mula sa mga tiyan ng mga ito sa pagitan ng dumi at dugo ― ng isang gatas na dalisay na kasiya-siya para sa mga umiinom.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَمِن ثَمَرَٰتِ ٱلنَّخِيلِ وَٱلْأَعْنَٰبِ تَتَّخِذُونَ مِنْهُ سَكَرًا وَرِزْقًا حَسَنًا إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَةً لِّقَوْمٍ يَعْقِلُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMula sa mga bunga ng mga punong-datiles at mga ubas ay gumagawa kayo mula sa mga ito ng isang nakalalasing at isang panustos na maganda. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong nakapag-uunawa.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَأَوْحَىٰ رَبُّكَ إِلَى ٱلنَّحْلِ أَنِ ٱتَّخِذِى مِنَ ٱلْجِبَالِ بُيُوتًا وَمِنَ ٱلشَّجَرِ وَمِمَّا يَعْرِشُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagkasi ang Panginoon mo sa babaing bubuyog, na [nagsasabi]: “Gumawa ka mula sa mga bundok ng mga bahay, mula sa mga punong-kahoy, at mula sa ipinatitindig nila.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ثُمَّ كُلِى مِن كُلِّ ٱلثَّمَرَٰتِ فَٱسْلُكِى سُبُلَ رَبِّكِ ذُلُلًا يَخْرُجُ مِنۢ بُطُونِهَا شَرَابٌ مُّخْتَلِفٌ أَلْوَٰنُهُۥ فِيهِ شِفَآءٌ لِّلنَّاسِ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَةً لِّقَوْمٍ يَتَفَكَّرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterPagkatapos kumain ka mula sa lahat ng mga bunga saka tumahak ka sa mga landas ng Panginoon mo nang sunud-sunuran.” May lumalabas mula sa mga tiyan ng mga iyon na isang inuming nagkakaiba-iba ang mga kulay nito, na may taglay itong lunas para sa mga tao. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong nag-iisip-isip.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَٱللَّهُ خَلَقَكُمْ ثُمَّ يَتَوَفَّىٰكُمْ وَمِنكُم مَّن يُرَدُّ إِلَىٰٓ أَرْذَلِ ٱلْعُمُرِ لِكَىْ لَا يَعْلَمَ بَعْدَ عِلْمٍ شَيْـًٔا إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمٌ قَدِيرٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSi Allāh ay lumikha sa inyo, pagkatapos nagpapapanaw sa inyo. Mayroon sa inyo na pinaaabot sa pinakahamak na gulang upang hindi siya makaalam, matapos ng pagkakaalam, ng anuman. Tunay na si Allāh ay Maalam, May-kakayahan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَٱللَّهُ فَضَّلَ بَعْضَكُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ فِى ٱلرِّزْقِ فَمَا ٱلَّذِينَ فُضِّلُوا۟ بِرَآدِّى رِزْقِهِمْ عَلَىٰ مَا مَلَكَتْ أَيْمَٰنُهُمْ فَهُمْ فِيهِ سَوَآءٌ أَفَبِنِعْمَةِ ٱللَّهِ يَجْحَدُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSi Allāh ay nagtangi ng iba sa inyo higit sa iba sa pagtutustos ngunit ang mga itinangi ay hindi maglilipat ng panustos sa kanila sa mga minay-ari ng mga kanang kamay nila para sila rito ay maging pantay. Kaya ba sa biyaya ni Allāh ay nagkakaila sila?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَٱللَّهُ جَعَلَ لَكُم مِّنْ أَنفُسِكُمْ أَزْوَٰجًا وَجَعَلَ لَكُم مِّنْ أَزْوَٰجِكُم بَنِينَ وَحَفَدَةً وَرَزَقَكُم مِّنَ ٱلطَّيِّبَٰتِ أَفَبِٱلْبَٰطِلِ يُؤْمِنُونَ وَبِنِعْمَتِ ٱللَّهِ هُمْ يَكْفُرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSi Allāh ay gumawa para sa inyo mula sa mga sarili ninyo ng mga asawa, gumawa para sa inyo mula sa mga asawa ninyo ng mga anak at mga apo, at tumustos sa inyo mula sa mga kaaya-ayang bagay. Kaya ba sa kabulaanan sumasampalataya kayo at sa biyaya ni Allāh kayo ay tumatangging kumilala [dahil sa hindi pagbubukod-tangi sa Kanya]?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَيَعْبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا يَمْلِكُ لَهُمْ رِزْقًا مِّنَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ شَيْـًٔا وَلَا يَسْتَطِيعُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSumasamba sila sa bukod pa kay Allāh, na hindi nakapagdudulot para sa kanila ng isang panustos mula sa mga langit at lupa na anuman, at hindi nakakakaya.