إِذْ قَالَ يُوسُفُ لِأَبِيهِ يَٰٓأَبَتِ إِنِّى رَأَيْتُ أَحَدَ عَشَرَ كَوْكَبًا وَٱلشَّمْسَ وَٱلْقَمَرَ رَأَيْتُهُمْ لِى سَٰجِدِينَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center[Banggitin] noong nagsabi si Jose sa ama niya: “O ama ko, tunay na ako ay nakakita [sa panaginip] ng labing-isang tala, araw, at buwan; nakita ko sila na sa akin ay mga nakapatirapa.”