فَنَادَتْهُ ٱلْمَلَٰٓئِكَةُ وَهُوَ قَآئِمٌ يُصَلِّى فِى ٱلْمِحْرَابِ أَنَّ ٱللَّهَ يُبَشِّرُكَ بِيَحْيَىٰ مُصَدِّقًۢا بِكَلِمَةٍ مِّنَ ٱللَّهِ وَسَيِّدًا وَحَصُورًا وَنَبِيًّا مِّنَ ٱلصَّٰلِحِينَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterKaya nanawagan sa kanya ang mga anghel, habang siya ay nakatayong nagdarasal sa isang silid-dasalan, na [nagsasabi]: “Si Allāh ay nagbabalita sa iyo ng nakagagalak hinggil kay Juan bilang tagapagpatotoo sa isang salita mula kay Allāh, bilang ginoo, bilang matimtiman, at bilang propeta kabilang sa mga maayos.”