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَلَا تَضْرِبُوا۟ لِلَّهِ ٱلْأَمْثَالَ إِنَّ ٱللَّهَ يَعْلَمُ وَأَنتُمْ لَا تَعْلَمُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya huwag kayong maglahad para kay Allāh ng mga paghahalintulad. Tunay na si Allāh ay nakaaalam samantalang kayo ay hindi nakaaalam.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلًا عَبْدًا مَّمْلُوكًا لَّا يَقْدِرُ عَلَىٰ شَىْءٍ وَمَن رَّزَقْنَٰهُ مِنَّا رِزْقًا حَسَنًا فَهُوَ يُنفِقُ مِنْهُ سِرًّا وَجَهْرًا هَلْ يَسْتَوُۥنَ ٱلْحَمْدُ لِلَّهِ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يَعْلَمُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNaglahad si Allāh ng isang paghahalintulad na isang aliping pinagmamay-ari na hindi nakakakaya ng anuman at sa isang tinustusan Namin mula sa Amin ng isang panustos na maganda kaya siya ay gumugugol mula roon nang palihim at hayagan. Nagkakapantay kaya sila? Ang papuri ay ukol kay Allāh. Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.[3]

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلًا رَّجُلَيْنِ أَحَدُهُمَآ أَبْكَمُ لَا يَقْدِرُ عَلَىٰ شَىْءٍ وَهُوَ كَلٌّ عَلَىٰ مَوْلَىٰهُ أَيْنَمَا يُوَجِّههُّ لَا يَأْتِ بِخَيْرٍ هَلْ يَسْتَوِى هُوَ وَمَن يَأْمُرُ بِٱلْعَدْلِ وَهُوَ عَلَىٰ صِرَٰطٍ مُّسْتَقِيمٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNaglahad si Allāh ng isang paghahalintulad[4] na dalawang lalaki na ang isa sa kanilang dalawa ay pipi na hindi nakakakaya ng anuman at siya ay isang pabigat sa tagatangkilik niya, na saan man ito magbaling sa kanya ay hindi siya nakagagawa ng isang kabutihan. Nagkakapantay kaya siya mismo at ang sinumang nag-uutos ayon sa katarungan habang at ito ay nasa isang landasing tuwid?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلِلَّهِ غَيْبُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ وَمَآ أَمْرُ ٱلسَّاعَةِ إِلَّا كَلَمْحِ ٱلْبَصَرِ أَوْ هُوَ أَقْرَبُ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍ قَدِيرٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterUkol kay Allāh ang [kaalaman sa] nakalingid sa mga langit at lupa. Walang iba ang lagay ng Huling Sandali kundi gaya ng kisap ng paningin o higit na malapit. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَٱللَّهُ أَخْرَجَكُم مِّنۢ بُطُونِ أُمَّهَٰتِكُمْ لَا تَعْلَمُونَ شَيْـًٔا وَجَعَلَ لَكُمُ ٱلسَّمْعَ وَٱلْأَبْصَٰرَ وَٱلْأَفْـِٔدَةَ لَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSi Allāh ay nagpalabas sa inyo mula sa mga tiyan ng mga ina ninyo nang hindi kayo nakaaalam ng anuman at gumawa para sa inyo ng pandinig, mga paningin, at mga puso nang sa gayon kayo ay magpapasalamat.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أَلَمْ يَرَوْا۟ إِلَى ٱلطَّيْرِ مُسَخَّرَٰتٍ فِى جَوِّ ٱلسَّمَآءِ مَا يُمْسِكُهُنَّ إِلَّا ٱللَّهُ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَٰتٍ لِّقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi ba sila nakakita sa mga ibon habang mga pinagsisilbi sa himpapawid ng langit? Walang humahawak sa mga ito kundi si Allāh. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong sumasampalataya.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَٱللَّهُ جَعَلَ لَكُم مِّنۢ بُيُوتِكُمْ سَكَنًا وَجَعَلَ لَكُم مِّن جُلُودِ ٱلْأَنْعَٰمِ بُيُوتًا تَسْتَخِفُّونَهَا يَوْمَ ظَعْنِكُمْ وَيَوْمَ إِقَامَتِكُمْ وَمِنْ أَصْوَافِهَا وَأَوْبَارِهَا وَأَشْعَارِهَآ أَثَٰثًا وَمَتَٰعًا إِلَىٰ حِينٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSi Allāh ay gumawa para sa inyo mula sa mga bahay ninyo ng isang pagtahan; gumawa para sa inyo mula sa mga balat ng mga hayupan ng mga bahay na magagaanan kayo sa mga ito sa araw ng paglalakbay ninyo at sa araw ng paninirahan ninyo; at [gumawa] mula sa mga lana ng mga ito, mga balahibo ng mga ito, at mga buhok ng mga ito ng kasangkapan at natatamasa hanggang sa isang panahon.