caseriqPaghahanap ayon sa kahulugan sa Qur'an

Surah Al-Hashr, talata 2

Madinah · pagkakasunod ng pagpapahayag 101 · 59:2

هُوَ ٱلَّذِىٓ أَخْرَجَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ مِنْ أَهْلِ ٱلْكِتَٰبِ مِن دِيَٰرِهِمْ لِأَوَّلِ ٱلْحَشْرِ مَا ظَنَنتُمْ أَن يَخْرُجُوا۟ وَظَنُّوٓا۟ أَنَّهُم مَّانِعَتُهُمْ حُصُونُهُم مِّنَ ٱللَّهِ فَأَتَىٰهُمُ ٱللَّهُ مِنْ حَيْثُ لَمْ يَحْتَسِبُوا۟ وَقَذَفَ فِى قُلُوبِهِمُ ٱلرُّعْبَ يُخْرِبُونَ بُيُوتَهُم بِأَيْدِيهِمْ وَأَيْدِى ٱلْمُؤْمِنِينَ فَٱعْتَبِرُوا۟ يَٰٓأُو۟لِى ٱلْأَبْصَٰرِ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSiya ay ang nagpalisan sa mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan[1] mula sa mga tahanan nila sa unang pagkakalap [at pagpapatapon sa kanila]. Hindi kayo nagpalagay na sila ay lilisan. Nagpalagay sila na sila ay ipagtatanggol ng mga kuta nila laban kay Allāh, ngunit nagpapunta sa kanila si Allāh [ng pagdurusa] mula sa kung saan hindi nila inaasahan. Bumato Siya sa mga puso nila ng hilakbot. Sumisira sila ng mga bahay nila sa pamamagitan ng mga kamay nila at mga kamay ng mga mananampalataya. Kaya magsaalang-alang kayo [mula rito], O mga may paningin.
Naghahanap ng paksa? Subukan ang paghahanap ayon sa kahulugan — hinahanap ang tanong sa lahat ng 6,236 talata.
Wika — 70