وَأَقْسَمُوا۟ بِٱللَّهِ جَهْدَ أَيْمَٰنِهِمْ لَئِنْ أَمَرْتَهُمْ لَيَخْرُجُنَّ قُل لَّا تُقْسِمُوا۟ طَاعَةٌ مَّعْرُوفَةٌ إِنَّ ٱللَّهَ خَبِيرٌۢ بِمَا تَعْمَلُونَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterSumumpa sila kay Allāh nang taimtim sa mga panunumpa nila na talagang kung nag-utos ka sa kanila ay talagang lilisan nga sila [para makibaka]. Sabihin mo: “Huwag kayong sumumpa. Isang pagtalimang kilala [na huwad ang nasa inyo].” Tunay na si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo.