إِنَّ فِرْعَوْنَ عَلَا فِى ٱلْأَرْضِ وَجَعَلَ أَهْلَهَا شِيَعًا يَسْتَضْعِفُ طَآئِفَةً مِّنْهُمْ يُذَبِّحُ أَبْنَآءَهُمْ وَيَسْتَحْىِۦ نِسَآءَهُمْ إِنَّهُۥ كَانَ مِنَ ٱلْمُفْسِدِينَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTunay na si Paraon ay nagmataas sa lupain at gumawa sa mga naninirahan doon bilang mga kampihan habang naniniil sa isang pangkatin[3] kabilang sa kanila: pinagkakatay niya ang mga lalaking anak nila at pinamumuhay niya ang mga babae nila. Tunay na siya noon ay kabilang sa mga tagagulo.