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَٱللَّهُ جَعَلَ لَكُم مِّمَّا خَلَقَ ظِلَٰلًا وَجَعَلَ لَكُم مِّنَ ٱلْجِبَالِ أَكْنَٰنًا وَجَعَلَ لَكُمْ سَرَٰبِيلَ تَقِيكُمُ ٱلْحَرَّ وَسَرَٰبِيلَ تَقِيكُم بَأْسَكُمْ كَذَٰلِكَ يُتِمُّ نِعْمَتَهُۥ عَلَيْكُمْ لَعَلَّكُمْ تُسْلِمُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSi Allāh ay gumawa para sa inyo mula sa nilikha Niya ng mga silungan, gumawa para sa inyo mula sa mga bundok ng mga kanlungan, at gumawa para sa inyo ng mga kasuutang nagsasanggalang sa inyo sa init at mga kasuutang nagsasanggalang sa inyo sa karahasan sa inyo. Gayon Siya naglulubos ng biyaya Niya sa inyo nang sa gayon kayo ay magpapasakop.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَإِن تَوَلَّوْا۟ فَإِنَّمَا عَلَيْكَ ٱلْبَلَٰغُ ٱلْمُبِينُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya kung tumalikod sila, tanging kailangan sa iyo ang pagpapaabot na malinaw [ng mensahe].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

يَعْرِفُونَ نِعْمَتَ ٱللَّهِ ثُمَّ يُنكِرُونَهَا وَأَكْثَرُهُمُ ٱلْكَٰفِرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNakakikilala sila sa biyaya ni Allāh,[5] pagkatapos nagkakaila sila nito, at ang higit na marami sa kanila ay tagatangging sumampalataya.[6]

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَيَوْمَ نَبْعَثُ مِن كُلِّ أُمَّةٍ شَهِيدًا ثُمَّ لَا يُؤْذَنُ لِلَّذِينَ كَفَرُوا۟ وَلَا هُمْ يُسْتَعْتَبُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Banggitin] ang araw na bubuhay Kami mula sa bawat kalipunan ng isang saksi. Pagkatapos hindi magpapahintulot para sa mga tumangging sumampalataya ni sila ay hihilinging magpasiya [kay Allāh].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَإِذَا رَءَا ٱلَّذِينَ ظَلَمُوا۟ ٱلْعَذَابَ فَلَا يُخَفَّفُ عَنْهُمْ وَلَا هُمْ يُنظَرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKapag nakita ng mga lumabag sa katarungan ang pagdurusa, hindi ito pagagaanin sa kanila ni sila ay palulugitan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَإِذَا رَءَا ٱلَّذِينَ أَشْرَكُوا۟ شُرَكَآءَهُمْ قَالُوا۟ رَبَّنَا هَٰٓؤُلَآءِ شُرَكَآؤُنَا ٱلَّذِينَ كُنَّا نَدْعُوا۟ مِن دُونِكَ فَأَلْقَوْا۟ إِلَيْهِمُ ٱلْقَوْلَ إِنَّكُمْ لَكَٰذِبُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKapag nakita ng mga nagtambal [kay Allāh] ang mga pantambal nila ay magsasabi sila: “Panginoon namin, ang mga ito ay ang mga pantambal namin [sa Iyo] na kami dati ay dumadalangin sa kanila bukod pa sa Iyo;” ngunit magpupukol ang mga [pantambal na] ito sa kanila ng sasabihin: “Tunay na kayo ay talagang mga sinungaling.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَأَلْقَوْا۟ إِلَى ٱللَّهِ يَوْمَئِذٍ ٱلسَّلَمَ وَضَلَّ عَنْهُم مَّا كَانُوا۟ يَفْتَرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMagpaparating sila kay Allāh sa araw na iyon ng pagpapasakop at maglalaho sa kanila ang dati nilang ginagawa-gawa [na mga diyus-diyusan].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ وَصَدُّوا۟ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ زِدْنَٰهُمْ عَذَابًا فَوْقَ ٱلْعَذَابِ بِمَا كَانُوا۟ يُفْسِدُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng mga tumangging sumampalataya at sumagabal sa landas ni Allāh ay magdaragdag sa kanila ng isang pagdurusa higit sa pagdurusa dahil sila dati ay nanggugulo.