وَإِذَا رَأَيْتَ ٱلَّذِينَ يَخُوضُونَ فِىٓ ءَايَٰتِنَا فَأَعْرِضْ عَنْهُمْ حَتَّىٰ يَخُوضُوا۟ فِى حَدِيثٍ غَيْرِهِۦ وَإِمَّا يُنسِيَنَّكَ ٱلشَّيْطَٰنُ فَلَا تَقْعُدْ بَعْدَ ٱلذِّكْرَىٰ مَعَ ٱلْقَوْمِ ٱلظَّٰلِمِينَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKapag nakakita ka sa mga tumatalakay [sa pagpapabula] sa mga talata Namin [sa Qur’ān] ay umayaw ka sa kanila hanggang sa tumalakay sila sa isang pag-uusap na iba roon. Kung magpapalimot nga naman sa iyo ang demonyo ay huwag kang manatili, matapos ng pagkaalaala, kasama sa mga taong tagalabag sa katarungan.