caseriqPaghahanap ayon sa kahulugan sa Qur'an

Surah Al-Baqara, talata 221

Madinah · pagkakasunod ng pagpapahayag 87 · 2:221

وَلَا تَنكِحُوا۟ ٱلْمُشْرِكَٰتِ حَتَّىٰ يُؤْمِنَّ وَلَأَمَةٌ مُّؤْمِنَةٌ خَيْرٌ مِّن مُّشْرِكَةٍ وَلَوْ أَعْجَبَتْكُمْ وَلَا تُنكِحُوا۟ ٱلْمُشْرِكِينَ حَتَّىٰ يُؤْمِنُوا۟ وَلَعَبْدٌ مُّؤْمِنٌ خَيْرٌ مِّن مُّشْرِكٍ وَلَوْ أَعْجَبَكُمْ أُو۟لَٰٓئِكَ يَدْعُونَ إِلَى ٱلنَّارِ وَٱللَّهُ يَدْعُوٓا۟ إِلَى ٱلْجَنَّةِ وَٱلْمَغْفِرَةِ بِإِذْنِهِۦ وَيُبَيِّنُ ءَايَٰتِهِۦ لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمْ يَتَذَكَّرُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHuwag kayong magpakasal sa mga babaing tagapagtambal hanggang sa sumampalataya sila. Talagang ang isang babaing aliping mananampalataya ay higit na mabuti kaysa sa isang babaing tagapagtambal kahit pa man nagpahanga ito sa inyo. Huwag ninyong ipakasal [ang kababaihan ninyo] sa mga lalaking tagapagtambal hanggang sa sumampalataya sila. Talagang ang isang lalaking aliping mananampalataya ay higit na mabuti kaysa sa isang lalaking tagapagtambal kahit pa man nagpahanga ito sa inyo. Ang mga iyon ay nag-aanyaya tungo sa Apoy samantalang si Allāh ay nag-aanyaya tungo sa Paraiso at kapatawaran ayon sa pahintulot Niya. Naglilinaw Siya sa mga tanda Niya sa mga tao, nang sa gayon sila ay magsasaalaala.
Naghahanap ng paksa? Subukan ang paghahanap ayon sa kahulugan — hinahanap ang tanong sa lahat ng 6,236 talata.
Wika — 70