وَٱلَّذِينَ يُتَوَفَّوْنَ مِنكُمْ وَيَذَرُونَ أَزْوَٰجًا يَتَرَبَّصْنَ بِأَنفُسِهِنَّ أَرْبَعَةَ أَشْهُرٍ وَعَشْرًا فَإِذَا بَلَغْنَ أَجَلَهُنَّ فَلَا جُنَاحَ عَلَيْكُمْ فِيمَا فَعَلْنَ فِىٓ أَنفُسِهِنَّ بِٱلْمَعْرُوفِ وَٱللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng mga papapanawin kabilang sa inyo at mag-iiwan ng mga maybahay, mag-aantabay ang mga ito sa mga sarili ng mga ito nang apat na buwan at sampung [araw kung hindi nagdadalang-tao].[61] Kapag umabot ang mga ito sa taning ng mga ito ay walang maisisisi sa inyo sa anumang ginawa ng mga ito sa mga sarili ng mga ito[62] ayon sa nakabubuti. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.