caseriqPaghahanap ayon sa kahulugan sa Qur'an

Surah As-Saff الصف

14 talata · Madinah · pagkakasunod ng pagpapahayag 109

بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ سَبَّحَ لِلَّهِ مَا فِى ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِى ٱلْأَرْضِ وَهُوَ ٱلْعَزِيزُ ٱلْحَكِيمُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagluwalhati kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ لِمَ تَقُولُونَ مَا لَا تَفْعَلُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO mga sumampalataya, bakit kayo nagsasabi ng hindi ninyo ginagawa?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

كَبُرَ مَقْتًا عِندَ ٱللَّهِ أَن تَقُولُوا۟ مَا لَا تَفْعَلُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterLumaki sa pagkamuhi sa ganang kay Allāh na magsabi kayo ng hindi ninyo ginagawa.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلَّذِينَ يُقَٰتِلُونَ فِى سَبِيلِهِۦ صَفًّا كَأَنَّهُم بُنْيَٰنٌ مَّرْصُوصٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na si Allāh ay umiibig sa mga nakikipaglaban sa landas Niya sa isang hanay na para bang sila ay isang gusaling pinasiksik.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَإِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِۦ يَٰقَوْمِ لِمَ تُؤْذُونَنِى وَقَد تَّعْلَمُونَ أَنِّى رَسُولُ ٱللَّهِ إِلَيْكُمْ فَلَمَّا زَاغُوٓا۟ أَزَاغَ ٱللَّهُ قُلُوبَهُمْ وَٱللَّهُ لَا يَهْدِى ٱلْقَوْمَ ٱلْفَٰسِقِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mga kalipi niya: “O mga kalipi ko, bakit kayo nananakit sa akin samantalang nalalaman na ninyo na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo?” Kaya noong lumiko sila ay nagpaliko si Allāh sa mga puso nila. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong suwail.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَإِذْ قَالَ عِيسَى ٱبْنُ مَرْيَمَ يَٰبَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ إِنِّى رَسُولُ ٱللَّهِ إِلَيْكُم مُّصَدِّقًا لِّمَا بَيْنَ يَدَىَّ مِنَ ٱلتَّوْرَىٰةِ وَمُبَشِّرًۢا بِرَسُولٍ يَأْتِى مِنۢ بَعْدِى ٱسْمُهُۥٓ أَحْمَدُ فَلَمَّا جَآءَهُم بِٱلْبَيِّنَٰتِ قَالُوا۟ هَٰذَا سِحْرٌ مُّبِينٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Banggitin] noong nagsabi si Jesus na anak ni Maria: “O mga anak ni Israel, tunay na ako ay sugo ni Allāh sa inyo bilang tagapagpatotoo para sa nauna sa akin na Torah at bilang tagapagbalita ng nakagagalak hinggil sa isang Sugo na darating matapos ko na, na ang pangalan niya ay Aḥmad.[1]” Ngunit noong naghatid siya sa kanila ng mga malinaw na patunay ay nagsabi sila: “Ito ay isang panggagaway na malinaw.”

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ ٱفْتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ ٱلْكَذِبَ وَهُوَ يُدْعَىٰٓ إِلَى ٱلْإِسْلَٰمِ وَٱللَّهُ لَا يَهْدِى ٱلْقَوْمَ ٱلظَّٰلِمِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan samantalang ito ay inaanyayahan sa Islām.[2] Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

يُرِيدُونَ لِيُطْفِـُٔوا۟ نُورَ ٱللَّهِ بِأَفْوَٰهِهِمْ وَٱللَّهُ مُتِمُّ نُورِهِۦ وَلَوْ كَرِهَ ٱلْكَٰفِرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNagnanais sila na umapula sa liwanag ni Allāh sa pamamagitan ng mga bibig nila samantalang si Allāh ay maglulubos sa liwanag Niya, kahit pa man nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

