Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKay rami ng ipinahamak Namin[2] bago pa nila na [makasalanang] salinlahi, saka nanawagan sila at hindi iyon oras ng isang pagtakas.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagtaka sila na may dumating sa kanila na isang tagapagbabala[3] kabilang sa kanila. Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya: “Ito ay isang manggagaway na palasinungaling.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterGumawa ba siya sa mga diyos bilang nag-iisang diyos? Tunay na ito ay talagang isang bagay na kataka-taka.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagdumali ang konseho kabilang sa kanila [na mga tagapagtambal sa pagsasabi]: “Magpatuloy kayo at magtiis kayo sa mga diyos ninyo. Walang iba ito kundi talagang isang bagay na ninanais.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi tayo nakarinig ng [pag-aangking] ganito sa kapaniwalaang huli. Walang iba ito kundi isang paglilikha-likha [ng tao].
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterPinababa ba sa kanya ang [Qur’ān na] paalaala sa gitna natin?” Bagkus sila ay nasa isang pagdududa hinggil sa paalaala Ko. Bagkus hindi pa sila lumasap ng pagdurusang dulot Ko.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO taglay ba nila ang mga imbakan ng awa ng Panginoon mo, ang Makapangyarihan, ang Palakaloob?
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO sa kanila ba ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito? Kaya pumaitaas sila sa mga kaparaanan [papunta sa langit].
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Ang mga tagapagpasinungaling ay] hukbo na doon tatalunin, kabilang sa mga lapian [ng mga tagatangging sumampalataya].
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagpasinungaling [sa mga sugo ni Allāh] bago nila ang mga tao ni Noe, ang [liping] `Ād, si Paraon na may mga tulos,
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerang [liping] Thamūd, ang mga kababayan ni Lot, at ang mga naninirahan sa kasukalan [ng Midyan]. Ang mga iyon ay ang mga lapian.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterWalang iba ang bawat [isa] kundi nagpasinungaling sa mga sugo kaya nagindapat [sa kanila] ang parusa Ko.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi sila[4] [nang patuya]: “Panginoon namin, magpabilis Ka para sa amin ng bahagi namin [sa pagdurusa kahit pa] bago ng Araw ng Pagtutuos.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMagtiis ka sa sinasabi nila at alalahanin mo ang lingkod Naming si David na may mga [malakas na] kamay; tunay na siya ay palabalik [kay Allāh].
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na Kami ay nagpasilbi ng mga bundok, na kasama sa kanya nagluluwalhati ang mga ito sa dapit-hapon at pagsikat [ng araw].
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagpatindi Kami ng kaharian niya at nagbigay Kami sa kanya ng karunungan at pagpapasya sa pakikipag-usap.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNoong pumasok sila kay David ay nanghilakbot siya sa kanila. Nagsabi sila: “Huwag kang mangamba; [kami ay] magkaalitan, na lumabag ang iba sa amin sa iba, kaya humatol ka sa pagitan namin ayon sa katotohanan, huwag kang lumampas [doon], at pumatnubay ka sa amin tungo sa kalagitnaan ng landasin.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na ito ay kapatid ko; mayroon siyang siyamnapu’t siyam na tupang babae at mayroon akong nag-iisang tupang babae, saka nagsabi siya: ‘Ipaaruga mo sa akin iyan.’ Nangibabaw ito sa akin sa talumpati.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi siya: “Talaga ngang lumabag siya sa iyo sa katarungan sa paghiling ng pagsasama ng babaing tupa mo sa mga babaing tupa niya. Tunay na marami sa mga kasosyo ay talagang lumalabag ang iba sa kanila sa iba maliban sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos – at kaunti sila.” Nakatiyak si David na sinubok lamang siya kaya humingi siya ng tawad sa Panginoon niya. Sumubsob siya na nakayukod at nanumbalik [kay Allāh].
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya nagpatawad Kami sa kanya niyon, habang tunay na mayroon siya sa ganang Amin na talagang kadikitan at kagandahan ng babalikan.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Sinabi]: “O David, tunay na Kami ay gumawa sa iyo bilang kahalili sa lupain, kaya humatol ka sa pagitan ng mga tao ayon sa katotohanan at huwag kang sumunod sa pithaya para magligaw ito sa iyo palayo sa landas ni Allāh.” Tunay na ang mga naliligaw palayo sa landas ni Allāh, ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi dahil lumimot sila sa Araw ng Pagtutuos.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi Kami lumikha ng langit at lupa at anumang nasa pagitan ng dalawang ito nang walang-kabuluhan. Iyon ay palagay ng mga tumangging sumampalataya. Kaya kapighatian ay ukol sa mga tumangging sumampalataya, mula sa Apoy.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO gagawa Kami sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos gaya ng mga tagagulo sa lupa? O gagawa Kami sa mga tagapangilag magkasala gaya ng mga masamang-loob?
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Ang Qur’ān ay] isang pinagpalang Aklat na pinababa Namin sa iyo upang magmuni-muni sila sa mga talata nito at upang magsaalaala ang mga may isip.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterIpinagkaloob Namin kay David si Solomon. Kay inam na lingkod! Tunay na siya ay palabalik [kay Allāh].
