caseriqPaghahanap ayon sa kahulugan sa Qur'an

Surah Al-Baqara, talata 275

Madinah · pagkakasunod ng pagpapahayag 87 · 2:275

ٱلَّذِينَ يَأْكُلُونَ ٱلرِّبَوٰا۟ لَا يَقُومُونَ إِلَّا كَمَا يَقُومُ ٱلَّذِى يَتَخَبَّطُهُ ٱلشَّيْطَٰنُ مِنَ ٱلْمَسِّ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ قَالُوٓا۟ إِنَّمَا ٱلْبَيْعُ مِثْلُ ٱلرِّبَوٰا۟ وَأَحَلَّ ٱللَّهُ ٱلْبَيْعَ وَحَرَّمَ ٱلرِّبَوٰا۟ فَمَن جَآءَهُۥ مَوْعِظَةٌ مِّن رَّبِّهِۦ فَٱنتَهَىٰ فَلَهُۥ مَا سَلَفَ وَأَمْرُهُۥٓ إِلَى ٱللَّهِ وَمَنْ عَادَ فَأُو۟لَٰٓئِكَ أَصْحَٰبُ ٱلنَّارِ هُمْ فِيهَا خَٰلِدُونَ

Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng mga kumakain ng patubo ay hindi bumabangon malibang kung paanong bumangon ang pinatuliro ng demonyo dahil sa kabaliwan. Iyon ay dahil sila ay nagsabi na ang pagtitinda ay tulad ng patubo lamang. Nagpahintulot si Allāh ng pagtitinda at nagbawal Siya ng patubo. Kaya ang sinumang dinatnan ng isang pangaral mula sa Panginoon niya at tumigil siya, sa kanya na ang nagdaan [na nakuha niya] at ang nauukol sa kanya ay kay Allāh. Ang sinumang nanumbalik, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili.
Naghahanap ng paksa? Subukan ang paghahanap ayon sa kahulugan — hinahanap ang tanong sa lahat ng 6,236 talata.
Wika — 70