caseriqPaghahanap ayon sa kahulugan sa Qur'an

Surah Al-Jumu'a الجمعة

11 talata · Madinah · pagkakasunod ng pagpapahayag 110

بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ يُسَبِّحُ لِلَّهِ مَا فِى ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِى ٱلْأَرْضِ ٱلْمَلِكِ ٱلْقُدُّوسِ ٱلْعَزِيزِ ٱلْحَكِيمِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagluluwalhati kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa, ang Hari, ang Kabanal-banalan, ang Makapangyarihan, ang Marunong.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

هُوَ ٱلَّذِى بَعَثَ فِى ٱلْأُمِّيِّـۧنَ رَسُولًا مِّنْهُمْ يَتْلُوا۟ عَلَيْهِمْ ءَايَٰتِهِۦ وَيُزَكِّيهِمْ وَيُعَلِّمُهُمُ ٱلْكِتَٰبَ وَٱلْحِكْمَةَ وَإِن كَانُوا۟ مِن قَبْلُ لَفِى ضَلَٰلٍ مُّبِينٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSiya ay ang nagpadala sa mga iliterato ng isang sugo [na si Propeta Muḥammad] kabilang sa kanila, na bumibigkas sa kanila ng mga talata Niya, nagbubusilak sa kanila, at nagtuturo sa kanila ng Aklat [na Qur’ān] at Karunungan – at bagamat sila dati bago pa niyan ay talagang nasa isang pagkaligaw na malinaw –

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَءَاخَرِينَ مِنْهُمْ لَمَّا يَلْحَقُوا۟ بِهِمْ وَهُوَ ٱلْعَزِيزُ ٱلْحَكِيمُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Centerat [nagpadala rito] sa mga iba pa[1] kabilang sa kanila na hindi pa sumama sa kanila. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

ذَٰلِكَ فَضْلُ ٱللَّهِ يُؤْتِيهِ مَن يَشَآءُ وَٱللَّهُ ذُو ٱلْفَضْلِ ٱلْعَظِيمِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterIyon ay kabutihang-loob ni Allāh; nagbibigay Siya nito sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay may kabutihang-loob na sukdulan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

مَثَلُ ٱلَّذِينَ حُمِّلُوا۟ ٱلتَّوْرَىٰةَ ثُمَّ لَمْ يَحْمِلُوهَا كَمَثَلِ ٱلْحِمَارِ يَحْمِلُ أَسْفَارًۢا بِئْسَ مَثَلُ ٱلْقَوْمِ ٱلَّذِينَ كَذَّبُوا۟ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَٱللَّهُ لَا يَهْدِى ٱلْقَوْمَ ٱلظَّٰلِمِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng paghahalintulad sa mga pinagpasan ng Torah, pagkatapos hindi pumasan nito, ay gaya ng paghahalintulad sa asno habang pumapasan ng mga makapal na aklat.[2] Kay saklap ang paghahalintulad sa mga taong nagpasinungaling sa mga talata ni Allāh [sa Qur’ān]! Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قُلْ يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ هَادُوٓا۟ إِن زَعَمْتُمْ أَنَّكُمْ أَوْلِيَآءُ لِلَّهِ مِن دُونِ ٱلنَّاسِ فَتَمَنَّوُا۟ ٱلْمَوْتَ إِن كُنتُمْ صَٰدِقِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSabihin mo: “O mga naghudyo, kung umangkin kayo na kayo ay mga katangkilik para kay Allāh bukod sa mga tao ay magmithi kaya ng kamatayan kung kayo ay mga tapat.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَلَا يَتَمَنَّوْنَهُۥٓ أَبَدًۢا بِمَا قَدَّمَتْ أَيْدِيهِمْ وَٱللَّهُ عَلِيمٌۢ بِٱلظَّٰلِمِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi sila magmimithi niyon magpakailanman dahil sa ipinauna ng mga kamay nila. Si Allāh ay Maalam sa mga tagalabag sa katarungan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

قُلْ إِنَّ ٱلْمَوْتَ ٱلَّذِى تَفِرُّونَ مِنْهُ فَإِنَّهُۥ مُلَٰقِيكُمْ ثُمَّ تُرَدُّونَ إِلَىٰ عَٰلِمِ ٱلْغَيْبِ وَٱلشَّهَٰدَةِ فَيُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSabihin mo: “Tunay na ang kamatayan na tumatakas kayo mula roon, tunay na ito ay makikipagkita sa inyo. Pagkatapos ibabalik kayo sa Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan, saka magbabalita Siya sa inyo hinggil sa dati ninyong ginagawa.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓا۟ إِذَا نُودِىَ لِلصَّلَوٰةِ مِن يَوْمِ ٱلْجُمُعَةِ فَٱسْعَوْا۟ إِلَىٰ ذِكْرِ ٱللَّهِ وَذَرُوا۟ ٱلْبَيْعَ ذَٰلِكُمْ خَيْرٌ لَّكُمْ إِن كُنتُمْ تَعْلَمُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO mga sumampalataya, kapag nanawagan para sa pagdarasal sa araw ng Biyernes ay magmadali kayo sa pag-alaala kay Allāh at iwan ninyo ang pagtitinda. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

فَإِذَا قُضِيَتِ ٱلصَّلَوٰةُ فَٱنتَشِرُوا۟ فِى ٱلْأَرْضِ وَٱبْتَغُوا۟ مِن فَضْلِ ٱللَّهِ وَٱذْكُرُوا۟ ٱللَّهَ كَثِيرًا لَّعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya kapag natapos ang pagdarasal ay magsikalat kayo sa lupain, maghangad kayo mula sa kabutihang-loob ni Allāh, at mag-alaala kayo kay Allāh nang madalas nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَإِذَا رَأَوْا۟ تِجَٰرَةً أَوْ لَهْوًا ٱنفَضُّوٓا۟ إِلَيْهَا وَتَرَكُوكَ قَآئِمًا قُلْ مَا عِندَ ٱللَّهِ خَيْرٌ مِّنَ ٱللَّهْوِ وَمِنَ ٱلتِّجَٰرَةِ وَٱللَّهُ خَيْرُ ٱلرَّٰزِقِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNgunit nang [minsang] nakakita sila ng isang pangangalakal o isang paglilibangan ay nagkahiwa-hiwalay sila patungo roon at umiwan sila sa iyo na nakatayo. Sabihin mo: “Ang nasa ganang kay Allāh ay higit na mabuti kaysa sa paglilibangan at [higit na mabuti] kaysa sa pangangalakal. Si Allāh ay ang pinakamabuti sa mga tagatustos.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

Naghahanap ng paksa? Subukan ang paghahanap ayon sa kahulugan — hinahanap ang tanong sa lahat ng 6,236 talata.
Wika — 70