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَيَوْمَ نَبْعَثُ فِى كُلِّ أُمَّةٍ شَهِيدًا عَلَيْهِم مِّنْ أَنفُسِهِمْ وَجِئْنَا بِكَ شَهِيدًا عَلَىٰ هَٰٓؤُلَآءِ وَنَزَّلْنَا عَلَيْكَ ٱلْكِتَٰبَ تِبْيَٰنًا لِّكُلِّ شَىْءٍ وَهُدًى وَرَحْمَةً وَبُشْرَىٰ لِلْمُسْلِمِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Banggitin] ang araw na bubuhay Kami sa bawat kalipunan ng isang saksi sa kanila kabilang sa mga sarili nila at naghatid Kami sa iyo bilang saksi sa mga ito. Nagbaba Kami sa iyo ng Aklat[7] bilang pagpapalinaw para sa bawat bagay, bilang patnubay, bilang awa, at bilang balitang nakagagalak para sa mga Muslim.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّ ٱللَّهَ يَأْمُرُ بِٱلْعَدْلِ وَٱلْإِحْسَٰنِ وَإِيتَآئِ ذِى ٱلْقُرْبَىٰ وَيَنْهَىٰ عَنِ ٱلْفَحْشَآءِ وَٱلْمُنكَرِ وَٱلْبَغْىِ يَعِظُكُمْ لَعَلَّكُمْ تَذَكَّرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na si Allāh ay nag-uutos ng katarungan, paggawa ng maganda, at pagbibigay sa may pagkakamag-anak; at sumasaway sa kahalayan, nakasasama, at paglabag. Nangangaral Siya sa inyo nang sa gayon kayo ay magsasaalaala.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَأَوْفُوا۟ بِعَهْدِ ٱللَّهِ إِذَا عَٰهَدتُّمْ وَلَا تَنقُضُوا۟ ٱلْأَيْمَٰنَ بَعْدَ تَوْكِيدِهَا وَقَدْ جَعَلْتُمُ ٱللَّهَ عَلَيْكُمْ كَفِيلًا إِنَّ ٱللَّهَ يَعْلَمُ مَا تَفْعَلُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMagpatupad kayo sa kasunduan kay Allāh kapag nakipagkasunduan kayo at huwag kayong kumalas sa mga sinumpaan ninyo matapos ng pagbibigay-diin sa mga ito. Gumawa nga kayo kay Allāh sa inyo bilang Mapagpanagot. Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa anumang ginagawa ninyo.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَا تَكُونُوا۟ كَٱلَّتِى نَقَضَتْ غَزْلَهَا مِنۢ بَعْدِ قُوَّةٍ أَنكَٰثًا تَتَّخِذُونَ أَيْمَٰنَكُمْ دَخَلًۢا بَيْنَكُمْ أَن تَكُونَ أُمَّةٌ هِىَ أَرْبَىٰ مِنْ أُمَّةٍ إِنَّمَا يَبْلُوكُمُ ٱللَّهُ بِهِۦ وَلَيُبَيِّنَنَّ لَكُمْ يَوْمَ ٱلْقِيَٰمَةِ مَا كُنتُمْ فِيهِ تَخْتَلِفُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHuwag kayong maging gaya ng [babaing] kumalas sa pagsisinulid niya, matapos na ng isang kalakasan [ng pagkasinulid] nito, para maging mga himaymay. Gumagawa kayo sa mga sinumpaan ninyo bilang pandaraya sa pagitan ninyo dahil baka may isang kalipunang ito ay maging higit na malago kaysa sa isang kalipunan. Sumusubok lamang sa inyo si Allāh sa pamamagitan nito at talagang maglilinaw nga Siya para sa inyo sa Araw ng Pagbangon ng anumang dati kayo hinggil doon ay nagkakaiba-iba.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَوْ شَآءَ ٱللَّهُ لَجَعَلَكُمْ أُمَّةً وَٰحِدَةً وَلَٰكِن يُضِلُّ مَن يَشَآءُ وَيَهْدِى مَن يَشَآءُ وَلَتُسْـَٔلُنَّ عَمَّا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang gumawa Siya sa inyo bilang kalipunang nag-iisa, subalit [makatarungang] nagliligaw Siya sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay Siya sa sinumang niloloob Niya [dahil sa kabutihang-loob Niya]. Talagang tatanungin nga kayo tungkol sa anumang dati ninyong ginagawa.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَا تَتَّخِذُوٓا۟ أَيْمَٰنَكُمْ دَخَلًۢا بَيْنَكُمْ فَتَزِلَّ قَدَمٌۢ بَعْدَ ثُبُوتِهَا وَتَذُوقُوا۟ ٱلسُّوٓءَ بِمَا صَدَدتُّمْ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ وَلَكُمْ عَذَابٌ عَظِيمٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHuwag kayong gumawa sa mga sinumpaan ninyo bilang pandaraya sa pagitan ninyo dahil baka may matisod na paa matapos ng katatagan nito at lumasap kayo ng kasagwaan dahil sa sumagabal kayo sa landas ni Allāh. Ukol sa inyo ay isang pagdurusang sukdulan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَا تَشْتَرُوا۟ بِعَهْدِ ٱللَّهِ ثَمَنًا قَلِيلًا إِنَّمَا عِندَ ٱللَّهِ هُوَ خَيْرٌ لَّكُمْ إِن كُنتُمْ تَعْلَمُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHuwag kayong bumili kapalit ng kasunduan kay Allāh ng isang kaunting panumbas. Tunay na ang nasa ganang kay Allāh ay pinakamabuti para sa inyo, kung kayo ay nakaaalam.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

