تِلْكَ ٱلْقُرَىٰ نَقُصُّ عَلَيْكَ مِنْ أَنۢبَآئِهَا وَلَقَدْ جَآءَتْهُمْ رُسُلُهُم بِٱلْبَيِّنَٰتِ فَمَا كَانُوا۟ لِيُؤْمِنُوا۟ بِمَا كَذَّبُوا۟ مِن قَبْلُ كَذَٰلِكَ يَطْبَعُ ٱللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِ ٱلْكَٰفِرِينَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterAng mga pamayanang iyon ay nagsasalaysay Kami sa iyo ng ilan sa mga balita ng mga iyon. Talaga ngang naghatid sa kanila ang mga sugo nila [mula kay Allāh] ng mga malinaw na patunay, ngunit hindi sila naging ukol na sumampalataya sa pinasinungalingan nila bago pa niyan. Gayon nagpipinid si Allāh sa mga puso ng mga tagatangging sumampalataya.