هُوَ ٱلَّذِىٓ أَرْسَلَ رَسُولَهُۥ بِٱلْهُدَىٰ وَدِينِ ٱلْحَقِّ لِيُظْهِرَهُۥ عَلَى ٱلدِّينِ كُلِّهِۦ وَلَوْ كَرِهَ ٱلْمُشْرِكُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSiya ay ang nagsugo sa Sugo Niya [na si Muḥammad] kalakip ng patnubay at relihiyon ng katotohanan upang magpangibabaw Siya nito sa [huwad na] relihiyon sa kabuuan nito, kahit pa man nasuklam ang mga tagapagtambal.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ هَلْ أَدُلُّكُمْ عَلَىٰ تِجَٰرَةٍ تُنجِيكُم مِّنْ عَذَابٍ أَلِيمٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO mga sumampalataya, magtuturo kaya ako sa inyo sa isang pangangalakal na magliligtas sa inyo mula sa isang pagdurusang masakit?

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

تُؤْمِنُونَ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَتُجَٰهِدُونَ فِى سَبِيلِ ٱللَّهِ بِأَمْوَٰلِكُمْ وَأَنفُسِكُمْ ذَٰلِكُمْ خَيْرٌ لَّكُمْ إِن كُنتُمْ تَعْلَمُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSasampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] at makikibaka kayo sa landas ni Allāh sa pamamagitan ng mga yaman ninyo at mga sarili ninyo. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

يَغْفِرْ لَكُمْ ذُنُوبَكُمْ وَيُدْخِلْكُمْ جَنَّٰتٍ تَجْرِى مِن تَحْتِهَا ٱلْأَنْهَٰرُ وَمَسَٰكِنَ طَيِّبَةً فِى جَنَّٰتِ عَدْنٍ ذَٰلِكَ ٱلْفَوْزُ ٱلْعَظِيمُ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Kung gagawin ninyo,] magpapatawad Siya sa inyo ng mga pagkakasala ninyo at magpapapasok Siya sa inyo sa mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog at sa mga tahanang kaaya-aya sa mga Hardin ng Eden. Iyon ang pagkatamong sukdulan.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

وَأُخْرَىٰ تُحِبُّونَهَا نَصْرٌ مِّنَ ٱللَّهِ وَفَتْحٌ قَرِيبٌ وَبَشِّرِ ٱلْمُؤْمِنِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterMay iba pang [biyaya] iibigin ninyo: isang pag-aadya mula kay Allāh at isang pagsakop na malapit. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga mananampalataya.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ كُونُوٓا۟ أَنصَارَ ٱللَّهِ كَمَا قَالَ عِيسَى ٱبْنُ مَرْيَمَ لِلْحَوَارِيِّـۧنَ مَنْ أَنصَارِىٓ إِلَى ٱللَّهِ قَالَ ٱلْحَوَارِيُّونَ نَحْنُ أَنصَارُ ٱللَّهِ فَـَٔامَنَت طَّآئِفَةٌ مِّنۢ بَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ وَكَفَرَت طَّآئِفَةٌ فَأَيَّدْنَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ عَلَىٰ عَدُوِّهِمْ فَأَصْبَحُوا۟ ظَٰهِرِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO mga sumampalataya, maging mga tagapag-adya ni Allāh kayo gaya ng sinabi ni Jesus na anak ni Maria sa mga disipulo niya: “Sino ang mga tagapag-adya ko tungo kay Allāh?” Nagsabi ang mga disipulo: “Kami ay ang mga tagapag-adya tungo kay Allāh.” Kaya may sumampalataya na isang pangkatin mula sa mga anak ni Israel at may tumangging sumampalataya na isang pangkatin. Kaya umalalay Kami sa mga sumampalataya laban sa kaaway nila, kaya sila ay naging mga tagapangibabaw.

Tingnan ang lahat ng salin ng talatang ito →

Naghahanap ng paksa? Subukan ang paghahanap ayon sa kahulugan — hinahanap ang tanong sa lahat ng 6,236 talata.
Wika — 70