مَا عِندَكُمْ يَنفَدُ وَمَا عِندَ ٱللَّهِ بَاقٍ وَلَنَجْزِيَنَّ ٱلَّذِينَ صَبَرُوٓا۟ أَجْرَهُم بِأَحْسَنِ مَا كَانُوا۟ يَعْمَلُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng anumang nasa ganang inyo ay nauubos samantalang ang anumang nasa ganang kay Allāh ay mananatili. Talagang gaganti nga Kami sa mga nagtiis ng pabuya sa kanila ayon sa higit na maganda sa anumang dati nilang ginagawa [na kabutihan].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

مَنْ عَمِلَ صَٰلِحًا مِّن ذَكَرٍ أَوْ أُنثَىٰ وَهُوَ مُؤْمِنٌ فَلَنُحْيِيَنَّهُۥ حَيَوٰةً طَيِّبَةً وَلَنَجْزِيَنَّهُمْ أَجْرَهُم بِأَحْسَنِ مَا كَانُوا۟ يَعْمَلُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng sinumang gumawa ng isang maayos, na isang lalaki o isang babae, habang siya ay isang mananampalataya ay talagang magpapamuhay nga Kami sa kanya nang isang buhay na kaaya-aya at talagang gaganti nga Kami sa kanila ng pabuya sa kanila ayon sa higit na maganda sa anumang dati nilang ginagawa [na maayos na gawa].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَإِذَا قَرَأْتَ ٱلْقُرْءَانَ فَٱسْتَعِذْ بِٱللَّهِ مِنَ ٱلشَّيْطَٰنِ ٱلرَّجِيمِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya kapag bumigkas ka ng Qur’ān ay humiling ka ng pagkukupkop ni Allāh laban sa demonyong kasumpa-sumpa.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّهُۥ لَيْسَ لَهُۥ سُلْطَٰنٌ عَلَى ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَلَىٰ رَبِّهِمْ يَتَوَكَّلُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na siya ay walang kapamahalaan sa mga sumampalataya at sa Panginoon nila ay nananalig.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّمَا سُلْطَٰنُهُۥ عَلَى ٱلَّذِينَ يَتَوَلَّوْنَهُۥ وَٱلَّذِينَ هُم بِهِۦ مُشْرِكُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTanging ang kapamahalaan niya ay nasa mga tumatangkilik sa kanya at mga dahil sa kanya ay mga tagapagtambal [kay Allāh].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَإِذَا بَدَّلْنَآ ءَايَةً مَّكَانَ ءَايَةٍ وَٱللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا يُنَزِّلُ قَالُوٓا۟ إِنَّمَآ أَنتَ مُفْتَرٍۭ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يَعْلَمُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKapag nagpalit ng isang talata sa halip ng isang talata – at si Allāh ay higit na maalam sa ibinababa Niya – ay nagsasabi sila: “Ikaw ay isang gumagawa-gawa lamang.” Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قُلْ نَزَّلَهُۥ رُوحُ ٱلْقُدُسِ مِن رَّبِّكَ بِٱلْحَقِّ لِيُثَبِّتَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَهُدًى وَبُشْرَىٰ لِلْمُسْلِمِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSabihin mo: “Nagbaba nito ang Espiritu ng Kabanalan[8] mula sa Panginoon mo kalakip ng katotohanan upang magpatatag siya mga sumampalataya at bilang patnubay at bilang balitang nakagagalak para sa mga Muslim.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَقَدْ نَعْلَمُ أَنَّهُمْ يَقُولُونَ إِنَّمَا يُعَلِّمُهُۥ بَشَرٌ لِّسَانُ ٱلَّذِى يُلْحِدُونَ إِلَيْهِ أَعْجَمِىٌّ وَهَٰذَا لِسَانٌ عَرَبِىٌّ مُّبِينٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTalaga ngang nakaaalam Kami na sila ay nagsasabi: “Tinuturuan lamang siya ng isang tao.” Ang dila ng ipinasasaring nila ay banyaga samantalang [ang Qur’ān na] ito ay isang dilang Arabeng malinaw.