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Banggitin] noong inilahad sa kanya sa dapit-hapon ang mga kabayong nakatayong nakaangat ang isang paa, na matutulin.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya nagsabi siya: “Tunay na ako ay umibig ng pagkaibig sa mabuting [bagay] sa halip ng pag-alaala sa Panginoon ko [sa hapon] hanggang sa natakpan [ang araw] ng lambong.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterIsauli ninyo ang mga ito sa akin.” Kaya nagsimula siya sa pagtaga sa mga lulod at mga leeg [ng mga ito].
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTalaga ngang sumubok Kami kay Solomon at naglagay Kami sa silya niya ng isang katawan, pagkatapos nagsisising bumalik siya.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi siya: “Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin at magkaloob Ka sa akin ng isang paghaharing hindi nararapat para sa isa matapos na [ng pagkakaloob] sa akin; tunay na Ikaw ay ang Palakaloob.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya pinagsilbi Namin para sa kanya ang hangin na dumadaloy ayon sa utos niya nang banayad saanman niya ipatama,
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterBanggitin mo ang lingkod Naming si Job noong nanawagan siya sa Panginoon niya: “Tunay na ako ay sinaling ng demonyo ng isang pagkapagal at isang pagdurusa.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagkaloob Kami sa kanya ng mag-anak niya at tulad nila kasama sa kanila bilang awa mula sa Amin at bilang paalaala para sa mga may isip.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Sinabi]: “Kumuha ka gamit ng kamay mo ng isang bungkos at pumalo ka gamit nito.[5] Huwag kang sumira sa sinumpaan.” Tunay na Kami ay nakatagpo sa kanya na nagtitiis. Kay inam ang lingkod! Tunay na siya ay palabalik [kay Allāh].
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterBanggitin mo ang mga lingkod Naming sina Abraham, Isaac, at Jacob na mga may lakas at mga pagtalos.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na Kami ay nagtangi sa kanila [sa isang layon] dahil sa isang natatanging katangian na pag-alaala sa tahanan [sa Kabilang-buhay].
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterIto ay isang pagbanggit. Tunay na ukol sa mga tagapangilag magkasala ay talagang isang kagandahan ng uuwian:
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHabang mga nakasandal sa loob ng mga iyon, mananawagan sila sa loob ng mga iyon ng prutas na marami at inumin.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSa piling nila ay may mga babaing naglilimita ng sulyap [sa mga asawa nila lamang], na mga magkasinggulang.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterIto nga [ay mangyayari]. Tunay na para sa mga tagapagmalabis ay talagang isang kasamaan ng uuwian:
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Sasabihin]: “Ito ay isang pulutong na susugod kasama sa inyo. Walang mabuting pagtanggap sa kanila. Tunay na sila ay masusunog sa Apoy.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMagsasabi sila: “Bagkus kayo! Walang mabuting pagtanggap sa inyo. Kayo ay nagpauna nito sa amin. Kaya kay saklap ang pamamalagian!”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMagsasabi sila: “Panginoon namin, ang sinumang naghain sa amin nito ay magdagdag Ka sa kanya ng isang ibayong pagdurusa sa Apoy.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMagsasabi sila: “Ano ang mayroon sa atin na hindi tayo nakakikita ng mga lalaking dati nating ibinibilang sila kabilang sa mga masama?
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSabihin mo, [O Propeta Muḥammad]: “Ako ay isang tagapagbabala lamang. Walang anumang Diyos kundi si Allāh, ang Nag-iisa, ang Palalupig [sa lahat],
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerang Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, ang Makapangyarihan, ang Palapatawad.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi nagkaroon para sa akin ng anumang kaalaman hinggil sa konsehong pinakamataas [ng mga anghel] noong nag-aalitan sila.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Banggitin] noong nagsabi ang Panginoon mo sa mga anghel: “Tunay na Ako ay lilikha ng isang mortal mula sa putik.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya noong humubog Ako rito at umihip Ako rito mula sa espiritu [na nilikha] Ko ay magsibagsak kayo sa kanya na mga nakapatirapa.
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centermaliban si Satanas; nagmalaki siya at siya ay naging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya.[7]
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi Siya: “O Satanas, ano ang pumigil sa iyo na magpatirapa ka sa nilikha Ko sa pamamagitan ng dalawang kamay Ko? Nagmalaki ka ba [sa pag-ayaw magpatirapa] o naging kabilang ka sa mga nagpakamataas?”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi [si Satanas]: “Ako ay higit na mabuti kaysa sa kanya; lumikha Ka sa akin mula sa isang apoy at lumikha Ka sa kanya mula sa isang putik.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi [si Satanas]: “Panginoon ko, kaya magpaantala Ka sa akin hanggang sa Araw na bubuhayin sila.”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagsabi [si Satanas]: “Kaya sumpa man sa kapangyarihan Mo, talagang maglilisya nga ako sa kanila nang magkakasama,
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTalagang magpupuno nga Ako ng Impiyerno mula sa iyo [kabilang sa tao at jinn] at mula sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa kanila nang magkakasama!”
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSabihin mo, [O Propeta Muḥammad]: “Hindi ako humihingi sa inyo dahil dito [sa Mensahe] ng anumang pabuya. Ako ay hindi kabilang sa mga nagkukunwari.