يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ إِنَّا خَلَقْنَٰكُم مِّن ذَكَرٍ وَأُنثَىٰ وَجَعَلْنَٰكُمْ شُعُوبًا وَقَبَآئِلَ لِتَعَارَفُوٓا۟ إِنَّ أَكْرَمَكُمْ عِندَ ٱللَّهِ أَتْقَىٰكُمْ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمٌ خَبِيرٌ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterO mga tao, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa isang lalaki [na si Adan] at isang babae [na si Eva] at gumawa sa inyo na mga bansa at mga lipi upang magkakilalahan kayo.[1] Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamapangilag magkasala sa inyo.[2] Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid.