وَلَا تُجَٰدِلُوٓا۟ أَهْلَ ٱلْكِتَٰبِ إِلَّا بِٱلَّتِى هِىَ أَحْسَنُ إِلَّا ٱلَّذِينَ ظَلَمُوا۟ مِنْهُمْ وَقُولُوٓا۟ ءَامَنَّا بِٱلَّذِىٓ أُنزِلَ إِلَيْنَا وَأُنزِلَ إِلَيْكُمْ وَإِلَٰهُنَا وَإِلَٰهُكُمْ وَٰحِدٌ وَنَحْنُ لَهُۥ مُسْلِمُونَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterHuwag kayong makipagtalo sa mga May Kasulatan malibang ayon sa pinakamaganda, maliban sa mga lumabag sa katarungan kabilang sa kanila. Sabihin ninyo: “Sumampalataya kami sa pinababa sa amin at pinababa sa inyo. Ang Diyos namin at ang Diyos ninyo ay nag-iisa. Kami sa Kanya ay mga tagapagpasakop.”[18]