إِنَّمَا حَرَّمَ عَلَيْكُمُ ٱلْمَيْتَةَ وَٱلدَّمَ وَلَحْمَ ٱلْخِنزِيرِ وَمَآ أُهِلَّ بِهِۦ لِغَيْرِ ٱللَّهِ فَمَنِ ٱضْطُرَّ غَيْرَ بَاغٍ وَلَا عَادٍ فَلَآ إِثْمَ عَلَيْهِ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٌ رَّحِيمٌ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterIpinagbawal lamang sa inyo ang namatay,[36] ang dugo, ang laman ng baboy, at ang anumang inialay sa iba pa kay Allāh; ngunit ang sinumang napilitan nang hindi lumalabag ni lumalampas ay walang kasalanan sa kanya. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.