وَلَقَدْ ءَاتَيْنَا بَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ ٱلْكِتَٰبَ وَٱلْحُكْمَ وَٱلنُّبُوَّةَ وَرَزَقْنَٰهُم مِّنَ ٱلطَّيِّبَٰتِ وَفَضَّلْنَٰهُمْ عَلَى ٱلْعَٰلَمِينَ
Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation CenterTalaga ngang nagbigay Kami sa mga anak ni Israel ng kasulatan [na Torah], paghatol, at pagkapropeta; tumustos Kami sa kanila mula sa mga kaaya-ayang bagay at nagtangi Kami sa kanila higit sa mga nilalang [ng panahon nila].