لَيْسُوا۟ سَوَآءً مِّنْ أَهْلِ ٱلْكِتَٰبِ أُمَّةٌ قَآئِمَةٌ يَتْلُونَ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ ءَانَآءَ ٱلَّيْلِ وَهُمْ يَسْجُدُونَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHindi sila magkapantay; mayroon sa mga May Kasulatan na isang kalipunang matuwid [na yumakap sa Islām]. Bumibigkas sila ng mga talata ni Allāh sa mga bahagi ng gabi habang sila ay nagpapatirapa [sa pagdarasal].