caseriqPaghahanap ayon sa kahulugan sa Qur'an

Surah Aal-i-Imraan, talata 49

Madinah · pagkakasunod ng pagpapahayag 89 · 3:49

وَرَسُولًا إِلَىٰ بَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ أَنِّى قَدْ جِئْتُكُم بِـَٔايَةٍ مِّن رَّبِّكُمْ أَنِّىٓ أَخْلُقُ لَكُم مِّنَ ٱلطِّينِ كَهَيْـَٔةِ ٱلطَّيْرِ فَأَنفُخُ فِيهِ فَيَكُونُ طَيْرًۢا بِإِذْنِ ٱللَّهِ وَأُبْرِئُ ٱلْأَكْمَهَ وَٱلْأَبْرَصَ وَأُحْىِ ٱلْمَوْتَىٰ بِإِذْنِ ٱللَّهِ وَأُنَبِّئُكُم بِمَا تَأْكُلُونَ وَمَا تَدَّخِرُونَ فِى بُيُوتِكُمْ إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَـَٔايَةً لَّكُمْ إِن كُنتُم مُّؤْمِنِينَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Gagawa Siya rito] bilang sugo sa mga anak ni Israel, [na magsasabi]: ‘Na ako ay naghatid nga sa inyo ng isang tanda mula sa Panginoon ninyo; na ako ay lilikha para sa inyo mula sa putik ng gaya ng anyo ng ibon, saka iihip rito, saka ito ay magiging isang ibon ayon sa pahintulot ni Allāh. Magpapagaling ako ng ipinanganak na bulag at ketungin. Magbibigay-buhay ako sa mga patay ayon sa pahintulot ni Allāh. Magbabalita ako sa inyo ng kinakain ninyo at iniimbak ninyo sa mga bahay ninyo. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa inyo kung kayo ay mga mananampalataya.
Naghahanap ng paksa? Subukan ang paghahanap ayon sa kahulugan — hinahanap ang tanong sa lahat ng 6,236 talata.
Wika — 70