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّ ٱلَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ لَا يَهْدِيهِمُ ٱللَّهُ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na ang mga hindi sumasampalataya sa mga talata ni Allāh [sa Qur’ān] ay hindi magpapatnubay sa kanila si Allāh at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّمَا يَفْتَرِى ٱلْكَذِبَ ٱلَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَأُو۟لَٰٓئِكَ هُمُ ٱلْكَٰذِبُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterGumagawa-gawa lamang ng kasinungalingan ang mga hindi sumasampalataya sa mga tanda ni Allāh. Ang mga iyon ay ang mga sinungaling.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

مَن كَفَرَ بِٱللَّهِ مِنۢ بَعْدِ إِيمَٰنِهِۦٓ إِلَّا مَنْ أُكْرِهَ وَقَلْبُهُۥ مُطْمَئِنٌّۢ بِٱلْإِيمَٰنِ وَلَٰكِن مَّن شَرَحَ بِٱلْكُفْرِ صَدْرًا فَعَلَيْهِمْ غَضَبٌ مِّنَ ٱللَّهِ وَلَهُمْ عَذَابٌ عَظِيمٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng sinumang tumangging sumampalataya kay Allāh matapos na ng pagsampalataya niya – hindi ang sinumang pinilit habang ang puso niya ay napapanatag sa pananampalataya subalit ang sinumang nagbukas ng dibdib sa kawalang-pananampalataya – laban sa kanila ay isang galit mula kay Allāh at ukol sa kanila ay isang pagdurusang sukdulan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمُ ٱسْتَحَبُّوا۟ ٱلْحَيَوٰةَ ٱلدُّنْيَا عَلَى ٱلْـَٔاخِرَةِ وَأَنَّ ٱللَّهَ لَا يَهْدِى ٱلْقَوْمَ ٱلْكَٰفِرِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterIyon ay dahil sila ay napaibig sa buhay na pangmundo higit sa Kabilang-buhay at na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagatangging sumampalataya.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

أُو۟لَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ طَبَعَ ٱللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ وَسَمْعِهِمْ وَأَبْصَٰرِهِمْ وَأُو۟لَٰٓئِكَ هُمُ ٱلْغَٰفِلُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng mga iyon ang mga nagsara si Allāh sa mga puso nila, pandinig nila, at mga paningin nila. Ang mga iyon ay ang mga nalilingat.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

لَا جَرَمَ أَنَّهُمْ فِى ٱلْـَٔاخِرَةِ هُمُ ٱلْخَٰسِرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterWalang pasubali na sila sa Kabilang-buhay ay ang mga lugi.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ثُمَّ إِنَّ رَبَّكَ لِلَّذِينَ هَاجَرُوا۟ مِنۢ بَعْدِ مَا فُتِنُوا۟ ثُمَّ جَٰهَدُوا۟ وَصَبَرُوٓا۟ إِنَّ رَبَّكَ مِنۢ بَعْدِهَا لَغَفُورٌ رَّحِيمٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterPagkatapos tunay na ang Panginoon mo para sa mga lumikas matapos na niligalig sila pagkatapos nakibaka sila at nagtiis sila, tunay na ang Panginoon mo matapos na niyon ay talagang Mapagpatawad, Maawain.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

يَوْمَ تَأْتِى كُلُّ نَفْسٍ تُجَٰدِلُ عَن نَّفْسِهَا وَتُوَفَّىٰ كُلُّ نَفْسٍ مَّا عَمِلَتْ وَهُمْ لَا يُظْلَمُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Banggitin] ang araw na pupunta ang bawat kaluluwa na makikipagtalo para sa sarili nito, lulubus-lubusin ang bawat kaluluwa sa [kabayaran sa] anumang ginawa nito at sila ay hindi lalabagin sa katarungan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلًا قَرْيَةً كَانَتْ ءَامِنَةً مُّطْمَئِنَّةً يَأْتِيهَا رِزْقُهَا رَغَدًا مِّن كُلِّ مَكَانٍ فَكَفَرَتْ بِأَنْعُمِ ٱللَّهِ فَأَذَٰقَهَا ٱللَّهُ لِبَاسَ ٱلْجُوعِ وَٱلْخَوْفِ بِمَا كَانُوا۟ يَصْنَعُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNaglahad si Allāh ng isang paghahalintulad na isang pamayanan na iyon dati ay matiwasay at napapanatag. Pumupunta roon ang panustos niyon nang masagana mula sa bawat pook ngunit nagkaila iyon sa mga biyaya ni Allāh kaya nagpatikim doon si Allāh ng damit ng pagkagutom at pangamba dahil sa dati nilang niyayari [na kawalang-pananampalataya].