ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ كَانَت تَّأْتِيهِمْ رُسُلُهُم بِٱلْبَيِّنَٰتِ فَكَفَرُوا۟ فَأَخَذَهُمُ ٱللَّهُ إِنَّهُۥ قَوِىٌّ شَدِيدُ ٱلْعِقَابِ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterIyon ay [nasadlak sa kanila] dahil sila dati ay dinadalhan ng mga sugo nila [mula kay Allāh] ng mga malinaw na patunay ngunit tumanggi silang sumampalataya [sa mga ito] kaya dumaklot sa kanila si Allāh. Tunay na Siya ay Malakas, Matindi ang pagpaparusa.