caseriqPaghahanap ayon sa kahulugan sa Qur'an

Surah Al-Fath, talata 25

Madinah · pagkakasunod ng pagpapahayag 111 · 48:25

هُمُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ وَصَدُّوكُمْ عَنِ ٱلْمَسْجِدِ ٱلْحَرَامِ وَٱلْهَدْىَ مَعْكُوفًا أَن يَبْلُغَ مَحِلَّهُۥ وَلَوْلَا رِجَالٌ مُّؤْمِنُونَ وَنِسَآءٌ مُّؤْمِنَٰتٌ لَّمْ تَعْلَمُوهُمْ أَن تَطَـُٔوهُمْ فَتُصِيبَكُم مِّنْهُم مَّعَرَّةٌۢ بِغَيْرِ عِلْمٍ لِّيُدْخِلَ ٱللَّهُ فِى رَحْمَتِهِۦ مَن يَشَآءُ لَوْ تَزَيَّلُوا۟ لَعَذَّبْنَا ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ مِنْهُمْ عَذَابًا أَلِيمًا

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSila ay ang mga tumangging sumampalataya at sumagabal sa inyo sa Masjid na Pinakababanal at sa inaalay habang pinigilan na makarating sa pinag-aalayan nito. Kung hindi dahil sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya na hindi kayo nakaalam sa kanila [sa Makkah] – na baka makapaslang kayo sa kanila para may tumama sa inyo dahil sa kanila na isang kapintasan nang wala sa kaalaman [ninyo] – [talaga sanang nagpahintulot Siya sa iyo sa pagsakop sa Makkah] upang magpapapasok si Allāh ng awa Niya sa sinumang niloloob Niya. Kung sakaling nabukod sila [ng mga mananampalataya at mga tagatangging sumampalataya] ay talaga sanang pinagdusa Namin ang mga tumanging sumampalataya kabilang sa kanila ng isang pagdurusang masakit.
Naghahanap ng paksa? Subukan ang paghahanap ayon sa kahulugan — hinahanap ang tanong sa lahat ng 6,236 talata.
Wika — 70