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَقَدْ جَآءَهُمْ رَسُولٌ مِّنْهُمْ فَكَذَّبُوهُ فَأَخَذَهُمُ ٱلْعَذَابُ وَهُمْ ظَٰلِمُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTalaga ngang may dumating sa kanila na isang sugong kabilang sa kanila ngunit nagpasinungaling sila sa kanya kaya dumaklot sa kanila ang pagdurusa habang sila ay mga tagalabag sa katarungan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَكُلُوا۟ مِمَّا رَزَقَكُمُ ٱللَّهُ حَلَٰلًا طَيِّبًا وَٱشْكُرُوا۟ نِعْمَتَ ٱللَّهِ إِن كُنتُمْ إِيَّاهُ تَعْبُدُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya kumain kayo mula sa itinustos sa inyo ni Allāh bilang ipinahihintulot na kaaya-aya at magpasalamat kayo sa biyaya ni Allāh, kung kayo ay sa Kanya sumasamba.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّمَا حَرَّمَ عَلَيْكُمُ ٱلْمَيْتَةَ وَٱلدَّمَ وَلَحْمَ ٱلْخِنزِيرِ وَمَآ أُهِلَّ لِغَيْرِ ٱللَّهِ بِهِۦ فَمَنِ ٱضْطُرَّ غَيْرَ بَاغٍ وَلَا عَادٍ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٌ رَّحِيمٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagbawal lamang Siya sa inyo ng namatay,[9] dugo, laman ng baboy, at anumang inialay sa iba pa kay Allāh; ngunit ang sinumang napilitan nang hindi lumalabag ni lumalampas, tunay na ang Panginoon mo ay Mapagpatawad, Maawain.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَا تَقُولُوا۟ لِمَا تَصِفُ أَلْسِنَتُكُمُ ٱلْكَذِبَ هَٰذَا حَلَٰلٌ وَهَٰذَا حَرَامٌ لِّتَفْتَرُوا۟ عَلَى ٱللَّهِ ٱلْكَذِبَ إِنَّ ٱلَّذِينَ يَفْتَرُونَ عَلَى ٱللَّهِ ٱلْكَذِبَ لَا يُفْلِحُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHuwag kayong magsabi ukol sa anumang naglalarawan ang mga dila ninyo ng kasinungalingan: “Ito ay ipinahihintulot at ito ay ipinagbabawal,” upang gumawa-gawa kayo laban kay Allāh ng kasinungalingan. Tunay na ang mga gumagawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan ay hindi magtatagumpay.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

مَتَٰعٌ قَلِيلٌ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Ukol sa kanila ay] isang natatamasang kaunti at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَعَلَى ٱلَّذِينَ هَادُوا۟ حَرَّمْنَا مَا قَصَصْنَا عَلَيْكَ مِن قَبْلُ وَمَا ظَلَمْنَٰهُمْ وَلَٰكِن كَانُوٓا۟ أَنفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSa mga nagpakahudyo ay nagbawal Kami ng isinalaysay Namin sa iyo bago pa niyan. Hindi Kami lumabag sa kanila sa katarungan subalit sila dati sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ثُمَّ إِنَّ رَبَّكَ لِلَّذِينَ عَمِلُوا۟ ٱلسُّوٓءَ بِجَهَٰلَةٍ ثُمَّ تَابُوا۟ مِنۢ بَعْدِ ذَٰلِكَ وَأَصْلَحُوٓا۟ إِنَّ رَبَّكَ مِنۢ بَعْدِهَا لَغَفُورٌ رَّحِيمٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterPagkatapos tunay na ang Panginoon mo para sa mga gumawa ng kasagwaan dahil sa kamangmangan, pagkatapos nagbalik-loob sila matapos na niyon at nagsaayos sila, tunay na ang Panginoon mo matapos na niyon ay talagang Mapagpatawad, Maawain.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّ إِبْرَٰهِيمَ كَانَ أُمَّةً قَانِتًا لِّلَّهِ حَنِيفًا وَلَمْ يَكُ مِنَ ٱلْمُشْرِكِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na si Abraham noon ay isang kalipunan[10] na masunurin kay Allāh bilang makatotoo – at hindi nangyaring siya ay kabilang sa mga tagapagtambal –

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

شَاكِرًا لِّأَنْعُمِهِ ٱجْتَبَىٰهُ وَهَدَىٰهُ إِلَىٰ صِرَٰطٍ مُّسْتَقِيمٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerna tagapagpasalamat [kay Allāh] sa mga biyaya Niya. Humalal Siya rito at nagpatnubay Siya rito tungo sa isang landasing tuwid [ng Islām].

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَءَاتَيْنَٰهُ فِى ٱلدُّنْيَا حَسَنَةً وَإِنَّهُۥ فِى ٱلْـَٔاخِرَةِ لَمِنَ ٱلصَّٰلِحِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagbigay Kami sa kanya sa Mundo ng isang maganda at tunay na siya sa Kabilang-buhay ay talagang kabilang sa mga maayos.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ثُمَّ أَوْحَيْنَآ إِلَيْكَ أَنِ ٱتَّبِعْ مِلَّةَ إِبْرَٰهِيمَ حَنِيفًا وَمَا كَانَ مِنَ ٱلْمُشْرِكِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterPagkatapos nagkasi Kami sa iyo na sumunod ka sa kapaniwalaan ni Abraham bilang makatotoo. Hindi siya noon kabilang sa mga tagapagtambal.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّمَا جُعِلَ ٱلسَّبْتُ عَلَى ٱلَّذِينَ ٱخْتَلَفُوا۟ فِيهِ وَإِنَّ رَبَّكَ لَيَحْكُمُ بَيْنَهُمْ يَوْمَ ٱلْقِيَٰمَةِ فِيمَا كَانُوا۟ فِيهِ يَخْتَلِفُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterItinalaga lamang ang Sabath para sa mga [Hudyo na] nagkaiba-iba hinggil dito.[11] Tunay na ang Panginoon mo ay talagang maghahatol sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon hinggil sa sila dati hinggil doon ay nagkakaiba-iba.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ٱدْعُ إِلَىٰ سَبِيلِ رَبِّكَ بِٱلْحِكْمَةِ وَٱلْمَوْعِظَةِ ٱلْحَسَنَةِ وَجَٰدِلْهُم بِٱلَّتِى هِىَ أَحْسَنُ إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعْلَمُ بِمَن ضَلَّ عَن سَبِيلِهِۦ وَهُوَ أَعْلَمُ بِٱلْمُهْتَدِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMag-anyaya ka tungo sa landas ng Panginoon mo sa pamamagitan ng karunungan at pangaral na maganda,[12] at makipagtalo ka sa kanila ayon sa siyang pinakamaganda. Tunay na ang Panginoon mo ay higit na maalam sa sinumang naligaw palayo sa landas Niya. Siya ay higit na maalam sa mga napatnubayan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَإِنْ عَاقَبْتُمْ فَعَاقِبُوا۟ بِمِثْلِ مَا عُوقِبْتُم بِهِۦ وَلَئِن صَبَرْتُمْ لَهُوَ خَيْرٌ لِّلصَّٰبِرِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKung magpaparusa kayo ay magparusa kayo ng tulad ng ipinarusa sa inyo. Talagang kung magtitiis kayo, talagang iyon ay pinakamabuti para sa mga nagtitiis.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَٱصْبِرْ وَمَا صَبْرُكَ إِلَّا بِٱللَّهِ وَلَا تَحْزَنْ عَلَيْهِمْ وَلَا تَكُ فِى ضَيْقٍ مِّمَّا يَمْكُرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMagtiis ka at walang iba ang pagtitiis mo kundi sa pamamagitan ni Allāh. Huwag kang malungkot para sa kanila[13] at huwag kang maging nasa isang paninikip [ng dibdib] mula sa anumang ipinakakana nila.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّ ٱللَّهَ مَعَ ٱلَّذِينَ ٱتَّقَوا۟ وَّٱلَّذِينَ هُم مُّحْسِنُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na si Allāh ay kasama ng mga nangilag magkasala at ng mga gumagawa ng maganda.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

Naghahanap ng paksa? Subukan ang paghahanap ayon sa kahulugan — hinahanap ang tanong sa lahat ng 6,236 talata.
Wika — 70