caseriqPaghahanap ayon sa kahulugan sa Qur'an

Surah Hud, talata 7

Makkah · pagkakasunod ng pagpapahayag 52 · 11:7

وَهُوَ ٱلَّذِى خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضَ فِى سِتَّةِ أَيَّامٍ وَكَانَ عَرْشُهُۥ عَلَى ٱلْمَآءِ لِيَبْلُوَكُمْ أَيُّكُمْ أَحْسَنُ عَمَلًا وَلَئِن قُلْتَ إِنَّكُم مَّبْعُوثُونَ مِنۢ بَعْدِ ٱلْمَوْتِ لَيَقُولَنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓا۟ إِنْ هَٰذَآ إِلَّا سِحْرٌ مُّبِينٌ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSiya ang lumikha ng mga langit at lupa sa anim na araw – at ang Trono Niya ay nasa ibabaw ng tubig – upang sumubok Siya sa inyo kung alin sa inyo ang pinakamaganda sa gawa. Talagang kung nagsabi ka: “Tunay na kayo ay mga bubuhayin matapos na ng kamatayan” ay talagang magsasabi nga ang mga tagatangging sumampalataya: “Walang iba ito kundi isang panggagaway na malinaw.”
Naghahanap ng paksa? Subukan ang paghahanap ayon sa kahulugan — hinahanap ang tanong sa lahat ng 6,236 talata.
Wika — 70