caseriqPaghahanap ayon sa kahulugan sa Qur'an

Surah Al-Baqara, talata 260

Madinah · pagkakasunod ng pagpapahayag 87 · 2:260

وَإِذْ قَالَ إِبْرَٰهِـۧمُ رَبِّ أَرِنِى كَيْفَ تُحْىِ ٱلْمَوْتَىٰ قَالَ أَوَلَمْ تُؤْمِن قَالَ بَلَىٰ وَلَٰكِن لِّيَطْمَئِنَّ قَلْبِى قَالَ فَخُذْ أَرْبَعَةً مِّنَ ٱلطَّيْرِ فَصُرْهُنَّ إِلَيْكَ ثُمَّ ٱجْعَلْ عَلَىٰ كُلِّ جَبَلٍ مِّنْهُنَّ جُزْءًا ثُمَّ ٱدْعُهُنَّ يَأْتِينَكَ سَعْيًا وَٱعْلَمْ أَنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Banggitin] noong nagsabi si Abraham: “Panginoon ko, ipakita Mo sa akin kung papaano Kang nagbibigay-buhay sa mga patay.” Nagsabi Siya: “At hindi ka ba sumampalataya?” Nagsabi ito: “Opo; subalit [humiling ako nito] upang mapanatag ang puso ko.” Nagsabi Siya: “Kaya kumuha ka ng apat na ibon saka maglagak ka ng mga ito sa iyo [upang pagputul-putulin]. Pagkatapos maglagay ka sa bawat burol mula sa mga ito ng isang bahagi. Pagkatapos manawagan ka sa mga ito, pupunta sa iyo ang mga ito sa iyo nang agaran. Alamin mo na si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.”
Naghahanap ng paksa? Subukan ang paghahanap ayon sa kahulugan — hinahanap ang tanong sa lahat ng 6,236 talata.
Wika — 70