caseriqPaghahanap ayon sa kahulugan sa Qur'an

Surah At-Tawba, talata 74

Madinah · pagkakasunod ng pagpapahayag 113 · 9:74

يَحْلِفُونَ بِٱللَّهِ مَا قَالُوا۟ وَلَقَدْ قَالُوا۟ كَلِمَةَ ٱلْكُفْرِ وَكَفَرُوا۟ بَعْدَ إِسْلَٰمِهِمْ وَهَمُّوا۟ بِمَا لَمْ يَنَالُوا۟ وَمَا نَقَمُوٓا۟ إِلَّآ أَنْ أَغْنَىٰهُمُ ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥ مِن فَضْلِهِۦ فَإِن يَتُوبُوا۟ يَكُ خَيْرًا لَّهُمْ وَإِن يَتَوَلَّوْا۟ يُعَذِّبْهُمُ ٱللَّهُ عَذَابًا أَلِيمًا فِى ٱلدُّنْيَا وَٱلْـَٔاخِرَةِ وَمَا لَهُمْ فِى ٱلْأَرْضِ مِن وَلِىٍّ وَلَا نَصِيرٍ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterNanunumpa sila kay Allāh na hindi sila nagsabi [ng panlalapastangan] samantalang talaga ngang nagsabi sila ng salita ng kawalang-pananampalataya. Tumanggi silang sumampalataya matapos ng pagyakap nila sa Islām at nagbalak sila ng hindi nila natamo [na pagpaslang sa Propeta]. Wala silang ipinaghinanakit maliban na nagpayaman sa kanila si Allāh at ang Sugo Niya mula sa kabutihang-loob Niya. Kaya kung magbabalik-loob sila, ito ay magiging mabuti para sa kanila; at kung tatalikod sila, pagdurusahin sila ni Allāh ng isang pagdurusang masakit sa Mundo at Kabilang-buhay. Walang ukol sa kanila sa lupa na anumang katangkilik ni mapag-adya.
Naghahanap ng paksa? Subukan ang paghahanap ayon sa kahulugan — hinahanap ang tanong sa lahat ng 6,236 talata.
Wika — 70